Modern Myths 2 ⚛

3 0 0
                                    

"Wendy sasama ka ba saakin sa simbahan?" Tawag ko sa kaibigan ko habang nag aayos ng bag na dadalhin ko pauwi saamin.

"Oo frenny! Mag iisang taon mo na akong kaibigan pero hindi ko parin nakikita ang pamilya mo, gusto ko din silang mameet" Alam na ni wendy ang tungkol sa kinikilala kong pamilya, pero ang kaso ay hindi ko pa sya napapakilala kina father at sisters.

Hininto ko ang ginagawa ko at hinarap sya. "Good idea frenny, para maging official na din tayo" pabiro ko sakanya.

"Official? Wow parang boyfriend lang? Sobrang strikto naman yata nila at pati pakikipagkaibigan ay kailangan pang ipaalam. Natatawang saad nya.

"Biro lang haha" saka ako nagpeace sign.

Sa totoo lang deep inside ay masaya ako na excited dahil ito palang ang unang beses na may ipapakilala akong kaibigan. Noong nasa primary at secondary palang kasi ako ay loner ako, school at bahay lang ang naging buhay ko, kaya naman ngayong college lang ako nagkaroon ng kaibigan, bukod sa kaklase ko sya'y magkadorm din kami kaya naging malapit kami sa isat isa.

~~
Sumakay kami sa bus ni wendy pauwi saamin. Dalawang oras na kami sa byahe kaya't may tatlong oras pa para makarating sa basilica minore Of Piat. Nilingon ko si wendy at nakitang sarap na sarap sa tulog, pagod na yata, alam kong hindi sanay si wendy sa ganito kalayong biyahe. Ipinikit ko ang mata ko at isinandal sa likod. Wala pang limang minuto sa pagkakapikit at may nakikita nanaman akong mga imahe, para silang mga kauna unahang tao Ancient time, kakaiba ang mga pananamit nila at naglalaban laban sila, pakiramdam ko ay isa ako sa nakikipaglaban, pero ang wierdest sa mga nangyayari ay may mga kapangyarihan sila?
Agad kong iminulat ang mga mata ko, pawis na pawis ang mukha ko at namamasa na din ang mga kamay ko. Napapadalas na din ang pananaginip ko ng gising, lagi akong nananaginip pero iisa lang ang pinapanaginipan ko. Iisang lugar, iisang pangyayari. Humawak ako sa sintido ko at bahagyang minasahe ito. Bumubigat na ang paghinga ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

"Phew! Akala ko totoo"

"Frenny okay ka lang?" Napalingon ako kay wendy na kagigising lang yata dahil kinukusot pa nito ang mga mata nya.

"O-okay lang naman, matulog ka muna malayo pa tayo, gigisingin na lang kita kapag nakarating na"

"Hmm sige frenny. Matulog ka na din muna baka pagod ka na din. namumutla ka kasi" nag aalalang saad niya.

Tumango lamang ako saka ngumiti sakanya.

~~
Nitong mga nakaraang araw bumabalik nanaman ang mga panaginip ko, nararanasan ko din ito noong bata palamang ako pero madalang lang, ngunit nitong nakaraang araw lang ay napapadalas na ang mga pangyayaring lumalabas sa imahinasyon ko, mga iba't ibang mukha ang nakikita ko sa loob ng panaginip ko, mga mukha na hindi ko pa nakikita at hindi ko gugustuhing makita dahil nakakatakot ang mga ito.

⚛⚛⚛⚛⚛

OLYMPUS ⚛

ATHENA'S POV.

"Zeus kaylangan na natin syang makilala. Nauubos na ang oras natin sa paghihintay lang!"

"Huminahon ka hera, ipaubaya nalang natin kay zeus ang lahat nang ito, sya ang magdidesisyon kung kailan natin sya kukunin" saad ni apollo.

"Pinadala ko na si hermes sa mundo ng mga mortal, maghintay na lamang tayo sa ibabalita nya" mahinahong sagot ni zeus.

"Hindi ko lubusang maisip kung bakit tayo nasa misyon na ito!" Nanggagalaiting sumbat ni hera.

"Tama na hera! hindi natin masisisi ang mga mundong pinanggalingan natin, alam nating lahat dito na naguguluhan pa tayo at hindi natin ginusto na saatin napunta ang pneùma (kaluluwa) ng sinaunang diyos at diyosa, naiinis din ako pero wala na tayong magagawa kundi tapusin ang dapat tapusin!" Matigas na turan ni poseidon.

Tama si hera, nauubos na ang oras namin kung tutunganga lang kami at maghihintay sa susunod na mangyayari, alam kong matagal nang nagtagpu tagpo ang mga titans at sa oras na ito ay nagpapalakas na sila. Kailangan na namin ang babaeng mortal dahil sakanya napunta ang pneùma ni aphrodite. Sigurado akong  pinaghahanap na din ng titans ang nawawala pa naming kasama.

"Zeus ipaubaya mo na saakin ito. Ako na ang bahala sa mortal, dadalhin ko sya dito sa agarang panahon" Suhestyon ko.

"Mabuti pa nga athena, kung walang magawa ang mga lalaki ay tayong mga babae nalang ang gumawa ng hakbang" pagsang ayon ni hera saakin.

"Sige, pero wag ka munang magpapakilala, tayong lahat ang dapat magpaalam sakanya, tayong lahat ang haharap sakanya" sabi ni zeus na bahagya pang tumango.

"Alam ko zeus, si aphrodite lang ang nag iisang mortal na nakakuha ng pneùma ng isang diyosa, alam kong maguguluhan sya sa nangyayari" paninigurado ko.

"Nakapagtataka lang na sa isang mortal napunta ang pneùma ng diyosang aphrodite, ang pagkakaalam ko'y sa mga may dugong diyos lang ito mapupunta, kung ganun kalahati syang mortal at kalahating immortal?" pagtatakang singit ni Hephaetus.

"Nagtataka din ako kung paano napasama si aphrodite saatin, mas kailangan pa nating maalarma ngayon at nalaman nating may dugong mortal si aphrodite, alam nating lahat na mas malakas parin ang kalahating tao kalahating diyos" pagdudugtong naman ni artenis.

"Tama ka artenis, bago pa makuha ng titans si aphrodite kailangan maunahan natin sila, dito lang sa olympus magiging ligtas si aphrodite, kasama tayo. Lalo pa't wala pa syang ensayo at ideya sa kakayahan nya. Ako nang bahala sakanya,pupunta ako sa mundo ng mga mortal"

"Hanapin mo si hermes at magkasama nyong puntahan sa lupa ang nawawala pa nating kasama, kayo naman Artemis at Apollo hanapin nyo si arke at kunin sa kanyang mga kamay ang kakambal nyang si iris bago pa mahuli ang lahat" utos ni zeus.

Bago pa mangyari ang kinatatakutan namin, sisiguraduhin kong makakauwi kami ni aphrodite sa olympus gaya ng ipinangako ko sa mga kasamahan ko.

Hindi ako makakapayag na masira ang lahat ng pinaghirapan ng mga sinaunang diyos at diyosa.






~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thanks for reading 🧡🧡🧡

GOD'S AND GODDESSES (In Modern World)Where stories live. Discover now