"May problema ka no?? Sabihin mo na, hindi ka magkakaganyan kung wala." sumbat sa akin ni kuya Dev.

Shet nahalata na waahh! Dapat mailihis ko yung usapan.

Nga pala, hindi ko pa pala siya naipapakilala sa inyo.

Meet my brother Devin Spenz Santos. In his 21 years of existence wala pa ring nagtatagal na gf.. at dahil siguro yun sa akin.. sa pag-aalaga niya sa akin.

Siya ang kuya kong sobrang protective at oa kung magtanong, daig pa detective. Pero kahit ganyan yan, mahal na mahal ko siya dahil siya na ang tumayong mama at papa ko simula nung.. alam niyo na. Bonus na yung pagiging kuya niya.

"Huy! Nakikinig ka ba sa akin Jian Shan Santos? kanina ka pa nakatulala sa mukha ko." nakalimutan kong kasalukuyan nga pala akong kinokompronta ni kuya, nagsisimula na yung sakit niya, binanggit na buong pangalan ko eh.

"Alam ko naman na gwapo ako pero wag kang maiinlove sa akin kasi kapatid kita. Kadiri yun pag nagkataon."

(=-=)....

Yan yung sakit niya.. TOPAKsiderism at HANGINerzia

Lakas ng tama ng kuya ko,nawala na yung mga nakakatouch na sinabi ko tungkol sa kanya kani-kanina lang. Tinangay ng kahindik-hindik na sakit niya. Tsk! Tsk! Tsk!

"Grabe ka kuya inlove agad? At sayo pa? Gadd! Kung ano-ano ang na-iisip mo po." sabi ko sakanya

"Aba di pa ba sapat yung kagwapuhan ko para mainlove ka sa akin??" sagot niya with matching taas-baba ng kilay.

"Kuya.. matagal naman na kitang mahal ehh. Hindi nga lang dahil sa kagwapuhan mo, kundi sa pag-aalaga mo sa akin. Kaya thank you kuya~" lumapit ako sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

"Hahaha kaw talagang bata ka!" yumakap naman siya pabalik at after nun yumuko siya at pumantay malapit sa tenga ko tsaka bumulong.

"Bunso, kahit anong gawin mo di ko malilimutan yung tanong ko kanina.. Ano na sasabihin mo ba o wala kang breakfast??" pananakot niya sa akin.

"Kuya naman ehh!!!" sagot ko habang kinakamot yung noo ko.

"Bwahahahahahaha!!" evil laugh ni kuya.

Arotts.

-kcala♡

Miss ManhidWhere stories live. Discover now