chapter 1

10.7K 213 3
                                    

Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko nang ibinalik ang aking cellphone sa bag. Ngumuso ako. Kakatapos ko lang kasing kausapin si mama. Alam ko, hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin siya dahil sa pag-alis ko sa kumbento. Hindi ko nga lang sinabi sa kaniya ang totoo kong dahilan---na hinalikan at hinawakan ako ng isang estranghero two months ago. Mabuti na nga lang din ay pinapayagan din ako ni Mother Superior sa naging pasya ko. Ako lang ang nakakaalam kung ano talaga ang dahilan.

Kasalukuyan akong saleslady ngayon sa isang luxury jewelry shop. Maganda din naman ang sweldo ko dito. Natutustusan ko na din ang mga pangangailangan ko. Kahit na wala na ako sa kumbento, hindi maalis sa lifestyle ko ang pagdadasal, ang kausapin ang Diyos. Humingi din ako ng tawad sa kaniya dahil sa pagtigil ko bilang maninilbihan sa kaniya pero kahit kailan, hindi ko siya tinalikuran. Alam kong alam niya kung ano ang rason ko, nahihiya na nga ako.

Siguro nga, wrong call ang nangyari kaya narito ako ngayon sa sitwasyon na ito.

Umaasa ako na mawawala din ang pagkatampo sa akin ni mama. Maiitindihan din niya ang tunay kong dahilan.

"Panginoon kong Diyos, sana, malinawan si mama sa oras na malaman niya ang totoo. Sana ay tanggap pa rin niya ako bilang anak niya. Patawad kung nadismaya ko kayo. Kayo na po ang bahala sa akin, amen." mataimtim kong bulong. Nagsign of the cross na din ako pagkatapos. Lumabas na ako sa locker room at bumalik na sa aking trabaho.

Tatlo kaming saleslady dito. Abala ang mga kasamahan ko na si Arra at Marian na nakikipag-usap sa mga client namin na puro mga couple na mukhang ikakasal na ang mga ito. Lihim ako napangiti. Minsan napapaisip ako, ano ba ang pakiramdam kapag nagmahal ka? Papaano mo masasabi na siya na nga ang gusto mong makasama habang buhay? Kahit na ilang beses kayo mag-aaway o may mga bagay na hindi ako magkakasundo, papaano sila tumagal?

Ilang beses na din ako nakasaksi ng kasal sa simbahan. Ano kaya ang pakiramdam ng bride habang naglalakad siya sa aisle? Papalapit sa taong mahal niya?

Lahat ng mga iyon, wala akong idea, siguro dahil focus ako sa pagsisilbi ko sa Diyos noon.

Napukaw ang atensyon ko nang biglang nagbukas ang pinto. Lalapit na sana ako doon para batiin ang bagong client pero nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makita ko ang pamilyar na lalaki sa harap ko. Naka-corporate attire siya, nakaayos din ang kaniyang buhok. I can feel his dominance and intimidating aura. Nagtama ang mga mata namin. I hardly swallowed. "G-good morning, sir... What can I help you?" kinakabahan kong bati sa kaniya.

Walang nagbago sa ekspresyon ng kaniyang mukha. "I want to see some engagement rings." then he started to walk towards me. "Any recommendations?"

Parang nanumbalik ang ulirat ko. Nilahad ko ang aking palad para ituro sa kaniya ang direksyon para makapili siya ng mga singsing. Wait, is he going to be engage soon?

Seryoso niyang ibinaba ang kaniyang tingin sa stante. Kumunot ang noo niya. Binasa ko ang aking labi ko. Binuksan ko ang stante at inilabas ko ang tatlong singsing saka ipinakita sa kaniya.

"We have classic solitaire ring, promise ring and three stone ring, sir." sadyang hindi ko talaga binanggit ang pangalan niya dahil ayokong malaman ng mga katrabaho ko na kilala ko ang client na nasa harap ko ngayon. "First, this is classic solitaire means simple, elegant and timeless, promise rings, it says you'll be there for her now and in the future. While three stone ring means yesterday, today and forever. Anong personality po ba ng mapapangasawa ninyo, sir?" I need to be chill. Huwag na huwag kong ipapahalata na natetensyon ako sa presensya niya!

"Actually, I have no idea." diretsahan niyang tugon.

Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. What?

Seryoso siyang bumaling sa akin. "Even her ring size, no idea." he added.

CHOSEN FOR PLEASURE (Completed)| #wattys2019Where stories live. Discover now