Be Safe

218 21 0
                                    

Mahirap patahanin ang pusong umiiyak. Masasakit na ala-ala ay nagsibalikan na. Akala koy kakampi ko siya. Pero ang totoo ay isa siyang masamang pangakong pilit tinutupad.

-Nika-

Katulad nga ng sabi ni Kuya Troy, nauna kaming nagbiyahe pabalik ng Manila. Ng gabi ring iyon ay tinulungan niya akong magligpit ng aking mga gamit.

Sa mismong gabi ring iyon bago kami nakaalis ay nag-usap muna kami ni Aimee sa kwarto ko ng umalis si Kuya para magcheck out sa hotel.

" Are you okay?" Alangang tanong ni Aimee sa akin.

Alam kung nag-aalala siya kaya pinilit kong ngumiti para ipakitang okay ako. " Gaga! Wag ka ng ngumiti kasi nagmumukha kang natatae. I know you're not okay and still itinanong ko parin..sorry besty" malungkot niyang sabi.

Hindi ko mapigilang umiyak at ilabas lahat ng frustration ko sa mga nangyari, " Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero besty natatakot ako para kay Kuya. It feels like he's different now. Parang yung taong nakasama ko for 18 years ay kathang-isip lang at ang totoo ay ang taong nakita ko kani-kanina lamang" nagugulahan at nanlulumo kong sabi.

Your thoughts really kills you. Mahirap talagang tanggapin at habang tinitingnan ko ang aking wrist ay mas nakukumpirma ko lang na totoo ang mga nangyari kanina. I was hurt..emotionally and physically by my own brother.

Kumuha ng first aid kit si Aimee dito sa loob ng kwarto ko at dinala ito sa mismong harap ko. Nilapag niya ito sa mismong kama kung saan kami nakaupo ngayon. She gently grab my right hand at saka ginamot ang namumula kung pulso.

"Haay.. dapat pala dito ice" nakatingin na siya akin ngayon ng maisip na hindi niya maggamot ang namamaga kung kamay gamit ang mga nasa loob ng first aid kit. Instead na ipagpatuloy ang ginagawa ay bigla niya akong niyakap.

" Sige besty..umiyak ka lang. Alam kong sobrang bigat na ng nararamdaman mo ngayon kaya iiyak mo na yan. I'm here, okay? I won't judge you" hindi ko alam pero bigla na lang bumuhos lahat ng luha ko. It was like a river pero alam kung hindi naman babaha sa Pinas dahil dito.

Hinaplos niya ang likod ko and by doing that bigla kong naalala ang lahat-lahat.

It was my 7th birthday. Kuya was holding my cake for me to blow candle on it. Nakangiti lang akong nakatingin sa lahat ng bisita namin at sa kanya...ng marealize kong wala pa sila Mama at Papa. I whisper to kuya kung bakit wala pa sila. He just smiled and " Papunta na rito Nika" tapos ngumiti ng napakalaki. It was an assurance that everythings okay...pero hindi pala because the time I blew my cake ay ang mismo ring pagtawag ni Tita Sonia sa Telephone namin. At dahil si Kuya ay may hawak na cake ako ang sumagot ng tawag. Nasa Kusina rin kasi yung kasama namin nun sa bahay.

I picked up the phone and the next thing happened was... I collapsed. At ang nagpabigay malay sa akin ay ang haplos galing kay...Mama. Napaiyak ako ng makita ang maamo niyang mukha. " Mama ang bad, bad po ni Tita Sonia..she called and told me your dead" hindi siya nagsalita at ngumiti lang pagkatapos ay pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking mga mata. Pagkatapos niya itong mapunasan ay biglang nagkaroon ng dugo sa kanyang mukha. From her forehead the blood ran down until her entire face was covered with blood. And then I saw a man's shadow behind her back pointing a gun towards her. My mom fell on the ground. Agad akong napaupo at sinapo ang duguan niyang mukha. " Mama!!!!mama!" this time hindi lang iyak ang nagawa ko..I shouted as if maririnig niya ako. I shouted as if gigising siya at sasabihing joke time lang ang lahat. Pero wala,nakahandusay pa rin siya sa sahig. Nagising na lang ako sa isang malakas na pag-alog nila Manang Cecil at Kuya. Medyo lumuwang ang pakiramdam ko that time ng malamang panaginip lang ang lahat. And that was it.. the next day nalaman ko ng patay na sila mama at papa. Cause of death? Car accident.

Nagawa naming mabuhay ni Kuya because of my Parents savings, the company na pinag-aralan ni Kuyang patakbuhin sa murang edad. Ang mga ari-arian na lahat minana namin. We are not as rich as we were before pero hindi rin naman kami naghihirap. Sakto lang...para mabuhay at makapagtapos sa isang magandang unibersidad.

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng biglang pumasok si Kuya sa loob ng aking kwarto. Agad ring napatayo si Aimee at saka nagpaalam. " Besty, mag-ingat kayo sa biyahe. Kita nalang tayo sa school. Kuya troy alis na po ako" saka bumaling kay Kuya. Tumango lang si Kuya sa kanya kaya tumalikod na si Aimee at saka humaharap ulit para magbabye.

Nginitian ko lang siya at saka na niya sinarado ang pinto. Agad kong ipinagpatuloy ang pag-aayos sa aking mga gamit ng biglang magsalita si Kuya.

"From now on wag ka nang magsasasama kay Aimee Niks... she is not a good influence" napatulala ako sa aking narinig.

" Pati ba naman si Aimee Kuya, pagbabawalan mo ring maging kaibigan ko? Omg! We've been friends for almost 2 years now... tapos itatapon ko lang lahat ng yun dahil diyan sa walang basihan mong pag-aalala?, Kuya naman.." naiinis na may pagsusumamo kong sabi.

" Ang sinabi ko ay sinabi ko.. this is for your own good Nika. Sana maintindihan mo" nakayuko niyang sabi pagkatapos ay bumuntong hininga ng mapadako sa aking kamay.

" I'm so sorry for that Nika. Gusto lang kitang protektahan sa mga bagay na pwedeng manakit sayo"

" pwedeng manakit sa akin? Talaga ba kuya? Di kaya ilayo mo narin ako sa sarili mo?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.

Biglang napaangat ang kanyang mukha at halata ang gulat sa kanyang mga mata.

Biglang parang may sasabihin siya pero hindi niya itinuloy at sinabi na lamang " Thats not gonna happen. I'll protect you dahil yan ang pangako ko kay mama at papa...even if ang kabayaran ay ang buhay ko" tinalikuran na niya ako at lumabas na ng aking kwarto.

Tulala ko namang pinagmasdan ang pinto kung saan siya lumabas kanina. I feel so guilty sa mga sinabi ko.

Ano ba kasi yung gusto niyang iparating sa akin? Bakit ba parang bigla siyang naging praning? I think kailangan kung mag imbestiga agad. Kung ano man itong bumabagabag kay kuya.. sa tingin ko talaga sobrang importante nito.

Tinapos ko na agad ang pag-aayos ng lahat ng gamit ko dahil yun ang utos ni Kuya. Dapat kasi before mag umaga ay nakaalis na kami ng hotel.

Ang dilim na sa labas at naabutan namin sila ate Liah na nasa lounge na hinintay kami, I guess.

" Hi-hindi ka ba sasama sa amin sa pagbalik sa Manila ate? tanong ko sa nakatayong sinate Liah na ang yingin ay na kay Kuya.

"Bukas na lang siguro ako uuwi Nika para may kasama rin silang nakakatanda" pagbaling niya sa akin.

Muling napunta angbtingin niya kay Kuya na ngayon eh nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa pa eh hawak ang aming gamit.

"Mag-iingat kayo." Isang tipid pero bakit pakiramdam ko ay masakit ang pagkakasabi ni ate Liah ng mga salitang iyon.

Napatingin ako kay Kuya na hindi man lang kumibo bagkos ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

Agad naman akong sumunod pero bago tuluyang umalis ay muli akong bumaling sa kanila. "Mag-ingat din kayo, Besty text mo ako pag nakauwi na kayo." Tumango naman si Aimee sabay ngiti. Paalis na ako ng biglang lumitaw ang isangnpigura ng lalaking kanina ko pa hinahanap.

" Pwede mo rin ba akong itext pag nakaabot ka na sa inyo Niks?" May pag-aalala sa kanyang mukha na kahit kailan ay di ko pa nakita.

Nginitian ko siya pero hindi ko alam kong yung ngiti ko ba ay isang assurance na itetext ko siya o nagsasabing okay lang ako. " Mag-iingat ka" sabi ko na lang at saka na siya nilampasan.

This will be the last words I'm gonna say to you so, please seriously eventhough I will not be around.. Just be safe and I'm okay Maks.

WrittenWhere stories live. Discover now