Chapter 12

447K 20.6K 7.1K
                                    

#ILWTG12 Chapter 12

Vito told me to bring Yago home. He was adamant on Yago and I going home that it rendered me suspicious. Pinahatid niya kami sa driver niya and told me that he'd have Yago's car brought back to the condo. Hindi na ako nagtanong pa. I was worried about Yago. Nang lumapit kasi ako sa kanya, doon ko lang napansin na may putok sa gilid ng labi niya.

I was literally gone for just ten minutes!

"Thank you po," I told Vito's driver who helped me bring Yago hanggang sa makarating kami sa unit niya. I stared at Yago's sleeping body. What the hell happened? I asked Vito kung sino ang sinuntok ni Yago, but he didn't know, too.

I didn't know what to do first. Hindi naman ako sanay na mag-alaga ng lasing. Bahala na nga!

Pinakailamanan ko na iyong gamit ni Yago. I got a small basin and filled it with water. Lumapit ako sa kama at saka pinunasan iyong mukha ni Yago. He was still sleeping, but when I grazed over the side of his busted lips, it woke him up.

"Fuck!" he cursed. Agad siyang napaupo sa kama. He looked at me like he was trying to recognize who I was. "Rory?"

I glared at him. "Sino pa nga ba?" sabi ko sabay punas ulit sa gilid ng labi niya na dahilan para mapa-mura na naman siya. "Ayan, ang galing uminom, nakikipag-away naman pala kapag lasing na."

Yago snatched the towel from my hand and threw it somewhere. This ass! Ano na nga nag-effort na punasan siya. Mamaya magpeklat pa 'yang cut sa gilid ng bibig niya. Ang flawless and poreless pa naman ng mukha niya.

"Saan ka pupunta?" I asked when he stood from his bed. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hubarin iyong shirt niya. "Hoy!"

Walang hiyang 'to! Nalimutan niya na ba na nandito rin ako?! Oo, close kami, pero wala naman sa point na naghuhubad na kami sa harap ng isa't-isa!

Yago didn't answer me kaya sumunod ako sa kanya. Nakita ko na naka-tayo siya sa harap ng ref at umiinom ng tubig. I mentally slapped myself when I realized that I was gawking at Yago's ripped back. Naka-sandal kasi iyong isang braso niya sa pader habang hawak nung isa iyong baso. His muscles were flexing and I was enjoying. He's just... why did he have it all?! Unfair para sa ibang lalaki!

"What time is it?" he asked.

I looked at my watch. "Almost three."

Naglakad ulit siya. Mukhang wala siyang balak pag-usapan kung ano iyong nangyari kanina. I watched as he went around his room, getting a new set of boxers and white shirt—iyong usual na pantulog niya. Mukhang maliligo pa yata kasi dumiretso siya sa CR.

I sat on his bed, deciding if hihintayin ko ba siya or what. I wanted to ask what the hell happened back in the club, but at the same time I was also so tired. I cooked the entire day for—

Shit. That ass!

I just remembered na kanina pa nagva-vibrate iyong phone ko pero hindi ko pinapansin dahil masyado akong focused kay Yago at sa mga nangyari. I was debating with myself if I should look at my phone... Alam ko naman kasi na si Pablo iyon... Si Papa, Yago, at Pablo lang naman ang nagtetext sa akin. Others, they contact me through social media.

"What are you doing?"

Napa-tingin ako sa pinanggalingan ng boses. Kaka-labas lang ni Yago. He was drying his hair with a towel with his eyes on me. Napa-tingin ako bigla sa hawak ko.

Pablo

5 messages

"Okay ka na?" I asked, and then saw that there's an ointment on the side of his lips. Okay na pala. Gagamutin ko sana siya kanina, e.

In Love With The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon