Simula

100K 2.3K 836
                                    

A/N: I'm not planning to revise this story, marami itong plot holes. Kaya naman I don't to suggest this for you to read. If you want a perfect story, this isn't the story you are looking for. It's staying here on wattpad for free because it's connected to another story of mine (Until You Say It). Thank you so much! I know myself this isn't my best story so please, huwag nang tumuloy kung hindi bet ang mga story na may maraming plot holes. Kung itutuloy po, I have warned you from the very beginning, no need to tell me coz I know it myself. Don't worry no hard feelings. Writing is a hobby of mine and I'm not a professional writer. I have work that's far from writing.

Again, I have warned you.

Thank you so much!

For those who still appreciated this despite lacking a lot. Thank you so much 🥹🫶🏻

-


Nakipagsabayan ako sa mga pasahero sa pag-akyat sa jeep nang huminto ang jeep sa tapat ng simbahan sa Quiapo. Sa likod ko ay si Jengjeng na inaalalayan kong mabuti.

Nagpatong ako ng mga pulang sobre sa binti ng mga pasahero sa jeep. Napangiwi ako nang tumama ang ulo ko sa mismong bubong ng jeep. Tumangkad pa ako lalo sa taon na ito.

"Ma'am, sir, kahit kaunting barya lang po sana. Pambili po ng pagkain." Sinimulan ko nang bigkasin ang nakasanayan kong mga salita sa araw-araw na pagsakay ko sa jeep. "Kahit magkano po ay tatanggapin namin. Maraming salamat, Ma'am...Sir..."

Kasama si Jengjeng ay tahimik kaming naghihintay na maambunan ng kaunting grasya para sa araw na ito. "Ikaw na naman? Kahapon ikaw din ang namalimos sa akin, paano kayo aasenso niyan?" Puna ng isang ale na may kaedaran na. "Puro kayo asa sa ibang tao. Ineng subukan mo kayang magtrabaho! Aba pinaghihirapan din namin ang nililimos niyo."

"Ganyan ang mga iyan, makakapal ang mukha."

"Ang iba ay manloloko."

Hindi ko iyon pinansin sa halip ay binaling ko na lamang ang atensiyon sa isang kolehiyala sa tapat ko ngayon. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Yan ang hirap sa inyo masyado kayong nasasanay na may magbibigay sa inyo! Eh kung imbes na namamalimos kayo ay sana nag-aaral na lang kayo. Tapos isisisi niyo sa gobyerno kung bakit kayo naghihirap. Hypocrites!" Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. Masasakit ang mga sinabi niya subalit hindi ako pwedeng lumaban para roon dahil may punto siya. Kung nabigyan ako ng pagkakataon para makapag-aral ay ginawa ko na. Pero hindi eh, hindi ako nabigyan ng kaparehong pribilehiyo na mayroon siya upang makapag-aral.

"Jeng, baba na tayo? Pagod ka na?" Tumango lamang sa akin si Jengjeng.

"Ito oh, pagkain na lang para siguradong sa inyo mapupunta." Tumakas ang isang patak ng luha sa mata ko na agad kong pinalis.

"Maraming salamat po! Maraming salamat po!" Paulit-ulit akong nagpasalamat hanggang sa tumigil ang jeep at bumaba na lamang kami ni Jengjeng.

"Ate Rana...umiiyak ka?" Umiling-iling agad ako.

"Hindi ah! Napuhing kasi ako. Wag na muna tayong mamalimos ngayong araw? Maalikabok sa jeep, masakit sa mata eh. May pagkain ka na naman." Binuksan ko ang papel na bag na mayroong isang malaking lalagyan ng isang sikat na fast food chain na madalas naming makita ni Jengjeng.

"Ate Rana, ito yung barger na nakita kong kinain nung batang mayaman kahapon. Tapos Ate Rana ito yung malaking manok na kinain naman nung mama nung isang araw. Totoo na 'to sa harapan natin ate. Ate may lumpyang shangyay pa sila." Masayang wika ni Jengjeng. Kumikirot ang puso ko, kung sana ay pinanganak ako sa marangyang pamilya ay marahil araw-araw ko silang napakain sa maayos na kainan. "Ate anong tawag rito? Patatas na pinirito?"

The Trained Wife [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon