The Key To My Heart

201 19 1
                                    

Letting go of someone is not easy
Sometimes its unfair pero ano nga ba yung fair?
Yung hawak-hawak mo siya pero alam mo naman na hindi siya masaya
O yung nakikita mo siyang masaya habang ikaw ay nagdudusa?

-Nikka-

Nanatili kaming magkayakap dalawa for maybe about 5 mins. Sa bawat segundong lumilipas ay siyang pabilis naman ng pabilis ang tibok ng aking puso. Nilingon ko ang aming bahay kasi baka nakatingin si Kuya but I'm glad na maayos naman ang kurtina.

Matapos ang isang malalim na buntong hininga ay siya namang pagbitaw niya sa akin. Part of me is sad and the other part is releived. Tinitigan niya ako kasunod ang isang buntong hininga na naman ulit.
Kailan ba matatapos yung pagbubuntong hininga niya?

" I'm sorry Niks, wala lang akomg ibang makausap." Bahagya siyang tumingin sa taas na para bang nahihiya sa ginagawa.

" This is what friends are for Maks, no worries you've got my back" yeah, tama. Pwede mo akong sandalan sa oras na gusto mo kahit masakit ay okay lang basta makita lang kitang masaya.

" She's back Niks, she's fucking back and she wants us back too" isang malutong pang mura ang kasunod niyang sinabi matapos ang pagpapahayag niya sa maaring nangyayari. She wants us back. Bakit niya ito sinasabi sa akin?

" Sino?" Pagmamaang-maangan ko. Agad naman siyang napatingin sa akin at bahagyang tumitig. I don't wanna break the stare kay tinitigan ko rin siya. Kahit mahirap ay ginawa ko pa rin. I wanna read his mind through his eyes pero mahirap.

" Audrey. Hindi ko alam kong bakit ngayon pa? Kung bakit ngayon kong kailan nagiging okey na ang lahat saka naman siya ulit babalik" the last sentence was for himself. Parang sinasabi niya ito hindi sa akin kundi sa kanyang sarili.

" Anong plano mo? Are you-" he cut me off between the line.

" No, literally not. Hindi ako tanga dahil hindi ko naman na siya mahal. Its just that I'm so bothered by her presence. Hindi maganda ang naging break up namin. She left me without even saying anything tapos bigla siyang susulpot ulit?" May kung ano sa mga mata niya na hindi ko matanggal ang pagkakatitig.

" Makki, baka naman she's into you again?" Alam kong ako lang din ang masasaktan sa sarili kong tanong pero gusto kong makita ang kanyang reaksiyon.

" No, I don't think so. Pero kahit she's into me naman na ay wala akong pakialam because I'm not into her anymore. Matagal na akong nakamove on Niks, at para sa akin she's in the past nalang." Nakita kong sincere siya sa kanyang sinabi kaya bahagya akong napatango.

Natahimik kaming dalawa ng nagsalita ulit siya. " Bakit nga ba hindi ka pa nagkakaboyfriend? You're pretty,kind, generous. You're almost every guys perfect girl Niks. So...bakit?"

I was caught off guard. Nashock ako sa tanong niyang hindi ko kailan man inaasahan. Seryoso siyang nakatingin sa akin at hindi ko alam kong ano ang aking gagawin.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya wala pa kasi matinding sakit ang naidulot ng pinakaunang taong nagustuhan ko...which is siya.

" ahmm..maybe its not yet the right time. Tiyaka parang hindi pa okay kay Kuya" nakita ko naman ang pagsang-ayon niya ng bahagya siyang tumango.

" Yeah. Ano nga bang ibang rason" ngumiti rin siya na nagpangiti rin sa akin.

" Okay, sige na pumasok ka na at baka mag-alala pa si Troy." Ngumisi ako at nilingon ang bahay.

" Yeah, probably his watching us now." Alam kong lampas na ng isang oras kaya for sure nagbabantay na si Kuya sa loob.

" Bye." Then I awkwardly wave at him at saka tumalikod. Pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay bigla niyang tinawag ang palayaw niya sa akin.

WrittenWhere stories live. Discover now