March 2005

8:30 pm

"Kuya,nasaan si papa? Bakit umiiyak si mama? May nang-away ba sa kanya?"

"Ah Yan.. wala lang yun. Matulog ka na lang ha, babantayan ka ni kuya. Wag mo na lang isipin yung mga nakita mo, okay ba yun? Tama na ang tanong." sabi ni kuya habang inaayos yung kumot ko.

May hindi sinasabi sa akin si kuya.. pero hihintayin ko na lang yung time na sasabihin niya sa akin kung ano man yun.

"Okay kuya.. goodnight."

"Goodnight baby girl."

-------------------------------

11:45 pm

Kasabay ng pagkulog at pagkidlat,kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang isang malakas na putok ng..

Baril..

Nagising ang dalawang bata mula sa mahimbing nilang pagkakatulog dahil sa ingay na yun.

Sinundan pa ito ng tatlong beses na sunod-sunod na pagputok ng baril.

Bang!!

Bang!!

Bang!!

Pumunta sila sa lugar kung saan nila ito narinig, at yun ay sa mismong kwarto ng kanilang ina.

Nakabukas ang bintanang pinanggagalingan ng tubig-ulan na nakapasok na sa loob ng kwarto.

Nakita nila itong nakahandusay sa malamig na sahig, basang-basa. Hawak ang baril sa kanang kamay, wasak ang bungo at naliligo na sa sariling dugo.

Time: 12:00 am

-----

Third person's pov

Napaigtad sa Jian at mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga. Habol-habol nito ang hininga.

"Hayy buti panaginip lang. Panaginip lang yan Jian, panaginip lang. Okay ka, okay ka. Hoo.. ok."

Napatingin siya sa oras ng kaniyang cellphone at..

"Halaaa!! Malelate na akoo!!"

Dali-dali siyang pumunta sa cr ng kwarto at ginawa ang kaniyang morning rituals.

Matapos ang ilang minuto ay natapos rin siya sa pagbibihis.

"Kuyaaa!! aalis na po akooo!!"

"Teka teka saan ka pupunta??"

"Sa school kuya malelate na ako haistt ayoko nang magsulat ulit sa buong board ng "Hindi na po ako malelate". Kuya tama na ang chikahan, mamaya na lang okay? bye!!"

"Pero Sabado ngayon!!??"

Loading...

"Pero Sabado ngayon..."

"Pero Sabado.."

SABADO...

???

"Ehhhhhh???!!!"

-kcala

Miss ManhidOnde as histórias ganham vida. Descobre agora