CHAPTER 13

518 9 0
                                    

KANINA pang pabiling-biling sa higaan si Hannah, hindi pa rin siya nilulubayan ng imahe ng binata. It was because of him kaya hindi siya makatulog, hindi nito nililisan ang kaniyang isipan simula nang magkasama silang dalawa.

Naisipan niyang bumaba, to get herself some glass of milk. Hindi naman mahirap tuntunin ang kusina, pagkababa lang ng hagdanan ay nandoon na iyon.

Napasulyap siya sa pintuan ng kuwarto ni Phrexus, nakapatay na ang ilaw sa loob niyon. Maaga sigurong natulog ang binata dahil sa pagod. Tuluyan na siyang bumaba at dumeretso sa refrigerator. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng gatas pagkatapos ay agad ding ibinalik ang bote ng fresh milk.

"Hindi ka rin ba makatulog?"

Nagulat siya nang marinig ang boses nito sa kaniyang likuran. Noon ay dumulas sa kamay niya ang hawak na baso. It crashed to the floor. Nagkapira-piraso ang baso at kumalat ang gatas sa marmol na sahig.
She turned around. Sandali siyang natilihan and for a long moment, she couldn't move. Mas nagulat siya sa presensiya ng binata kaysa sa pagkahulog ng baso sa sahig. Nakatayo doon si Phrexus, he was wearing nothing but a pair of pajamas. Napalunok siya, hindi niya maiwasang mapatingin sa katawan nito. Kulang nalang yata ay peanut butter at masarap na iyong pang-midnight snack.

Bahagya niyang naisipang damputin at linisin ang nagkalat na bubog. She could see his eyes wandered down her body, it moved down to the length of her long legs. Bigla niyang naalala na nakasuot lang siya ng isang oversized T-shirt. She had this strange feeling that she was totally exposed. Nakasanayan na niya iyon ang isuot tuwing matutulog, nakalimutan niyang magpalit ng suot bago bumaba.

"Ginulat mo 'ko!" she finally managed.
Umangat pabalik sa mukha niya ang mga mata nito. "I'm sorry, hindi ko sinadyang gulatin ka."

Pinanuyuan siya ng lalamunan nang lumapit ito sa kinalalagyan niya, pakiramdam niya ay mas lalong uminit ang paligid. He squatted beside her at tinulungan siya ni Phrexus na damputin ang mga iyon. Sinisikap niyang takpan ng laylayan ng T-shirt ang kaniyang mga tuhod.
"Ako nalang dito, baka masugatan ka pa," sabi nito.

"No, ako na," aniya, isa pa ay nakakahiya naman kung ito pa ang maglilinis ng kalat niya. "Ouch!" napahiyaw siya. Naibagsak niya ang mga bubog na hawak. The tip of her finger was bleeding. Nasugatan siya.

"Sabi ko naman kasi sa'yo na ako nalang, ang kulit mo talaga." Inabot nito ang kaniyang kamay and to her surprise, isinubo nito sa bibig ang dulo ng kaniyang daliri, and sucked the blood from her finger.

Her eyes went wild. Marahas niyang binawi ang kamay, dinaig pa nito ang bampira sa ginawa. "What are you doing?" Her heart started to pound violently.

"I'm trying to stop the bleeding," he whispered. Ayaw huminto sa pagdurugo ng kaniyang daliri. At may damdaming nagpupumilit na sumingit na hindi niya maintindihan at nakapagpalito sa kaniya.

"Kasalanan mo 'to, ginulat mo kasi ako!" she said blatantly, ayaw niya itong tarayan but it was somehow her defense mechanism para hindi nito mapansin ang pagkataranta niya.

"I'm sorry, kukuha lang naman sana ako ng maiinom," paliwanag nito. "Come on, akin na iyang daliri mo," he said gently at marahang kinuha ang kamay niya. Kusa namang ibinigay iyon ni Hannah na animo'y wala siyang kakayanang tumutol dito. Kumuha ito ng alcohol sa medicine cabinet at pinahiran niyon ang kaniyang sugat, pagkatapos ay pinaikutan iyon ng band-aid. "There you go-okay na."

"Thank you," sabi niya.

"Matulog ka na, ako na ang bahala dito," sabi ni Phrexus. "Maaga pa tayo bukas."

She nodded saka mabilis na nilisan ang kusina. Napasandal siya sa likod ng pintuan matapos maisara iyon. Napatingin siya sa daliri na pinaikutan ng Band-Aid. The bleeding had stopped pero kumikirot-kirot pa rin iyon. Naalala niya ang ginawa ni Phrexus kanina. Napapikit nalang si Hannah kapagkuwan ay napabuntong-hininga.

UNLOVE ME by RICA BLANCA (To be Published by PHR)Where stories live. Discover now