CHAPTER 5

12 0 0
                                    

Thank you next, bitch

Air's POV

"Wahhh!!" nakarinig ako ng isang napakalakas na sigaw agad akong dumilat upang kumpirmahin kung ano ang nangyayari. Nakita ko si Mavy na nakatayo sa pinto at parang nakakita ng multo, tumingin ako sa paligid ko wala namang kakaiba pero bakit ganun makatingin sakin tong kupal nato.

"Anong bang nangya----Fuck! What happen to your face Ate, you look like a damn panda" sagot ni Atlas na para bang nandidiri sa pagmumukha ko, alam kona kung bakit sila ganiyan ang laki na nang eyebag ko. Teka dito na pala ako nakatulog sa upuan nakayanan ko yun hehehe.

"Umalis na kayo aayusin ko lang sarili ko! tsupiii" sambit ko habang winawagayway ang mga kamay senyas na umalis na sila,agad namang umalis si Atlas kaso si Mavy parang ngayon lang nakakita ng taong may eyebag. Napailing na lang siya at umalis na ni-lock ko naman agad ang pinto at dali-daling naligo at nag-ayos ng sarili para makipagkita kay Kalila.

Pagkatapos kong mag-ayos ay naabutan ko sa hapag kainan sila Atlas at Mavy na kumakain natural kumakain alangan namang maglaba sila doon kupal ka.

Lumingon sakin si Mavy at niyaya niya akong kumain, tumingin ako sa pagkaing hinain niya what the...pancake? sinong mabubusog diyan i gave him a death glare napakamot lang siya sa batok niya. Pinaghirapan niya parin lutuin yun kaya kinain ko paren.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako sa mga kupal kong kapatid na makikipagkita lang ako sa isang kaibigan. Nag-helmet na ako at sumakay sa motor ko para makapunta na ako sa apartment ni Kali. Si Kalila Andrada nakilala ko ng minsan akong nag bar para uminom lang uminom lang ha wala akong balak maghanap ng jowa dun nakita ko lang siya dun na nakaupo sa isang sulok tapos niyaya ko siya mag-inom pumayag rin siya kasi wala naman rin raw siyang kasama kaya nag-inuman kami kahit hinde pa namin kilala ang isa't-isa nagkwento ako sakniya kaai broken ako noong time na yun dahil kay ex.

Nakikinig lang siya tapos minsan papayuhan niya ako pagkatapos nung inuman namin na yun nagpakilala ako  nagpakilala rin siya and then we became bestfriends.

Pinahinto ko na ang motor ko at nagtungo na kila Kali, hinde na ako kumatok dire-diretso na ako.

"Tara shot?" kaaga-aga inom kaagad itong babaita nato, hinde ba nabubutas bituka neto ni Kali?.

Hinde ko na siya pinansin dirediretso na ako sa refrigerator na at kumuha ng makakain. Kumuha ako ng isang apple, isang can beer, pagkatapos kumuha na rin ako ng isang cup noodles sa at ginawa na ang dapat gawin dito.

"Pumupunta ka lang rito tuwing gutom ka!" sigaw niya pero pinagpatuloy ko paren ang pagkain sa cup noodles at mansanas.

"Angas ren ng trip mo no, cup noodles tapos panulak mo beer HAHAHA" tumawa pa ang kupal. Naubos ko na ang lahat ng pagkain ko kaya kumuha ako ng wine glass at naglagay ng wine wow maria clara...sarap men uminom na ako.

"Kaya hinde kana nagkakaroon ng boyfriend panay ang kain mo, tignan mo
katawan mo sakto lang pero yung bilbil mo ang laki" sinermonan pa ako

"Wowwow! nagsalita ang may jowa, kahit nga manliligaw wala  ka ih" binigyan niya ako ng nakamamatay na tingin nbsb kasi yan kaya ganiyan .

"Air?" lumingon ako sakaniya "Ano nang plano mo?" tanong niya pero hinde ko siya ma-gets

"Ha? what do you mean?" tanong ko sakaniya

"I mean...amm..yung tungkol sa ex mo, anong gagawin mo pagnagkita kayo ulit? kasi sabi Ros nasa manila na daw sila" sinabi naren sakin ni Ros yun pero wala naman akong dapat gawin past is past nakamove on  na ako....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I CAN'T LIVE WITHOUT YOU (on-going)Where stories live. Discover now