Prologue- The Beggining.

183 12 0
                                    


"Louise, table number three."

Nawala ako sa pagmumuni-muni kung gaano ako kamalas na tao. Lumingon ako at agad kinuha ang tray na may nakapatong na strawberry frappé at isang strawberry cake.

Hindi naman siguro strawberry freak 'yung bibigyan ko ng order? Baka mamaya lahat ng strawberry sa menu order-in na niya.

"Here's your order, ma'am." Saad ko nang may ngiti sa labi. Agad ko namang inilapag ang pagkain at inumin na in-order niya. Hindi ko siya tinitignan sa mata because some customers doesn't like being stared at.

"Louise, what a beautiful name."

"Thank you, ma'am." Pasasalamat ko.

"Order is complete, ma'am. I'll get the number and just call me when you need something." I took the number plate and went back to my own life.

Napakalaki talaga ng pasasalamat ko kay Alliyah. Kung hindi dahil sakanya, baka ilang trabaho pa ang kailangan kong pasukin. Pinayagan niya akong magtrabaho sa café niya.

Alliyah has been my friend for 2 years. Nagkakilala lang kami nang malasing siya, napadpad sa park, nagkwento ng kung anu-ano sa akin, and the rest is history.

Nagpa-part time ako sa café ni Alliyah. Dahil nga may wifi, may mga fantasy books, at masarap rin siya magluto kaya ayun, dinadayo talaga 'to. Ngayon ang first anniversary ng café niya at may pa promo siya kaya maraming tao. Gusto ko ulit magaral kung magkakaipon. Kung may pagkakataon ulit, kahit saang school mag-aaral ako.

Alliyah's café was build in the side of the city.
Along with other restaurants. From the outside this café looks snug and comfortable. The glass that surrounds the café brighten up the place.
Brown chairs and tables are made from mahogany.
Beige curtains to somehow dim the sun's light.

A lot of books with different genre's at the shelf. It's just minimalist and relaxing.

"Hey, Louise. Table number three is calling for you." Tawag sa akin ni Elaine na nagseserve rin.

Agad naman ako naglakad papunta doon. May mali ba sa order niya? Tinignan ko ang la mesa niya at hindi niya pa nagagalaw yung cake samantalang yung frappé, nakalahati niya na.

"May problema po ba?" Magalang na tanong ko sakanya.

"Actually... wala." Sagot nung babae. Wala naman palang problema, bakit niya ako pinatawag dito?

"May gusto lang akong i-offer sayo." Panimula niya.

"Ay, hindi po ako nag ne-networking." Tanggi ko, wala naman akong alam d'yan eh.

Mahinang tumawa ang babae at tinignan ulit ako. Dun ko lang napansin na may kulay chocolate siyang mata at itim naman ang buhok niya. Napaka defined ng mukha niya. Her face reminded me of a fox.

May inabot siyang envelope sa akin. "Buksan mo 'yan pagtapos ng shift mo. Kung interested ka, tawagan mo ang number na 'yan. Lahat ng kailangan mong malaman ay nakalagay diyan."

"Ite-take out ko na lang 'tong cake, thank you." Dagdag niya pa na parang wala lang ang mga sinabi niya kanina. Ako naman na wala sa wisyo ay inilagay ko sa bulsa ng apron ko yung ibinigay niya, kinuha ang cake, at ipinibalot ito. Para 'bang may sariling utak ang mga kamay ko.

Pero pagbalik ko, wala na siya. Napansin kong may iniwan s'yang tissue paper na may nakasulat, "Enjoy the cake."

She's kind but weird. Bigla-bigla na lang nawawala na parang bula.

The Dares of Death. [ Dedicated for Fatima SY: 2019-2020]Where stories live. Discover now