Kabanata 8

47.2K 1.5K 416
                                    

How will you know if you already love the person? Will there be signs that you're actually falling for him? Or you'll just know without prior ideas that you actually did.

Napakapit ako nang mahigpit sa tiles ng kitchen counter nang mapansin ko ang paglapit sa akin ni Kal. I asked their personal chef that I'd cook breakfast for Kal today, he insisted on assisting me but I refused him. I wanted to do things for Kal.

"Good morning." Bati niya sa mababang tono ng boses, halata ang antok sa boses niya.

"Do you you still wanna sleep? Mukhang inaantok ka pa?" Tanong ko sa kanya habang maingat na nilalapag ang mga niluto kong breakfast para sa kanya. He helped me putting pancakes on the table. Siya na ang naglapag ng iba pang pagkain kaya naman nagtimpla na ako ng kape niya. I remember very well how to make his coffee. Nasanay na rin ako dahil ilang beses ko na rin siyang napagtimpla ng kape.

"I wanna sleep some more, but I can't. I have board meeting today so I need to be early before them." Tumango na lamang ako at inabot sa kanya ang kapeng tinimpla ko para sa kanya. "You're going somewhere after studying your modules?" Tumango ako sa kanya.

"Bibisita ako sa foundation nila Mommy Eli." Ani ko sa kanya. "It's my first time visiting it. At mayroong get together sila mommy with the co-founders of the foundation." Ang alam ni Kal ay sa States talaga ako lumaki kaya hindi na rin siya nagtaka sa sinabi ko.

"You didn't tell me. I should have cancelled my board meeting today." Natigilan ako sa sinabi niya. I wasn't expecting he will say that. I didn't know he is a bit interested with my personal things. I bit my lower lip thinking he might care for me even a little.

"Kal, your board meeting today is more important besides pwede ka namang humabol." Mahinahon kong sabi sa kanya. Each day, it feels like I'm getting used to his presence. I'm getting more comfortable having him this close with me. Sana hindi magbago, at mas tumibay pa. Napangiti ako habang pinapanood siyang tikman ang kape na tinimpla ko para sa kanya.

Kumain na kami ng breakfast. "Masarap?" Tanong ko habang sumusubo na rin ng aking niluto. Mukha namang masarap dahil hindi ako nakarinig sa kanya ng reklamo. I put maple syrup on my pancake. Nilagyan ko rin ng syrup ang pancake niya bago ito ilapit sa kanya, I topped it with some bacon too.

"Masarap Cerys. Thank you." Mas lalo akong napangiti. "But next time you can just ask our personal chef for our breakfast. You can rest more instead." Marahan niyang inabot ang kamay ko. He lightly squeezed it assuring me that it's okay with him that way. "Okay?" Tipid akong ngumiti sa kanya.

We already finished our breakfast when he received a call. Tinulungan ko ang mga kasambahay sa pagliligpit ng pinagkainan namin. "Pwede na rin kayong mag-breakfast. I made enough for everyone. Nagtabi na rin ako ng breakfast ni Mommy Ina." I told them, ang ilan ay nahihiya pa.

"Thank you Ma'am Cerys." Ngumiti sila sa akin at bahagyang tumungo. Lumapit agad sa akin si Kal matapos ang tawag na tinanggap niya. He placed his hand on my lower back.

"I'll try my best to make it on time with you." He was too close to me I can feel his breath on my skin. Umalis na siya pagkatapos noon at agad ding bumalik, tila nagmamadali. Napakunot ako ng noo. Baka may nakalimutan.

"I forgot something." Aniya. I already have his things prepared before he leaves. Wala na akong maisip na nakalimutan pa niya. Yumuko siya upang mag-lebel ang tangkad naming dalawa. Hindi ako naka-heels kaya mas maliit ako ngayon kumpara sa tuwing nakasuot ako ng heels.

"Ano?" Before I could think of what he might have forgotten, his lips touched my forehead. That soft lips of him on my forehead sent shivers down my spine. He caressed my back while we stayed that way. Yumakap siya sa akin kaya naman ay yumakap ako pabalik sa kanya.

The Trained Wife [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon