CHAPTER 17

485 9 0
                                    

“GOOD morning,” bati ni Phrexus nang bumaba na siya ng silid, nasa hapag na ito at mukhang katatapos lang magluto ng agahan. “Join me, nagluto ako. Namiss ko kasing kumain ng pinangat at Bicol express.”

Lumapit siya dito, humila ng silya at naupo doon. Sumubo siya. “Masarap ba?”

Halos mabilaukan si Hannah sa itinanong nito, naisip niya ang tungkol sa nangyari kagabi. Nag-init ang pisngi niya, pakiramdam niya ay iyon ang tinutukoy ng binata na masarap. Tumango nalang siya saka nag-two thumbs up bilang sagot sa tanong nito.

“I’m sorry about last night,” usal nito. Napasinghap siya nang magtama ang kanilang mata. “Naging pabigat pa tuloy ako sa’yo, matapos akong tulungang iakyat ni Sebastian sa kuwato, everything went blank. Sana nga lang ay hindi kita pinahirapan after that.”

Unti-unti ang pagpapakawala niya ng paghinga. So, he doesn’t remember what happened last night, nakalusot siya. “Okay lang,” tipid niyang sabi.

“This will be our last day together,” sambit ni Phrexus.

Natigilan siya, pansamantalang naparalisa ang kaniyang puso sa narinig. Ang pagkakaalam niya ay hindi pa naman tapos ang dalawang linggo. May natitira pa siyang dalawang araw para makasama ito.

“Hindi na natin kailangan tapusin ang two weeks,” sabi nito. “Maghahanap lang tayo ng pari then after that, puwede ka nang bumalik ng Maynila. At ‘yong tungkol naman sa lupa, ibigay mo nalang ang address mo, ipadadala ko nalang sa’yo ang titulo. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa mga tao sa hacienda tungkol sa usapan nating dalawa, I will assure them na magiging mabuti ka sa kanila. Naniniwala naman ako sa’yo.”

“S—Sure.”

Mahabang patlang ang namagitan sa kanilang dalawa, mabigat ang loob ni Hannah. Tila nawalan na siya ng ganang kumain. 

“May kilalang pari ang kaibigan kong si Girllyne, I asked her kung may kakilala siya and fortunately, mayro’n. Taga-Legazpi. But don’t worry, gumawa lang ako ng kuwento kung para saan,” sabi ni Hannah. “Kung gusto mo ay siya nalang ang kunin mo.” 

“Okay, sige. Matapos nating kumain, dumeretso na tayo.” Tumango nalang siya, bakit parang minamadali na nitong tapusin ang araw na iyon? 

“BAKIT dito?” Sa halip na sa pari ay dinala niya ito sa Albay Doctor’s Hospital. 

Noong gabing tinawagan niya si Girllyne, ipinakiusap ni Hannah sa kaibigan na hanapin si Anthony Alfonso, ang kaibigang Hematologist ni Phrexus. Personal na pinuntahan ni Girllyne ang ibinigay niyang address ng pinagta-trabahuan nitong ospital. Mabuti nalang ay kilala ni ‘Nang Olivia si Anthony, sa ginang niya nakuha ang impormasyong iyon.
Nakita niyang nakatayo na sa labas niyon si Anthony, matapos niya itong makausap ay agad itong lumipad papuntang Legazpi.

Madilim ang mukha ni Phrexus habang nakatingin sa kaniya.  “What were you thinking?!” galit ito. “Hindi ba sinabi ko sa’yo na hindi mo puwedeng pakialaman ang desisyon ko?”

Papasok na sana ito ng sasakyan nang harangan ito ni Hannah. “Kailangan mong magpagaling, Anthony can help you.”

Nagtagis ang bagang nito. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ayoko!” he grunted. “’Di ba sinabi ko na sa’yo ang dahilan ko? I thought you understand!”

“Naiintindihan kita,” untag niya. “Pero mas gusto kong gumaling ka sa sakit mo. Hindi ka naman binigyan ng taning ng doktor, ibig sabihin niyon ay may pag-asa pa!”

“Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ‘to, ha? Ano ba sa’yo kung gumaling ako o hindi, magdadalawang linggo pa lang naman tayong magkakilala, ah!”

UNLOVE ME by RICA BLANCA (To be Published by PHR)Where stories live. Discover now