Nine.

437 14 1
                                    


Please Vote!






"Hindi kita maintindihan.." Nalilito na sabi niya dito.




"I badly need your help." Tila desperada na sabi nito sa kanya.




And she is very confused. Ano ba ang ibig sabihin nito? Kanina pa nito iyon sinasabi. Paano niya ito matutulungan?




Ito ang una nilang pagkikita tapos sasabihin nito na siya ang solusyon sa problema nito. Binibiro ba siya nito?



"Ano bang pinagsasabi mo?" She can't help but say.




"I want you to be the substitute bride." Deklara niya dito. Na ibuga naman niya ang kape na iniinom sa sinabi nito.




"Ano! Nasisiraan ka na ba?!" Exaggerated niyang sigaw dito at nag tinginan naman ang lahat ng tao sa restaurant sa kanila. Pinandilatan niya ito ng mata sa gulat.




"Akala mo ba hindi ko na intindihan ang sinabi mo?! Ha?! Oo english 'yon at matino ang pag iisip ko kaya bakit ako ang ipa--




"Ha- ha. I was just kidding.." Pagak na tawa nito.




Natahimik ito sandali pagkatapos ay nag bago muli ang expression nito sa mukha at tila iiyak na ito. Siya naman ay biglang kumalma dahil akala niya ay totoo ang sinasabi nito. Balak na niya sanang takbuhan ito dahil sa kakaibang mga pinagsasabi nito sa kanya.




"Yesterday... Ahmm.. I.. I was diagnosed of hypertrophic cardiomyophaty." Malungkot na sabi nito at unti unti nang pumatak ang mga luha nito.




"Oh! Huwag kang umiyak! Baka akalain ng mga tao dito. Inaapi kita." Natataranta niyang sabi dito. Pinagti tinginan kasi sila ng mga tao sa coffee shop.




"Here are my medical test results. 'Yan ang magpapatunay na totoo ang lahat ng sinasabi ko..." Sabi nito sabay abot ng mga papel sa folder na may laman.




Nang buksan niya iyon ay puro iyon medical papaers ngunit hindi niya maintindihan ang ilan sa mga naka laman doon.




"It is a rare case of heart disease. Maaari daw namana ko ang sakit na ito but, heart disease doesn't run in our family kaya it is cause of something. I.. I don't know.."




"Ka unti na lamang ang natitira kong oras. I need to get treated as soon as possible. I only have 3 months for the treatment. Hindi ko pa alam kung makukuha pa iyon sa surgery..and the...the worst is..."




"I might need a transplant dahil may heart is failing.. Kaya, ewan ko.. nalilito ako... I am so young para pagdaanan ang lahat na ito. I still want to have children bago ako mamatay b..but.. I think it is impossible.."




"Because, I'm dying." Malungkot na paliwanag natin na umiiyak pa din.



Hindi naman niya namalayan na ang mga kamay niya ay naka hawak na sa kamay nito upang mag bigay ng comfort. Ang akala niya ay masama ang ugali nito ngunit may pinagdadaanan pala ito kaya ito ganoon.




Naawa naman siya para dito. Maganda ito, mayaman at edukada ngunit sa isang iglap lamang ay wala nang halaga ang mga iyon dahil may taning na ang buhay nito. Napaka bata pa naman nito.



"Please just help me... I beg you.. Nag mamakaawa ako. Ikaw na lamang ang tanging solusyon sa problema namin. Just help me.. Willing naman ako mag bayad ng kahit magkano.."





My EX FiancèWhere stories live. Discover now