Modern Myths 5 ⚛

3 0 0
                                    

WENDY'S POV.

Kanina ko pa napapaghalataan na may sumusunod saamin ni frenny simula sa Bio lab kung saan kami nagklase kaninang 6pm-7pm. Yes, may panggabi kami ni frenny mabuti nalang at magkaklase kami sa lahat ng subject dahil kung hindi mamamatay ako sa takot pauwi.
Nasa hallway na kami ng dorm at apat na kwarto nalang para marating ang saamin ni aprhrodite. Saglit akong huminto sa paglalakad para pakiramdaman yung mga yapak na sumusunod saamin. Hanggang dito ba naman? Hays.

"O wendy may problema ba?" Napahinto din bahagya si aphrodite upang lingunin ako.

"A-ah wala, sige diretyo lang"

"Bilisan mo na sa paglalakad nasayo kaya yung susi" saka sya nag make face. Juiceko ewan ko ba sayong babae ka. Hindi manlang nya napapansin na may sumusunod saamin.

Nang makarating na kami sa harap ng pintuan namin ay huminga muna ako ng malalim. Haay parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil nakarating na kami. Pero nakapagtataka lang, kung masama ang loob nung sumusunod saamin dapat kanina palang sa labas ay ginawa na nya ang pakay nya.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang magdilim ang paningin ko, nagawa ko pang lingunin si aphrodite na nasa tabi ko lang at nanlalaki ang mga mata sa takot.




APHRODITE'S POV.

"A-anong kailangan nyo saakin?" Pagpipumiglas ko dahil binuhat ako ng isang lalaking may kulay chokolateng buhok at matipunong katawan.

"Sumama ka nalang ng mahinahon" napalingon ako sa babaeng nagsalita na nakasunod saamin.

"A-athe..na?!"

"Ako nga" sarkastikong sagot nito.

"Anong kailangan nyo! Anong ginawa nyo sa kaibigan ko?!"

"Pinatulog lang namin sya sa silid nyo, wag kang mag alala magigising pa naman sya" natatawang sabi niyo.

"Hermes? Ikaw ba to?" Pinalo palo ko ang balikat nya para sana mabitawan nya ako, pero sobrang higpit nya.

"Wag ka nalang magulo aphrodite, gusto ka lang namin makausap"

"Sige, ibaba mo ako sasama ako ng maayos, basta siguradun nyo lang na hindi nyo sasaktan ang kaibigan ko"

Binaba ako ni hermes at sumama ako ng may pag aalinlangan, wala na din naman akong magagawa, mukhang malalakas sila.

Dinala nila ako sa likod ng abandonadong building sa loob ng campus.

Creepy.

"Aphrodite sumama ka na saamin" panimula ni athena.

"Huh? Anong sinasabi mo? Kidnapper ba kayo? kukunin nyo ba ang laman loob ko?"

"Tss.. Maaari bang makinig ka nalang? Para sayo din to!"

Para saakin? Pano ako maniniwala e ngayon ko lang sila nakilala.

"Sige makikinig ako, ipaliwanag nyo"

Bumuntung hininga muna si hermes bago magsalita.

"Ako si herm.."

"Alam ko! Ikaw si hermes!" Sigaw ko.

"Patapusin mo muna sya!" Naiirita namang sigaw ni athena.

"Eto na. Ako si hermes, tagapadala ng mensahe ng diyos"

"Ano to joke? Naka high ba kayo?!"

"High?" Tanong ni athena.

"Oo drugs, sabog ganun. addict, lutang"

Nag crossed arms si athena sa harap ko. "Mas mukha kang lutang kaysa saamin manahimik ka! Ituloy mo na hermes"

"Kung hindi ka naniniwala sa aralin natin kaninang umaga, pwes totoo yun"

Lesson? Kaninang umaga? Isang subject ko lang naman sila kaklase, sa english.

"Myths?"

Tumango ito saka nagsalita muli. "Ako si hermes, sya si athena diyos ng karunungan"

"Hindi ako nani.." Naputol ang sasabihin ko nang biglang lumipad si hermes.

"A-anong nangyayari?"

Paaaaak!

"Bakit mo ako sinampal athena!?"

"Pinapangunahan lang kita, para mapagtanto mong hindi ka nananaginip" Nakangising sabi nito.

Kinikilabutan ako. Sa sobrang takot ko'y nawalan ako ng lakas at nawalan ng malay.

Totoo nga sila...







~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry po short update huhu.
Thanks parin for reading 🧡🧡🧡

GOD'S AND GODDESSES (In Modern World)Where stories live. Discover now