Chapter 03

525K 18.7K 12.7K
                                    

#ILWTG03 Chapter 03

"May nakaka-tawa ba?" I asked, my brow in full arch because this half-naked guy in front of me looked amused! Naka-takip pa rin iyong mga kamay niya sa nipples niya. So annoying! And he was even grinning!

Yago shook his head. "Nothing."

"Bakit ka naka-ngisi d'yan?"

He brushed his damp hair with his fingers while his eyes never left mine. Gusto kong mag-iwas ng tingin, pero hindi ko magawa. Damn this guy! He's so annoying and distracting!

Umiling ulit siya. "Nothing, really," he said, showing me his dimpled smile. "Saan naka-post iyong assignment?"

"Sa page," I simply answered.

"Wait, where are you going?" he asked when I turned my back on him and started to walk back to my unit. Mabuti na lang natauhan ako! I suddenly remembered that I had lots of readings I needed to finish kaya bakit ba ako nakikipag-usap sa kanya? Umalis naman na iyong babae niya kaya sure ako na makakapagreview na ako nang matiwasay.

"Rory, right?" I heard him call out before me, but I was still pissed at him dahil sa dami ng nabasag na gamit ko dahil sa kanya. I ignored him as I closed the door before me.

I spent the whole night and early morning reviewing. Halos 4am na ako naka-tulog at 11am na ako nagising. Wala ako sa mood na magluto dahil inaantok pa talaga ako. And I figured that if I study inside the condo, I'd probably find a way to go to the couch and fall asleep.

Instead, I prepared early and put all my things in my huge-ass bag. Sa coffee shop na lang ako mag-aaral. At saka baka dahil naabala ko iyong escapades ng kapitbahay ko e bigla siyang magkaroon ng early morning session. Baka talagang masuntok ko na siya sa mukha dahil sa pang-aabala sa akin.

"Good morning!"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Yago sa gilid ko. I was waiting for the elevator when I heard his voice. Ang malas ko naman!

"Papasok ka na?" he asked.

I merely nodded. I should ignore him. If totoo ang sinabi niya na classmates kami, I shouldn't make an enemy out of him... Mas okay if hindi ko na lang siya papansinin.

"Ang laki naman ng bag mo," he commented. Ang tagal naman ng elevator! "Ano'ng laman niyan?"

Bakit ba ang ingay niya?!

"My book and notebook and pens," I answered para matahimik na siya.

"Oh," he said. Kahit hindi ako naka-tingin sa kanya, ramdam ko pa rin na naka-ngiti siya. It's so annoying. Why was he so happy? Dahil ba he gets laid everyday kaya masaya siya palagi? Iyon ba ang secret to a happy life?

"Tabi tayo sa class mamaya?" he asked.

"No."

Instead of being offended, he laughed. "Bakit naman?"

"Ayoko lang."

Bumukas iyong elevator. Sabay kaming pumasok. Nainis na agad ako dahil mula 34th floor to ground floor, marami pa ang maaari niyang sabihin sa panahon na iyon. And Yago seemed to be a guy who had lots of things to say! Bakit ba 'di na lang siya naging talk show host? Dami niyang commentaries.

"Bakit?" he asked again.

"No particular reason."

"Did I do something to offend you?" he asked innocently that made me face him with my face contorted in anger. Was he being serious?! 'Di ba talaga niya alam kung anong klaseng perwisyo ang binigay niya sa akin dahil sa nightly activities niya?!

In Love With The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon