11

1K 99 26
                                    

Vincent POV.



"Vincent?"

"Sydney"

"Magka-kilala kayo?" tanong ni Jhigs na nagpapalipat-lipat pa ng tingin sa aming dalawa.

"Yes. Business partner ni Daddy ang Tatay nya. Long time no see Mr. Barber" biglang sabi ni Sydney na ikinagulat ko.

At ikinasakit ng puso ko.

"Ow I see. Small world talaga" natatawang sabi ni JHigs.

Tango nalang ang isinagot ko dahil ng tumingin ako kay Sydney para bang pinahiwatig nya na sumunod nalang ako sa kanya.

Tinapos din namin ang meeting ni Jhigs kahit pa nandito na sila Sydney at yong anak ni Jhigs. Pinaliwanag na rin sa akin ng dalawa kung bakit Mommy ang tawag ng bata kay Sydney.

Ayaw ko man ay kailangan ko silang iwanan doon. Kakain pa daw kasi sila. HIndi naman pwedeng hindi ako umalis dahil lalo lang magalit sa akin ang mahal ko.




Malalim na ang gabi ng maka-uwi si Sydney.

Pinanood ko ang lahat ng kilos nya. Hinihintay ko kung magsasalita sya at magpapaliwanag sa akin ngunit wala.

Kaya ako na ang naglakas loob na magsalita.

"Syd--

"Huwag mo akong simulan Vincent" walang gana nyang sagot sa akin.

"Kailangan nating mag-usap" ungot ko.

"Wala tayong dapat pag-usapan pa Vincent. At huwag na huwag mong sasabihin kay Jhigs kung ano ang totoong meron sa atin."

May konting inis akong naramdaman dahil don. At selos na rin.

"Bakit? Dahil ba may gusto ka sa kanya?"

"Bakit? Kung sabihin ko bang meron, may magagawa ka pa?" balik tanong nyang nagpahinto ng ikot ng mundo ko.

"Pero ikakasal tayo"malumanay na ulit na sabi ko.

"Ikakasal palang. Pwede pang mabago yon."

"Sydney. Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?"

"Alam mo ang sagot dyan Vincent. Huwag ka ng magtanong."

Aalis na sana sya ngunit maagap ko itong pinigilan.

"Please Sydney. Lahat gagawin ko. Kahit ano ipagawa mo sa akin. Mapatawad mo lang ako." puno ng pag-asang sabi ko sa kanya.

Tumawa sya ngunit nagulat ako ng may tumutulo ng luha sa mata nya.

"Alam mo ba kung bakit lagi kong kasama ang mag-ama? Dahil kay Angelo. Kasi nakikita ko kay Angelo ang nawala sa akin. Ang anak ko. ''

''A-anak?''gulat na tanong ko sa kanya.

Wala pa man syang sagot pero ibayong kaba na ang naratamdaman ko.

''Oo anak ko. Nabuntis mo ako noon pero hindi ko pa sya naipapanganak ay kinuha na sya. Ngayon tinatanong mo ako kung ano ang gagawin mo para mapatawad kita? Ibalik mo ang anak ko. Ibalik mo ang nag-iisang dahilan para sumaya ako."

Shocks pa rin ako sa nalaman ko.

Nanigas ang buong katawan ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nabuntis ko sya?

Pero wala na sya. Patay na ang anak kong di ko rin man lang nasilayan?

Paano?

Kaya ganito katindi ang galit sa akin ni Sydney?

"Oh ngayon. Sabihin mo sa akin Vincent paano kita papatawarin huh? Paano kita patatawarin kung ang sarili ko mismo hindi ko magawang patawarin sa pagkawala ng anak ko. Paano Vincent. Paano?"

Hindi pa rin ako nakapagsalita hanggang sa iwanan na nya ako sa kwartong yon.















A/N

Sabog na u.d mga bakla. Pasenxa po

One More ChanceWhere stories live. Discover now