XIX - So near yet so far.

48 5 0
                                    

Mikhaila's POV

TATLONG araw palang akong namamalagi dito sa CPGI basang basa ko na ang mga teachers dito at ang Marshalls at Invictus.
Pero hindi parin talaga mabura sa isip ko ang ngyari nung nakaraan araw. Kung paano nagawa iyon.

Ang pag kakaalam ko—namin ay isa lang siyang 'Seer'

Can you just stop thinking about it Mik? Matulog kanalang. Maaga ka pa bukas. Hindi pa ako naipapasok—naisisingit sa sched ng Invictus pero dahil nasanay ako na gumising sa umaga ay ginagawa ko narin dito.

Just like that i was transfered into a new place. A grassy and cold place. Hindi pamilyar saakin ang lugar nato. Ngayon lang ako napag-pad sa lugar nato. Walang pag aalinlangan pero may takot na nararamdaman. Nag lakad ako. Patuloy akong nag lakad baka sakaling may makita ako. Pero wala tanging hangin lang ang naririnig ko. Walang huni ng kahit ano.

Lakad, ilang minuto naakong nag lalakad pero wala parin talaga ng biglang. "Ah!" napahawak ako sa balikat ko. Nahulog ako. Kung kanina ay madilim ngayon ay mas madilim na ang tinatahak kong daan.

Wala naakong makita ni anino ko wala. Habang patuloy akong nag lalakad ay unti-unti akong nakakarinig ng mga bulungan.
Bulungan na hindi ko maintindihan.

Napatakip ako ng mata dahil biglang lumiwanag ang paligid. Dahan-dahan kong ibinaba ang nakatakip ko mata at pinag masdan ang lugar. Agad akong nagulantang ng makita ko kung saan ako dinala ng mga paa ko.

"Bakit ako nandito?" tanong ko sa sarili ko habang pinag mamasdan ang buong silid.
"Bakit ako dinala rito?" ulit kong tanong habang nag lalakad at hinihimas ang mga upuan. "Bakit na sa kwarto ako ng Marshalls?"

Pag lingon ko sa kanan kung saan naroon ang lamesa ay "Ah!" malakas kong sigaw. Isang walang buhay na katawan ang natagpuan ko.

"MIKHAILA!" napabalikwas ako sa gulat.

"LOUISE!" sigaw ko.

"Okay ka lang?" tanong saakin ni Louise habang nakatingin sa mga mata ko. Napalunok ako at tumango. "Normal lang to."

Gumuhit ang deretsong ngiti sa mga labi ni Louise at bumuntong hininga. "Anong nakita mo?" tanong niya saakin. Napakunot ako ng nuo. Napupo ako ng maayos.

"May nakita karin?" tanong ko kay Louise. Bumuntong hininga siya at tumango. "Dinala ako sa isang Classroom. Pero hindi natuloy yun dahil narinig kong sumigaw ka." kwento niya saakin.

Sa unang pag kakataon parehas kami ng napanaginipan ni Louise. Anong mangyayari? Mali—kailan mangyayari ang nakita ko? Kailan merong mamatay?

Hinawakan ko ang balikat niya na naging dahilan para tignan niya ako ulit. "Wala tayong magagawa Louise. Hindi natin kayang pigilan ang mga nakatakdang mangyari."

"Maybe we can? Maybe we can change it. I mean bakit tayo bibigyan ng ganitong kakayahan kung hindi rin natin magagamit?"

"Louise, Hindi tayo diyos! Hindi natin kayang baguhin ang mga nakatakda! Dahil kung masakit yung mangyayari ngayon paano pa kaya kung biglang mag bago ang lahat? Satingin mo makikita parin natin yun? Kung ang mga nakatakda mag babago?"

"Anong gagawin natin kung ganon? anong pwede kong gawin?"

Alliyah's POV

"Eve!" tawag ko ng makita ko siya. Lumingon siya pero kagaya ng pag kakakilala namin sakanya wala siyang emosyon. Walang ngiti, Walang bakas ng galit at lalo na walang bakas ng kalungkutan.

"Nung nakaraang araw ka pa namin hinahanap! Saan ka ba nag sususuot?" tanong ko sakanya ng makalapit ako.

"I'm busy." maikling sagot niya. "With what?" tanong ko. "It's none of your business." sabay talikod.

"You know you can talk to us Eve." mahinang sambit ko. Napahinto siya at lumingon. "I don't need anyone. I can survive without anyone."

"No one can survive alone Eve. No one"

Napabuntong hininga ako hinayaan na umalis si Eve dahil wala naman akong magagawa. Matigas ang ulo ng isang iyon. Parang may sariling mundo.

Napakunot ulit ako ng nuo ng may mapansin ako. "Superior Fred!" malakas na tawag ko. Lumingon lang siya at tumuloy na sa pag lalakad. Napakamot nalang ako sa ulo. Ano kayang gagawin ni Superior Fred sa gubat?

"Alliyah! Kanina ka pa namin hinahanap nandyan ka lang pala." Sigaw saakin ni Sherica.

"Oo nga halika may pag uusapan tayo" Dagdag ni Shemae. Tumango ako at tumakbo upang sumunod sakanila.


Nakarating na kami sa Conference room. Si Eve lang ang wala. "May nakakita ba kay Eve?" tanong ni Rhommer.

Walang sumasagot. "Uulitin ko may nakakita ba kay Eve?!" mas matigas na ngayon ang boses nito.

"N-Nakita ko siya kanina pumasok siya sa gubat. P-pag tapos non wala na." sagot ko.

"Sinong kasama niya?" tanong ni Jaylou.

"Wala——"

"Pero nakita ko si Superior Fred na pumasok sa Gubat. Pero hindi ko alam kung may Connect ba ito."

"Superior Fred? As in yung nakalaban ni Erica?" tanong ni Shania.

Tumango ako. "Anong meron sakanila?"

Hindi ako sumagot dahil wala rin naman akong alam.

"Kamusta ang pag iimbistiga sa kaso ni Mother Cynthia." tanong ni Angeline.

"Wala parin."

"Si Quillan, Kamusta na??" tanong ni Louise.

"Hindi parin siya lumalabas sa kwarto niya. Pero hindi siya lumilikha ng kahit akong ingay. Ang tahimik niya." Sagot ni Carille.

Narinig ko ang malalim na pag buntong hininga niya. Napansin ko rin na madalas niyang hawak ang libro. Pero hindi ko nalang binigyan ng pansin iyon. Dahil hindi ko naman dapat malaman yon.

"Ayoko mang mag isip ng masama pero hindi ko mapigilan. Simula ng mangyari ang accidente napansin ko na madalas hindi sumasama saatin si Eve. Napansin ko rin na madalas nandito si Superior fred. Nag tataka rin ako kung bakit ginawang Apprentice ni Superior Fred si Eve." mahabang lintanya ni Shemae.

"Apprentice?" tanong ni Aaron.

"Oo."

"Paano siya naging Apprentice ni Superior Fred?" tanong ni Aaron.

"Hindi ko alam"

"Guys wag kayong mag isip ng masama." singit ni Paolo.

"Sino bang hindi makakatiis na mag isip ng masama. Kung sa bawat meeting natin wala siya. At sa bawat laban natin hindi siya interisado? Sino ba hindi mag hihinala na bigla nalang siyang naging Apprentice ng hindi man lang naibabalita satin?" Si Angeline

She's right dapat nasabi ni headmaster saamin ang balitang ito lalo na kay Angeline na ngayon ay leader namin.

——————————————————

The Dares of Death. [ Dedicated for Fatima SY: 2019-2020]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin