VIII

15 0 0
                                    

-c l a s s r o o m-

Nandito kami ngayon ni Jing sa classroom. Halata naman siguro dun sa nakalagay sa may itaas diba?? Hahahahaha.. Hinihintay namin yung prof at yung dalawa pa na dumaan na naman siguro sa cafeteria. Pansin ko ding hindi umiimik tong katabi ko. Bakit kaya ang tahimik netong babaeng ito?

(Author: aba malay namin kaw tong kasama eh!)

Etong si author di naman kausap eh sumasabat.

(Author: (=.=)****)

Mapagtripan na nga lang to.

"Psst.. Jing??." Sundot sa pisngi.

"......." Aba'y walang effect. Sundot ulit..

*sundot dito *sundot doon
*kaway sa tapat ng mukha

(-..-)

At dahil sa inis..

"Jing-Jing!!!" Niyugyog ko na siya ng niyugyog.

"Ahhhh!! Ano ba??!"

"Kanina ka pa nakatulala at tahimik diyan eh, akala ko kung naistroke ka na diyan."

"Grabe stroke agad?? Diba pwedeng may iniisip lang?" Pabalang niyang sagot habang nakataas ang kanang kilay.

"Di ka na nasanay sakin. Medyo may pagka-oa din ako minsan."

"Talaga lang ha! Magkapatid nga kayo."

"Hep! Correction mas malala ang kapatid ko."

"Sabagay.."

Nanahimik kaming dalawa na parang may dumaang anghel sa aming harapan.. nang biglang..

Blaaagg!!!

May biglang nagbukas nung pinto.. Grabe, buti di nasira. Napatingin kami dun at..

"GOOD MORNING MGA KULANGOT!!!" -Andre the kumaw

(=_=")#*$$!#$£

Nang dahil dun, kinutusan nga siya ni Cyler.
"Maka kulangot ka dyan! Hiyang-hiya naman kami sayo!"

"Oy kala ko ba magkakampi tayo?" Sabi niya habang hinihimas yung parteng kinutusan ni Cyler. "Ang sakit Cyler, hayp ka!"

"Masakit? Luh.. patingin baka nagkasugat!"

Pinakita naman niya ito, pero di niya inasahan ang sumunod na nangyari..

"ARAAYY!! Tama naa!!" Hinead lock at kinatus-katusan pa niya ulit ito. "Sumusobra ka na ahh! Humanda ka sa akin!!" At nagrambulan na nga ho ang dalawa. Na sabay namang pagdating ni Prof.

"Kayong dalawa na naman!??!" Nanggagalaiting sigaw nito habang nanlilisik ang mga mata na siyang nagpatigil sa pagrarambol ng dalawang asungot. "Go to the Disiplinary Office! Now!"

"Prof naman.. wag na po." pagmamakaawa kunno ni Andre, where obviously he's just using his charms so they will not be punished. Paawa pa siya, hahahaha.

"Dont try to--"

Hindi na siya pinatapos ni Cyler, bago pa man umpisahan mangsermon ulit ito.

"We'll go now Prof.. tara na" sabay kaladkad niya kay Andre palabas, na hindi maipinta ang mukha dala sa hindi nito pagsang-ayon.

Hayys yung mga yun talaga di na nagbago, mga utak bata pa rin.

So, yan po mga guys sina Cyler Gray Colin at Andre Bren Clart.

Si Cyler ang pinakamatanda sa aming magbabarkada, 20 years old na (pls wag niyong sabihin sa kanya na sinabi ko yung age niya, hehe baka magkaworld war III kami), medyo mature mag-isip, gwapo, matangkad, matalino at medyo maiksi ang pasensiya. Bansag namin sa kanya? Cyler the terror. Grabe kung magalit kasi. Bulkan kumbaga.

Si Andre naman ang pangalawa, same age as Cyler, pero mas nauna si Cyler ng buwan. Topakin, makulit at maingay, pero kung kaibigan ang pag-uusapan o nadamay sa kaguluhan, siya ang magiging resbak mo, tagapayo at masasandalan sa bawat sandali.

Nag-start nang maglecture si Prof but I dont mind, alam ko na yan. Advance reading eh.

I'm busy looking at the scenery in the window, when Jing pinched my arm.

"Awww.." mahinang daing ko para hindi kami mapagalitan at tiningnan siya ng masama. I pinch her also para pambawi. Pero ngumiwi lang siya na parang ininda na lamang niya yung sakit. "Bakit mo ko kinurot? Ansakit!" Pabulong na daing ko sa kanya.

"It's a tie.. kinurot mo rin kaya ako"

"Oh bakit ba?" Hinimas-himas ko yung kinurot niya. Shete namumula pa. Lakas talaga netong babaeng to. Nakita ko naman siyang tinitingnan yung kinurot niya sabay lingon sa akin.

"Hehe.. napalakas sorry.." nakapeace sign niyang sabi. "Nakatulala ka kasi kaya di mo ko pinapansin, na kanina pa ako nagsasalita dito."

"Well, sorry naman. Ang ganda kasi nung mga ulap sa labas."

"Fine! As I was saying, naalala ko kasi na birthday mo ngayon at di pa kita nababati since this morning. So, happy birthday bestie!" Niyakap at kiniss pa niya ang kanang pisngi ko at saka mahinang humagikgik.

"Sus, okay lang yun. And thank you.. oh buti naalala ko,  punta kayo sa bahay may simple celebration lang. Makikisabay na ako sayo mamaya, dala mo naman siguro yung car mo diba?" Tanong ko and she just nodded..

"Okay.. Mamaya ko na lang sasabihin dun sa dalawa kasi nasa D.O. pa sila."

"Siguradong maraming pagkain dyan chibog na naman"

"Ikaw talaga.."

"Haha.. uh tanong lang. Tumataba na ba ako."

Tinitigan ko muna siya mula ulo hanggang paa at nag-isip.

"Uhhh..."

"Uyy ano?"

"Huh?"

"Ano nga.."

"Ehh..."

"Sige ganyanin mo ko at makakatikim ka ng isa sa 'kin"

"Besh.. hindi.."

"Wehh?"

"Oo nga."

"Sinasabi mo lang yan eh"

"Hindi nga.."

"Sus.."

Napahampas na lang ako sa noo ko saka umiling-iling.

"Sige mataba ka na.. yung sobrang taba na hindi ka na magkasya dyan sa upuan mo."

"Ayy grabe siya oh.."

"Besh kahit lumamon ka ng lumamon hindi ka tumataba. Jusko naman.."

"Oo na mataba na ako"

(==__==)

Bakit ho ganto ang mga kaibigan ko..

-kcala♥♥♥

A/N:
Sorry po sa mabagal na ud, inaatake rin po kasi ako minsan ng sakit na katamaran. Actually kumakalat na po ito sa amin at nagiging epidemya ngayong summer. Hahahaha aroots. So yun nga po noh, tsaka isa rin naman po akong reader kaya mas napagtutuunan ko po ito ng pansin.

Thank you po sa pag-unawa at maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa istorya kong wala namang masyadong kabuluhan. (Trip trip lang daw kumbaga sabi ng kapatid ko)

(>▼<)♡♡



Miss ManhidWhere stories live. Discover now