Defend Mechanism

228 15 1
                                    

Song: Yellow by Coldplay

DEFEND MECHANISM

Akala ko ay kaya ko na
Pero ang totoo ay hindi pala
Ang isiping bigla kang mawawala
Ay nakakatakot sobra-sobra
Bakit nga ba mahirap sabihin ang totoo?
Lalo na at mahal mo ang sangkot sa gulo

                                                -Nikka-

Natapos na kaming kumain at sabay-sabay ng bumalik sa classroom. Biglang tumunog naman yung phone ni Aimee along the way, medyo bumusangot pa yung mukha niya ng nakita yung caller.

Nagpaalam siyang sasagutin muna ang tawag at sumenyas na mauna na kami. Tumango lang ako kasi may pinipindot din si Makki sa kanyang cellphone.

Sinundan ko ng tingin si Aimee, siguro nag-away sila ni Nathan. Pero bakit kaya? I mean sila kasi yung couple na sobrang okay. I guess wala talagang relasyong perpekto. Well, wala naman talaga. Nabalik ang atensyon ko kay Makki ng binanggit niya ang pangalan ko. " Yeah, I'm with Nikka. Bakit?" Sabi niya sa kabilang linya. Napakunot naman ang noo ko at tinignan siyang mabuti.

He also stare at me kaya nag-iwas na ako ng tingin. Di ko siya kayang titigan ng matagal, para akong nasisilaw.

" Okay,I will tell her. I need to go na Dude, baka malate kami." Muli niyang sabi. Si Kuya ang tumawag? Confuse ko siyang tinignan ng ibinaling ko ang mukha sa kanya. " Bakit daw?" Nagtataka kong tanong.

" Well, sabay daw kayo mamaya. Yun lang yung binilin niya. Tara na? Baka malate pa tayo."

Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot. Well, siguro because I'm expecting Makki to drive me home for today. Well, I guess hindi umaayon si tadhana sa nararamdaman ko.

Madaling natapos ang ibang subjects namin. Kaya alas singko pa lang ng hapon ay naglalakad na kami papuntang parking lot.

Makki is with me while si Aimee naman eh pumunta pa ng library. I guess somethings really happening between her and Nathan. Mukha kasing wala siya sa mood kanina matapos kaming maglunch.

Mabilis na nahagilap ng mata ko ang sasakyan ni Kuya at si Kuya na nakasandal sa bumper nito. " So, I guess hindi muna ako yung magiging driver mo for today Niks, bawi nalang ako bukas." Nakangiti niyang sabi. " Okay lang, mas feeling safe ako actually pag si Kuya ang kasama ko kaysa sayo" pabiro kong sabi sa kanya.

" I don't thinks so. I can wipe out every piece in the chess board that could be a threat to the queen, I hope you know that" nakangisi niyang sabi sa akin. Queen?

" A-alis na ako, mag-iingat ka" mabilis kong sabi at saka ko na siya tinalikuran.

" Okay, ingat din kayo" I turned my back to see him waving at me. I wave back at saka tumalikod ulit. I know he doesn't mean anything about that but.. why does it felt so good?

Nakasimangot ang mukha ni Kuya bago pumasok sa driver's seat. Problema niya? Sumunod ako sa loob ng sasakyan at naupo sa passenger's seat sa tabi niya.

" Nikka, be honest with me.Do you?.. I mean how do you feel about Makki?" Seryoso niyang tanong na nagpanganga sa akin. I mean ganun ba ako kahalata? I feel like I'm not doing anything pero bakit niya ito natanong?. Maybe dahil alam niya kong anong pinagdaanan ko towards Makki dati.

" Kuya, he is a friend. I appreaciate that he is willing to help me with our current situation--" I paused ng naihayag sa kanya ang katotohanang may alam na si Makki sa pinagdadaanan namin ngayon.

" You--you told him? Nikka alam mong delikado ito. What if Makki already knows something? Paano kung may kinalaman siya dito?" Galit niyang paliwanag sa mga maaaring kaakibat ng desisyon ko.

WrittenWhere stories live. Discover now