13

1.1K 102 62
                                    

Vincent POV.

Dinala ako ni Sydney kung saan nakahimlay ang anak namin.

Habang papalapit ako sa puntod ng anak ko ay nanginginig na ang buong katawan ko. Sa loob ng kulang limang taon ngayon ko lang makikita ang puntod nya.

"Hi, anak. Nandito ulit ang Mommy. Kumusta ka na dyan? Miss na miss na kita. Anak ko, kasama ni Mommy si Daddy mo!" rinig kong paka-usap ni Sydney sa puntod.

Nanginginig na unti-unti akong lumuhod sa puntod ng anak ko. At taimtim ko syang kinakausap.

Anak, ang Daddy to. Patawarin mo ang Daddy, baby kung ngayon lang ako nakapunta dito. Patawag kasi habang nasa sinapupunan ka ng Mommy, wala ako para mabantayan kayo. Gago kasi ako eh. Siguro nga kasalanan ko rin kung bakit nawala ka. Kung hindi ko sana binigyan ng sakit ang Mommy mo hindi sana sya lalayo sa akin. Sana naalagaan ko kayo. Patawarin mo ako Anak ko.

"Kaylan mo nalaman na buntis ka na pala?"tanong ko kay Sydney ng hindi tumitingin sa kanya.

"Halos ilang linggo din mula ng magkahiwalay tayo non."

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?"

"Nagpapatawa ka ba? Sa mga oras na yon, ikaw yong taong pinakahuli-hulihan kong gusto makita. Kinasusuklaman kita Vincent."

Doon muli akong natahimik.

"Matapos ang graduation noon, pinilit ko sila Mommy na doon nalang ako kela Tito Cy, kasi matatago ko. Kasi doon alam kong hindi mo ako mahahanap. Si tita Mhay ang katulong ko. Sya ang nagbibigay ng lihi ko. Wala din kasi ng time na yon si Tito kaya dalawa lang kami ni tita. Hanggang sa nangyari ang aksidenting iyon. Pauwi na ako galing palingke ng masagasaan ako ng kotse. Nagising nalang ako sa hospital na wala na ang Anak ko."

"Nasaan na yong nakabangga sayo?"

"Naka kulong na. Bago ako umalis papuntang America para mag aral sinigurado ko munang mabubulok sya sa binalangguan."

"Dalhin mo ako sa kanya." muling sabi ko.

Tinanguan naman nya ako.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sydney POV.

Nakatanggap ako ng massage galing kay Jhigs. Sinabi nyang may kailangan daw akong malaman. Kaya pagka galing namin ni Vincent sa probinsya ay hindi na ako nag aksaya pa ng panahon. Agad na akong pumunta sa bahay nila.

"Jhigs, Bakit biglaan naman yata?" Nagtatakang tanong ko.

Tahimik na nakatingin lang si Jhigs sa akin.

"Hey, ano? May nangyari ba kay Angelo? Nasaan sya?" kabadong tanong ko.

"Wala, Natutulog na sya. May kaylangan lang akong tanungin sayo."

"Ano?"

"Kilala mo ba si Carol Bautista?" tanong nyang biglang nagpa-nginig ng kalamnan ko.

Paano  ko nga ba makakalimutan ang babaeng yon? Ang pinsan kong sumira ng lahat?

"Oo" naka kuyom ang kamao ko habang sinasagot ko sya.

Panandalian syang tumahimik, bago huminga ng malalim.

One More ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon