Modern Myths 1 ⚛

11 0 0
                                    

GODS AND GODDESSES (UntoldSecrets⚛UnsolvedMysteries)

APHRODITE'S POV.

"Ano, susuko ka na ba?" Hawak parin ni leah ang buhok ko habang pinandidiinan ang mukha ko sa lupa. Kasalanan ko bang gustuhin ako ng mga lalaki dito sa campus? Ginusto ko bang habulin ako ng mga boyfriend nila? Hindi ko pinangarap na maging habulin ng mga lalaki. And for Pete's sake may mga girlfriends pa sila.

"Ano ba leah! Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ko inaagaw si andrew sayo!" Halata na sa boses kong impit ito at nahihirapan sa ginagawa ng babaeng ito saakin.

"Ohh. Really? Can you tell me where is my fucking care?" Sabi nito na nanggigigil parin.

"Tama na please leah, let me go"
Umiiyak na ako sa sakit ng paghila nya sa buhok ko,punong puno na din ako ng kahihiyan dahil pinapanuod kami ng iba pang studyante dito sa field na tuwang tuwa sa nangyayari.

Ayoko syang patulan dahil ayokong lumala pa ang sitwasyon sa pagitan namin, parang mawawalan na ako ng malay sa hapdi ng anit ko, lumalakas na din ang hagulgol ko na sya namang ikinatuwa pa nya. Tinatanggal ko ang mga kamay nyang nakahawak sa buhok ko pero mahigpit syang nakakapit dito at tila winawagayway pa ang ulo ko sa ere, hilong hilo na ako pero pinipilit ko paring makiusap sakanya.
Nang ma satisfied na yata sya ay binitiwan nya din ako ngunit itinulak sa isang concrete bench na narito ngayon sa field saka tumama ang ulo ko sa semento. Akmang tatayo na sana ako pero namalayan ko nalang ang sarili kong napahiga ulit sa lupa at umiikot ang paningin.

Nahimatay.. Nahimatay ako?

~~~~

"Aphrodite!!!! Gising ka na!" Narindi ang mga tenga ko sa sigaw ni Wendy.

"Ano ba wendy hinaan mo lang ang boses mo" sambit ko sakanya dahil nakita kong nakuha nya ang atensyon ng mga staff dito sa clinic sa campus sa malamegaphone nyang boses.

"Aphrodite naman kasi! Suki ka na kaya dito sa clinic, hindi ka ba nagsasawa dito?" Nag aalalang tanong nya.

Binaling ko nalang ang tingin ko sa malayo para iwasan ang mga titinig nya.

"Wala ka bang balak ipagtanggol ang sarili mo?" Sambit uli nito. "Saint ka ba? Santa? Sabihin mo lang para purihin na kita" dugtong pa nito.

"Wendy okay lang ako ok?  Ayokong makipag away, ayokong mawalan ng scholarship" nangingilid na ang luha ko dahil awang awa na din ako sa sarili ko, kung hindi lang dahil sa scholarship kayang kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero wala akong magawa, nakasalalay ang kinabukasan ko sa pakikisama sa mga taong nakapalibot saakin dito sa campus, tama. Hindi ako lalaban.

"Aphrodite.. Aphrodite.. Tamang tama ang pangalan mo sa greek mythology, God of love, beauty, desire" bulalas nanaman ni wendy habang may pagesture gesture pa ang mga kamay sa hangin.

"Pero jusko frenny! Imbes na love, nagiging war! Pinapahamak ka nyang beauty mo fren!" Naiinis paring saad nito.

Hindi ko nalamang pinansin ang mga sinasabi ni wendy nakakarindi sya at kung anu-anong iniimagine ng gaga.
Minsan naisip ko, sino ba talaga ang mga magulang ko? Bakit ako binigyan ng ganitong mukha? Oo maganda ako pero sya namang ikinapapahamak ko. 

Tumingin ako sa bintana at binaling ang mga mata sa makulimlim na kalangitan. Ang dami kong iniisip ngayon, palagi akong binubully at sumasakit na din ang ulo ko sa napapadalas na pagdapo ng mga imahe sa alaala ko. Biglang sumagi sa isipan ko, Gusto ko sanang makita ang mga magulang ko, gusto kong malaman kung bakit nila ako iniwan sa labas ng simbahan. Kung wala doon si father at mga sisters malamang patay na ako ngayon. Kayat malaki ang utang na loob ko sa mga kinikilala kong pamilya.

17years old na ako at 17years na din akong naninirahan sa kumbento kasama ang mga kinikilala kong pamilya, si father robert ang kinalakhan kong tatay, sina sister grace, sister, josefa, sister hulia, at sister rebecca naman ang nagsilbing nanay ko sa labinpitong taon. Sila ang kumupkop saakin at nagpapaaral, Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging top sa klase upang sa kolehiyo'y makakuha manlang ako ng scholarship. Kaya eto ako ngayon, nagsisikap, nagtitiis para sa pangarap ko, para sa pamilya ko, gusto kong masuklian ang mga paghihirap  nila. Gagawin ko lahat ng pagtitimpi para hindi mawala ang scholarship ko, Ito nalang ang tanging paraan para mapatunayan ko sa sarili kong may halaga ako sa mundong ito na kahit ipinamigay ako ng mga magulang ko ay mapatunayan ko manlang sa mundo na worth it na nabuhay ako. Kaya imbes na magalit ako sa mga tunay kong magulang, nagpapasalamat parin akong binuhay nila ako.

Kung nasaan man kayo'y salamat parin at nararanasan ko ngayon kung gaano kasarap mabuhay sa mundo ~











~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thanks for reading guys 🧡🧡🧡

GOD'S AND GODDESSES (In Modern World)Where stories live. Discover now