Kabanata 9

45.5K 1.5K 623
                                    

"Good luck on your assessment exam." Time approached so fast. My heart is pounding too loud that I can't hear other words Kal is telling me. "Hey, relax. You'll do great for sure." Marahan niya akong hinawakan sa braso.

I couldn't look back at him because my eyes are too focus on the module. I tried to reread the highlighted parts of the modules, meaning, important notes ang mga ito. I felt a lump in my throat. Nag-aral naman ako kagabi, in fact I only slept four hours. Pakiramdam ko ay bibigay na ang mga mata ko dahil sa antok. I need to finish my assessments already because it'll just prolong my agony. "Cerys," muling tawag sa akin ni Kal.

"Hmm?" I raised a brow still not looking back at him. He squeezed my hand to get my attention. Sandali ko siyang tinapunan ng tingin at binalik muli ang atensiyon sa module. I tried to memorize a bit, if not, I just familiarized myself.

"You can do it, okay?" He tried to cheer me up.

"Thank you. Pero pakiramdam ko talaga mame-mental block ako habang nagsasagot mamaya." I heavily sighed. He held my hand again, massaging it this time. Nakuha niya ang buong atensiyon ko dahil doon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He smirked when he realized he finally has my full attention. "Don't you have appointments or meetings today? Sorry, hindi kita napagluto ng agahan o napagtimpla man lang ng kape." Nag-iwas ako ng tingin nang maalalang hindi ko nagampanan ang pagiging asawa niya nitong nakaraan dahil subsob ako sa pag-aaral. Kailangan kong galingan bago may makapansin sa educational background ko. Hindi ko naman nais na pati ang educational background ko ay magiging peke rin. An opportunity to study is what I have prayed for a very long time, I'm not going to miss it.

"It's okay. Our personal chef is already preparing our breakfast. Let's eat before you take your exam. Ihahatid kita sa school." Masuyo niyang sabi sa akin. I appreciate how he really tried to make time for me despite his busy schedule. I heard they have a residential project that they'll start building this year. "Also, you've done this before in States. The only difference is the country where you are taking the exam." Natigilan ako, the way he said those words was a big slap to me. I feel bad that I had to lie to him. I can't imagine if one day he'll learn the truth, I don't know if I can still face him if that happens because it's so hard lying to a person you never intended to lie to.

"Love, cheer up." Ngumiti na lamang ako sa kanya matapos lumapat ang labi niya sa noo ko. Oo, kinikilig ako. Sa mga naging gesture ni Kal sa akin, napagtanto ko na ang sweetness na pinapakita niya ay nagdudulot sa akin ng tinatawag na kilig ayon kay Rycie.

Hinatid niya ako sa school para makapag-take na ako ng final assessment exam. Ang pinsan ni mommy ang may -ari ng paaralan kaya naging madali para sa akin ang makakuha ng modules na aaralin at ang makapag-exam na rin, it's an alternative way of learning for those who wasn't able to attend school at younger age. Although hindi naman talaga ako nag-aral sa States ay napakiusapan naman ni mommy ang pinsan niya na bigyan ako ng kaparehong oportunidad upang magsimulang mag-aral. It wasn't easy before because almost everyday I'm taking exams to prove my capability of learning fast according to my age.

"Tahimik ka. Don't worry, kaya mo 'yan. Alam kong kaya mo 'yan." He intertwined our hands. Nagugulat pa rin ako tuwing ganito siya kalambing sa akin, hindi pa rin ako sanay.

"Thank you," bulong ko.

Ang bawat subject ay maroong isangdaang tanong na multiple choice ang type of exam. Sa Scantron sheet ako nagsasagot kung saan i-fe-feed lamang ito sa machine para ma-check kung tama o mali ba ang aking mga sagot. Lapis ang gamit sa pagshe-shade at masyadong sensitive ang machine kaya naman iniwasan ko ang pabubura.

"Mrs. Madriaga, you may take your lunch first before proceeding to the next subject." Ani ng proctor ko nang matapos ko ang pangatlong subject. Hindi pa rin ako sanay na ganito ang tawag nila sa akin, dahil nag-enroll ako rito na Pedrino pa ang apelyido. Tipid akong ngumiti sa proctor.

The Trained Wife [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon