CHAPTER 2:

36 3 1
                                    

Kahibangan 101

Zac's POV

Hey guys! Its me the only man who has been blessed with angelic face. I am Zackary Fuentes but you can call me Zac, such a beautiful name right?

Today is Vincent 28th Birthday meron naman siyang party pero fuck! it looks like a kiddie party isipin niyo may pa-clown pa siya sa birthday niya!Wtf!pero joke lang yun.

Apat kaming magkakaibigan si Vincent, si Atlas, si Mavy, at syempre ako ang campus crush samaaming school at silang tatlo lang ang aking abubot hinde joke lang ang kaso lang hinde sumasama saamin si mavy dahil sa issue naming dalawa parang nawala ang tatag ng pagkakaibigan namin. Nagkakilala kami nung high school pa lamang kami naging maganda naman ang pagkakaibigan namin ng bigla nalang may nangyari na hindeng hinde ko nagustuhan at ni mavy.

"Palagi ka na lang late pag may importanteng okasyon!"bulyaw sakin ni Vincent sabay binigyan ako ng malakas na batok.

"Ahh!Ano ba kelan ba naging importante birthday mo, maka batok akala mo nagpapa-inom" sabi ko kay Vincent. Tinignan niya naman ako ng masama. Sa aming magkakaibigan siya lang ang iwas tuwing may inumang nagaganap, ewan ko ba dito parang bakla.

"Pumasok ka nalang dun sa loob kanina pa nag-uumpisa yung party" sabi ni Vincent. Pagpasok namin andami niyang bisita, andami rin chicks!! mwahahaha!*evil laugh*

"Andaming chicks dre" sabi ko, bigla namang tumingin sakin si Vincent.

"Akala ko ba titigilan mo nayang ganyang laro dre, ang talkshit mo!"sigaw sakin ni Vincent. Magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng kumakanta, babae yung kumakanta ang ganda niya well lahat naman maganda sa paningin ko.

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa tabi naming table para mapakinggan ko ng mabuti at hinde ako mangalay kakatayo. Kumuha ako ng isang baso ng wine dun sa waiter na dumaan. Nakapikit yung babae habang kumakanta, bigla siyang dumilat at para pang nagulat ng makita niya ako na nakatitig sakanya. Hinde ko alam pero nakayanan kong makipagtitigan sa kanya nang ilang minuto. Nakatitig lang din siya sakin, pero bigla siyang pumikit. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang kasama niya sa stage si Atlas at si Mavy, tangina nakauwe na silang dalawa hinde manlang ako tinawagan or tinext.

Sa tingin ko malapit narin namang matapos yung kanta kaya tumayo ako para abangan si Atlas sa gilid ng stage.

Pagkatapos ng kanta nakita ko nang pababa na si Atlas mula sa stage, gugulatin ko na sana siya ng biglang.

"Tigilan moko Fuentes" malumanay na sabi ni Atlas, kahit kailan ang weird neto ni Atlas.

"Akala ko next year pa uwi niyo?di manlang kayo nagsabi na uuwe kayo para naman nakapag-celebrate"sabi ko kay sakanya.

"Busy ako"sabi ni Atlas habang inaayos ang gitara niya.

"Kailan ba tayo ulit mag-iinuman?"tanong ko sakanya.

"Hinde nayon mauulit kung hinde niyo aayusin yung problema niyo, wala akong kinakampihan sainyo pero mahirap kumilos kung may ganyang problema sa atin"malumanay na sagot ni Atlas sa akin. Bigla naman akong nawalan nang sasabihin, kasalanan ko naman kung bakit nagkaganito kami. Humahanap lang ako ng tamang oras para makausap si Mavy.

"Hoy!Atlas uuwe na kaagad kayo?"tanong ni Vincent na bigla nalang sumulpot kung saan.

"Oo, sabi ni Air may gagawin pa daw kasi siya"sabi ni Atlas. Napalingon naman ako sakanya.

"Sinong Air?May chicks kana dre"tanong ko sakanya.

"Si air, yung kumakanta sa stage dre"sabi ni Vincent.

Ah air pala pangalan nun, hehehe alam na this >:)

"Bakit niyo pala kasama yun?"lumingon naman sakin si Vincent na parang nagtataka.

"Natural yun yung vocalist ng banda nila, at tsaka ate niya yon alangan naman hinde ko imbitahin dito"nagulat ako lumingon ako kay Atlas na parang bored ba bored na. Tumingin siya sakin at tinaasan ako ng dalawang kilay.

"May Ate ka pala!Bakit hinde mo sakin sinabi?"sigaw ko sakanya.

"Bakit nagtanong kaba?"sagot niya na walang gana.

"Tsk!Pakilala mo naman ako sa Ate mo"ngumisi naman si Atlas.

"Tignan naten kung patulan ka non hahaha"sagot niya tumawa pa ang kupal.

"At bakit hinde?!pogi ako, tinitilian ng mga babae, matalino, mayaman halos lahat nasa akin na!"mayabang na sabi ko.

"Pwes!Ibahin mo si Air!hahaha"sagot sakin ni Vincent.

"Ipakilala mo na ako!Dali na!"sigaw ko kay Atlas.

"Oo na,sige sige"sabat ni naman ni Vincent, lumingon naman ako kay Atlas tumingin naman siya sakin.

"Bahala ka sa buhay mo, but i have a one condition don't you dare hurt my sister" may diing sabi niya sakin.

"Kailan ba ako nagloko?"tanong ko sakanya. Tumawa naman si Vincent, tumigil naman siya sa kakatawa ng bigyan ko siya ng masamang tingin.

"Oh! paparating na si Air, ayusin mo lang Fuentes!alis nako, Vincent ikaw na maghatid kay Air"sabi ni Atlas habang papalayo.

"Sige dre,oh tara na zac ipapakilala na kita kay Air, ay dun ka muna pala sa poste ng ilaw tawagin nalang kita pag ipapakilala na kita hehe"sabi ni Vincent, ang gulo neto kausap.

Makalipas ng dalawang minuto sinitsitan ako ni Vincent senyas na lumapit nako sakanila. Habang papalapit ako kay Air nakatitig lang siya sakin.At ng makalapit na ako sa kanila...

"Ahh...Air? Si Zac nga pala a friend of mine"sabi ni Vincent. Walang nagsalita ni isa samin kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

"I'm Zac...nice meeting you"sabi ko sakanya ng nakangiti at nakalahad ang kamay para makipag shakehands pero mukhang wala siyang balak makipag shakehands sakin, mukhang mapapahiya ako neto ah.

Hays ...nakakangalay

-NICO..NEMESISƸ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

I CAN'T LIVE WITHOUT YOU (on-going)Where stories live. Discover now