chapter 8

5.5K 126 6
                                    


"What's the strategy, Rowan ahia?" kaswal na tanong sa kaniya ng kapatid niyang si River habang nagsusuot ng vest. Inaalalayan naman siya ng kapatid nilang si Sarette na nakabihis na.

"Ganoon pa rin ang game play natin. Pero may babaguhin akong kaunti." sagot ni Rowan sa kaniya kahit abala ito sa pagsintas ng military boots na pinapasuot niya sa akin. "Hostage rescue." sunod naman ikinabit sa akin ang knee pad pati ng ammo belt. "Done." ngumiti siya sa akin.

"Dapat manalo tayo dito. Siraulo kasi itong si Nilus, ipinusta ang sasakyan niya." naiiling na wika ni Pierson.

Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila. Medyo nawindang naman ako sa sinabi ni Nilus, nagawa talaga niyang ipusta ang sasakyan niya sa larong ito? Hindi ba siya nanghinayang? Papaano kapag nanalo ang kalaban? Eh bye-bye race car na? Naku.

"Hindi mangyayari iyon. May tiwala ako sa inyo." walang emosyong sabi ni Rowan sa kanila. Ngumiti ang magpipinsan sa kaniya. Parang nata-touch ang iba sa kanila. Bumaling sa akin si Rowan saka may kinuha sa kaniyang gilid. "Here, wear this." tinutukoy niya ay ang padded vest.

Sumunod naman ako. Isinuot ko iyon at siya pa rin ang nagkabit nito. Balot na balot ang suot ko. Pati din ang mga pinsan niya. Hindi ko lang inaasahan na pati ang mga pinsan niyang babae, including Sarette, ay participants sa larong ito. Parang hindi naman ako makahinga dahil sa face mask at helmet. Kailangan din na magsuot ako ng goggles which is number one rule sa larong ito para maiwasan ang aksidente.

Nang ready na ang lahat, sabay-sabay na kaming nakahilera para maharap na namin ang magiging kalaban namin. Puros lalaki ang mga ito. Ang iba sa kanila ay medyo nagulat pa dahil sa may mga babae na player sa grupo namin. Ewan ko kung bakit parang namangha sila. Inabot na din sa akin sa akin ni Rowan ang pairsoft gun na talagang binilhan pa niya ako. Pati ng full gear, binili din niya. Masyado siyang magastos. Nakakaloka po siya.

Nakipagkamay kami saka tinalikuran na namin ang mga ito. Pumunta na kami sa mga puwesto namin bago man mag-umpisa ang laro. Ramdam ko ang mahinang tapik ni Rowan sa isang balikat ko nang itinali na ako ng marshalls. Ang hostage at sina Rowan ang magliligtas sa sakin. "Whatever it takes, We'll save you, alright? I love you." malumanay niyang paalala sa akin.

"Roger." nakangiting tugon ko. "I love you too."

Kita ko ang pagngiti niya tila natuwa naman siya sa sinabi ko. Umayos na siya ng tayo saka tumingin sa magbabantay sa akin na kalaban. Nagtataka ako kung bakit matalim siyang nakatingin sa dalawang nagbabantay hanggang sa marinig ko na... "Kapag nagkagusto kayo sa fiancee ko, sa morgue na ang bagsak njnyo. Hindi ako nagbibiro." may bahid na pagbabanta sa boses niya.

Tinalikuran na niya kami para puntahan na niya ang kaniyang mga pinsan sa labas. Nasa isang kubo ako at nakatali kuno. Wala akong armas na dala. Bale, maghihintay lang ako dito. At bibigyan ng tig-isang oras ang magkabilang grupo para iligtas ang mga hostage.

The battlefield is located somewhere in Cavite. This is like jungle kaya pinasuot niya sa akin ang camouflage coveralls para madali akong makapagtago. Dahil first time kong maglaro nito, pinaalala sa akin ni Rowan ang mga rules and regulations ng larong ito. Gustuhin man niya na maglaro nalang kami ng paintball kaysa sa airsoft which they really played, ako ang nagpumilit na airsoft nalang. Noong una ay ayaw pa niya dahil baka masaktan ako but I insist kaya sa huli, wala na siyang magawa kungdi pumayag na. Naishare niya sa akin na ito talaga ang team sports nila, kapag stress or may vacant time sila para magbonding bukod sa family gatherings nila every weekends. Kapag hindi naman daw pwede ang isa, magbabasketball nalang daw silang mga lalaki at volleyball naman para sa mga babaeng pinsan niya.

Nang tumunog na ang sirana ay hudyat na nag-uumpisa na ang laro. Kinagat ko ang aking labi habang naghihintay. Ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng ilang putok mula sa labas ng kubo na ito. Malaki ang paniniwala ko kay Rowan na mananalo sila't hindi tuluyan makuha ng kabilang panig ang sasakyan ni Nilus.

CHOSEN FOR PLEASURE (Completed)| #wattys2019Where stories live. Discover now