15

1K 107 26
                                    

Sydney POV.

Kinaumagahan ay maaga akong umalis. Iniwan ko muna ang anak ko kela Mommy na alam kong hindi naman nila pababayaan. Alam ko naman na kagabi ay gusto din nila itong makatabing matulog.

Wala akong ibang narinig sa mga magulang ko maging kay kuya tungkol sa anak ko. Sinabi lang nila sa akin na ang lahat ay nakaraan na. Ang lahat ng iyon ay pagsubok lang.

Kaylangan nalang kalimutan at harapin ang hinaharap. At kaylangan ang pagpapatawad.

Pagkababa ko sa sasakyan ay agad kong hinanap ang sadya ko. Di naman mahirap hanapin dahil nasa malapit lang.

Carol.

Nandito ako ngayon sa sementeryo upang bisitahin sya.

''I know na hindi mo ako iniexpect na pumunta dito. Alam ko rin na sinabi mo sa akin sa video na hindi ka hihingi ng tawad sa akin. Pero Carol ng malaman ko lang na binuhay at minahal mo ng sobra ang anak ko. Doon palang alam kong napatawad na kita. Alam kong nagawa mo lang yon dahil sa pagmamahal mo kay Vincent. Sa nag-iisang lalaking minahal natin. Carol nagpapasalamat ako sayo. Walang hanggang pasasalamat ko sayo dahil minahal mo si Angelo. Hindi mo pinagkait sa kanya ang mabuhay. Salamat. Maraming maraming salamat.''

Maya-maya ay nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na lamig na yumakap sa katawan ko.

Hindi ko maiwasan hindi maluha dahil alam ko sya to. Si Carol ito.

''Salamat pinsan''

Parang narinig ko pang bulong galing kung saan. Hanggang sa nawala ang lamig ko sa katawan.

''Bakit mo ako pinapunta dito'' sabi ni Vincent na  hindi ko man lang namalayang dumating na pala.

Bumaba ang tingin nya sa puntod at nang makita nya kung sino iti ay biglang nandilim ang expresion ng mukha nya.

''Sa ibang lugar nalang tayo mag-usap. Huwag dito'' aalis na sana sya ng pigilan ko ang braso nya.

''No. May kailangan kang malaman.!''

''Syd. Bakit ka ba kasi nagpunta pa dito?. Marami tayong lugar na pag-uusapan hindi sa harap ng puntod ng taong yan.''

''Pinsan ko sya Vincent at may pangalan sya.''

''Oo pero kung di dahil sa kanya hindi mo ako iiwan. Hindi ka lalayo, hindi mangyayari sayo ang aksidenting yon. Hindi mawawala sa ating ang anak natin. Nang dahil sa kanya nawala ang ang lahat. Nawala ang anak ko''

May luhang nakatakas sa kanyang mga mata.

''Pero sya rin ang dahilan kung bakit buhay ang anak natin.'' Sabi kong nagpatigil sa kanya.

''Anong ibig mong sabihin. Akala ko namatay ang anak natin?''

''Akala ko rin. Nabuhay ako sa pag aakalang patay na ang anak natin pero kagabi may binigay na usb si Jhigs. Video ni Carol na nagsasabing hindi namatay ang anak natin. Pinalitan lang nya ang lahat. Binayaran nya maging ang hospital para sa plano nya at ang baby ng mga panahon na yong ay nasa incubator dahil pitong buwan palang sya ng mailabas.''

''Nasaan ang anak ko?''

''Nasa bahay na kay Mommy''

''Tara na''aya nya ulit.

''Wait!''

''What? Gustong-gusto ko ng makita ang anak natin Syd. Gusto ko syang mayakap at mahalikan'' nagsusumamong saad nya.

''Alam ko pero pwede bang ipagdasal natin sya'' tukoy ko kay Carol.

Pero umiling sya.

''Hindi ko mapapatawad ang babaeng yan kahit pa sya rin ang dahilan ng pagbabalik ng anak natin. Maging ang hospital na binayaran nya ay kakasuhan ko para mapasara. Lahat gagawin ko kahit maubos ang pera ko para lang magdusa ang lahat ng may kasalanan'' galit na sabi nya.

Hindi ko naman sya masisi dahil masakit ang nangyari sa amin.

Hinawakan ko ang kamay nya na ikinagulat nya.

''Alam kong mahirap pero sana mapatawad mo sya,sila. Lahat tayo ay biktima dito. Si Carol dahil sa pagiging sawi nya at ang hospital. Maaring nasilaw sa pera. Pero ang lahat ng iyon ay nakaraan na. Hindi tayo ang gaganti sa kanila. Hindi natutulog ang dyos.''

''Napatawad mo na ba sya?'' Biglang tanong nya.

Tumango ako.

''Oo. Kung ang dyos nga nagpapatawad. Ako pa kaya na tao lang. Alam ko na lahat ng yon pagsubok lang para maging matatag tayo.''

Huminga sya ng malalim at tumingin sa puntod ni Carol.

_________________________________________________

Vincent Pov.

Hindi ko alam kung paano kita mapapatawad. Pero tama si Sydney. Kaylangan naming matotong magpatawad. Hindi ko pa kaya ngayon Carol. Pero pangako susubukan kong hanapin ang kapatawaran para sayo. Salamat at hindi mo pinbayaan ang anak namin. Salamat sa pagmamahal at panahong binigay mo sa kanya.

Humingi din ako ng tawad sayo. Alam kong nasaktan kita noon. Pero kaybigan lang talaga ang turing ko sayo. Si Sydney lang ang babaeng minahal ko at mamahalin habang buhay.

Kausap ko sa puntod nya. Matapos yon ay nagyaya naring umuwi si Sydney upang makasama ang anak namin.

Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko sa pagkikita namin ng anak ko. Sana lang mapatawad din nya ako sa kasalanan ko sa kanyang ina.

Pero may isa pang bumabagabag sa akin. Kung si Carol napatawad na nya.

Ako kaya!?

Mapapatawad pa nya?






A/N

Mahirap talagang magpatawad sa isang taong may malaking kasalanan sayo. Pero isipin nalang natin na kung ang dyos nga nagpapatawad. Tayo pa kaya na tao lang?

One More ChanceWhere stories live. Discover now