Modern Myths 8 ⚛

9 0 0
                                    

APHRODITE'S POV.

Naintindihan ko na ang kalahati sa mga nangyayari, hindi pa lahat dahil hindi ko parin alam kung saang angkan ako galing, at kung bakit nasa lupa ako. Nandito ako ngayon sa mount olympus na nakatayo sa mga ulap dito sa langit, para itong isang palasyo na walang gravity dahil nakalutang lang ito sa himpapawid.

Nasa loob parin ako ng kwarto ko at wala pang balak bumangon, puyat ako kagabi sa dami ng mga iniisip, namamahay siguro ako.. Ay wait! Palasyo to palasyo, Una iniisip ko kung bakit nangyayari saakin ito, iniisip ko si wendy kung nag aalala ba sya saakin?, iniisip ko ang pag aaral ko, pano ako makakapgtapos kung hindi ako mag aaral?, paano na ang mga pangako ko kina father at sisters? May alam ba sila tungkol sa tunay kong pagkatao? Kung sino ba ang mga magulang ko? May kapangyarihan ba talaga ako? Yang mga yan ang nasa utak ko, nag uunahan sila at bawat isa sakanila ay nakikipagkumpitensya kung sino ang mauuna sa utak ko, pero tila wala sakanila ang may gustong magpatalo, lahat sila nagtataluhan sa isip ko.

tok!.. tok!.. tok!..

Napatingin ako sa pintuan at sa dalawang taong lumabas mula dito.

"Oh apollo, artemis"

"Aphrodite, ang oras dito ay mahalaga, bumangon ka na at mag uumpisa na ang pag eensayo mo" malamig na bulalas ni apollo.

Nilingon ko naman ang babaeng katabi nya, nagwave sya saakin at ngumiti.

"Magandang umaga aphrodite!" Bati ni artemis.

"Magandang umaga din artemis" bati ko pabalik.

"Maghanda ka na at handa na ang agahan, alituntunin dito sa palasyo na sabay sabay tayong lahat na kumain" pagpapaalala ni artemis

"Sige artemis sunod ako" nginitian ako muli ni artemis saka sila lumabas ng kambal na.

~~~~~~~~~

Nanditi kami ngayon sa dining room at kasalukuyang kumakain, ang daming putahe parang may party.

"Sinong may burfday? Tanong ko habang dire diretyo ang pagsubo ng pagkain.

Nagkatinginan naman silang lahat at napakunot ang mga noo.

"I mean birthday" pag uulit ko sa tanong.

"Huh?" Nagtatakang tanong ni demeter.

Tiningnan ko silang lahat at nagkakatinginan parin sila, may iba sakanilang nagkikibit balikat.

"Ibig kong sabihin sino ang may birthday, kaarawan"

"Ahhhhhh" sabay sabay na sabi nila.

"Pasensya ka na aphrodite hindi kasi namin maintidihan yung ibang sinasabi mo, gumagamit ka kasi ng ibang lengguahe" sabi ni dionysus na napakamot pa sa ulo.

"Ahh.. English yun, birthday, pasensya na"

"Ayos lang, kain kna, tyaka isa pa walang may kaarawan ngayon, isang simpleng salu salo lang ito"

Talaga lang huh? Ganito pala ang simple sakanila, parang fiesta. Saamin kasi saka lang kami nakakakain ng ganito karami kapag may pista baryo namin at sinecelebrate sa simbahan.

GOD'S AND GODDESSES (In Modern World)Where stories live. Discover now