XVII - Broken.

37 6 0
                                    

DALAWANG araw na ang nakakalipas ng huling usapan ng Invictus tungkol kay Mother Cynthia. Ang iba saamin ay pumayag na ipaubaya nalang sa mga Head ang imbestigasyon ang iba naman saamin ay nag kasundo na sila ang gagalaw. At ang mga natitira ay mag hihintay nalang ng balita. Isa naako don. Pakiramdam ko hindi na kami isang grupo ng Invictus. Para bang may pader na nag hahati saaming lahat.

Hindi ko alam kung ano ng ngyayari kahit ako ay naguguluhan. Sana bumalik na agad ang iba saamin para maayos na ang grupo. Para bumalik na sa dati kahit na alam kong impossible na dahil nawala na si Mother Cynthia. May lamat na ang Invictus.

Maya-maya lang ay nasilaw ang mga mata ko. Napapikit ng mariin ng biglang. Maya- maya lang ay may nakita akong limang anino. Papasok ito sa isang malaking pinto. Agad akong napa tayo sa pag kakaupo at tumakbo.

"INVICTUS!" halos sigaw kong sambit ng makita ko sila sa Cafeteria. Agad naman napalingon ang lahat. Kasama narito ang iba pang mga grupo. hindi rin nakalagpas sa mga mata ko ang tingin ni Mandy saakin. Binalewala ko lang ito at mabilis na nag tungo sa lamesa nila.

"Darating na sila." walang pag aatubiling saad ko. Maya-maya lang ay nakarinig kami ng isang malakas na pag-bukas ng pinto.

Sabay-sabay kaming napalingon.

"Lima sila.....pero hindi si Kasim ang kasama nila"

Agad akong napaupo sa nasaksihan. Nasaan si kasim? akala ko ba buo silang babalik?

Hindi naka iwas saakin ang mga malulungkot na mata ni Alliyah. Tumakbo ako papunta sa kanya at binigyan siya ng napakahigpit na yakap. Don na bumuhos ang mga luha niya.

Napag desisyonan namin na umalis na sa cafeteria at pumunta sa conference room. Kailangan naming malaman ang buong kwento. Napakatahimik ng kwarto. Nakakapanibago.

"Anong ngyari?" agad kong tanong.
"He sacrificed his life. Hindi namin alam." panimulang kwento ni Angeline.

Agad naman siyang nilapitan ni Aaron na mukhang nag aalala. "Para makuha ang magic lotus ng walang mangyayaring masama. Hindi pwedeng magalusan ka kahit maliit. Dahil may lason ang katas nito."

"Akala namin maayos naming naisagawa ang misyon pero hindi namin alam nagalusan para si Kasim. Ilang oras pa namin siyang nakasama hanggang sa napansin na namin na may parang mali sakanya."

"Sinabi niya saamin na iwanan na namin siya. Pero hindi namin nagawa bago namin pinag patuloy ang mission inilibing namin sa may maliit na burol."

Hindi ako makapagsalita. Gusto kong pagaanin ang mga pakiramdam nila pero hindi ko alam ang sasabihin ko. "Pero alam mo yung mas nag palungkot saakin?" sabat ni Alliyah.

"Yung masaya siyang namatay. Masaya siya na may naitulong siya saatin..." mahinang dagdag niya.

Wala akong nagawa kundi ang hagurin ang likod ni Alliyah para tumahan siya sa kakaiyak. Pero hagulgol parin siya ng hagulgol. Naawa ako, kung hindi kinaya ni Alliyah ang mga nangyayari paano pa kaya ang iba? Si Rian na maingay pag dating ay tahimik. Si Valerie na madaldal na-tikom ang bibig.

Ano nabang ngyayari? Ano nabang susunod na mangyayari?! Bakit hindi ko makita! Bakit ba kung kailan mas kailangan namin ang kakayahan ko tsaka hindi lumalabas?! Ano bang mali?!


Ilang oras na akong nakatitig sa libro na hawak ko. Hindi ko alam kung bakit lagi ko itong hawak. Nakalipat narin sa kabilang kwarto si Mikhaila. Dahil saamin nalang ang may bakanteng pwesto. Bakit ba kasi hindi ko magamit ng maayos ang kapangyarihan ko! Bakit ba napakawalang kwenta ko?!

Hinampas hampas ko ang ulo ko. Patuloy kong sinasaktan ang sarili ko hanggang sa dahan-dahan ng tumulo ang mga luha ko. "Bakit ba wala akong magawa? Bakit ba wala akong kwenta?!" malakas kong sigaw.

agad akong nakarinig ng katok. "Sino yan?" tanong ko. "Si Mikhaila."

"Anong gusto mo?" tanong ko.
"Buksan mo nalang yung pinto." Tumayo ako sa pag kakaupo sa kama at pinihit ang pintuan ko. Dali-dali naman pumasok si Mikhaila.

Napatitig ako sa ginawa niya. Hidni ko naman siya pinapasok. Umirap nalang ako at sinara ang pinto. Tumabi ako sakanya.

"I feel you." bigla niyang saad. Napakunot ang noo ko. "Ganyan din yung naramdaman ko na nakaka sense nga ako ng mamatay pero wala akong magawa kundi ang hintayin ang mangyayari."

Tumingin siya sa mga mata ko. "Hindi mo na mababago ang mga nakaukit sa libro. Hindi mo na mababago ang tadhana. Wala na tayong magagawa kundi tanggapin na mangyayari yun sa ayaw at sa gusto natin. Wala tayong kakayahan na baguhin ang matagal ng dapat mangyari. Kung ayaw natin na mas maging malala pa ang balik."

"Pano mo nagagawa yun?" tanong ko.

"Ang alin?"

"Ang tanggapin nalang ang lahat?"

"Wala naman akong choice. Wala tayong choice kundi sundin ang mga nakasulat na. Wala tayong magagawa para mabago yun. Yang kapangyarihan mo? Gagana lang yan kapag naniniwala kana sa sarili mo. "

"Isa lang naman ang may kayang baguhin yon. Si Bathala siya lang ang may kakayahan."
"Naniniwala ka kay Bathala?" tanong ko.

"Oo, Bakit satingin mo hindi? Natutunan kong tanggapin ang lahat ng ngyari dahil naniwala ako na may dahilan ang lahat. Nag papahiwatig si Bathala sa mga naniniwala sakanya."

"Si Bathala na may gawa. Siya ang nag susulat ng ating mga storya."

"O siya, Mauna naako."



Bathala, bakit kailangan may mawala? Bakit kailagan may mag dusa? Bakit kailangan may masaktan. Bakit kailangan mo kaming pahirapan?

Bathala....bakit ang daya daya mo?

Kung nakasulat na ang mga mangyayari? Anong mangyayari kung susubukanh baguhin ang mga iyon? Kung mabuhay ang mga dapat na mamatay.....may mamatay bang iba?

Kung mabago ang mga dapat na mangyari....anong mangyayari sa mga susunod na kabanata....

Kung hindi ba akong pumunta sa lugar na ito......dapat ba masaya parin sila? Kung hindi ba ako nag pumilit.....buo parin ba ang invictus?

The Dares of Death. [ Dedicated for Fatima SY: 2019-2020]Where stories live. Discover now