CHAPTER 3

38 3 1
                                    

Strange Feeling ••••

Air's POV

"Ahh?Awkward"bulong ni Vincent, lumingon naman ako sakanya nakita ko siyang sumisipol habang nakatingala sa langit ibinalik ko naman ang tingin ko kay Zac na nakalahad parin ang kanang kamay at nakatingin siya kay Vincent.

Ang weird ng feeling na to, hinde naman ito ang first time ko na makaharap ng poging lalake pero para akong isang teenager na nakaharap ang crush niya, umiling ako upang mawala sa aking isipan ang aking kahibangan.

"Ahhh...Air...Air Evans"pakilala ko ng nakangiti at inabot ang kamay niya. Ngumiti naman siya sakin, fuuuuuùuuuuck!ang gwapo niya tangina marupok ako Zac!please!kapag ako nahulog rapin kita dyan!nagulat ako sa sinasabi ng aking isipan. Kailangan ko ng umalis dito sa makasalanang lugar nato bago pa ako makagawa ng hinde gawain ng isang dalagang pilipina, kailangan ko ng umalis.

"Nice meeting you Zac pero sorry i gotta go i have important things to do, Vincent hatid mo na ako"sabi ko kay Vincent at pinandidilatan siya ng mata para wag na siyang humirit. Bumaling naman ako kay Zac, para bang may gusto pa siyang sabihin pero hinde mabigkas ng sarili niyang bibig.

"Ahhh...Oo nga pala Atlas may gagawin pa pala si Air....hatid ko muna siya dre ha uuwe kana ba?"tanong niya kay Zac tumango naman siya.

"Sige dre, ingat ka"sabi ni Vincent. At bigla na siyang humarap sakin at inaya ako maglakad papunta sa kotse niya ng naka-akbay pa. Nang makalayo layo na kami kay Zac na umalis narin ay binigyan ko siya ng isang malakas na batok sa ulo.

A: Bakit ba batok tawag sa hahampasin yung ulo, hinde naman sa batok hahampasin....tsk tsk

"Ahhh!ano ba?bakit kaba nambabatok?sakit nun ah"sigaw niya sakin habang hinihimas himas ang parte ng ulo niya kung saan ko siya binatukan, tinaasan ko naman siya ng isang kilay na para bang nagtataray.

"Ano na naman to?!ha?kalokohan talaga niyo ni Atlas no!!tuktokan ko kayo diyan e!"sigaw ko sakanya habang umaamba ang kamao, ang ingay ko ba wala naman sigurong makakarinig sakin dito hehehe.

"Anong kalokohan ka diyan, biglaan lang yon, ewan ko ba dun kay Zac at gusto bigla magpakilala sayo dinamay lang ako nun, makabatok ka"sagot sakin ni Vincent. Nakonsensiya naman ako bigla, napakamot na lang ako sa batok ko.

"Sorry, hehehe" sabi ko sakaniya na naka-peace sign, tinarayan naman niya ako.Bakla sabi ko sa isip. Nagtaka naman ako kung bakit wala sila Atlas, kaya nagpalinga linga ako sa paligid.

"Oo nga pala, nasaan sila Atlas at Mavy?" tanong ko habang lumilingon sa paligid, napakamot naman siya sa kaniyang batok.

"Sabi ni Atlas mauna na daw sila, hatid nalang daw kita sainyo" sagot niya na parang kinakabahan sa isasagot ko. Napamura ako sa aking isipan ayoko sa lahat yung iiwan ako ih, lagot kayong dalawa sakin mamaya. Tinarayan ko nalang si Vincent at sinensiyahan siya na umalis na kami, sumunod naman siya kaagad kaya sumakay narin ako sa pipityugin niyang sasakyan.

Makalipas ang nakakabagot na biyahe sa wakas nakauwe narin, si Vincent naman ay hinde na pumasok sa loob ng bahay dahil tutulong pa raw siya maglinis ng bahay nila dahil sa kaniyang kiddie party. Papasok palang ako sa bahay rinig na rinig ko na ang murahang nagaganap sa living room, malamang naglalaro na naman sila ng Mobile Legends. Dahil nakatalikod silang dalawa sakin ay sinilip ko sila mula sa likuran upang kompirmahin kung Mobile Legends nga ang kanilang  nilalaro. Confirm mga adik sa Mobile Legends, ang lalakas ibuhos ang buong araw sa paglalaro mga weak naman. Ang gamit na character ni Atlas ay si Miya at ang character naman ni Mavy ay si Layla, napa tsk nalang ako bigla nalang may pumasok na kalokohan sa aking isip kaya napangisi ako. Tinalikuran ko sila at pumunta sa lugar kung nasaan ang aming wifi este wifi ko pala dahil sakin ito binili ko ito ako nagpapa-load, yun na nga dahil mga busy sila ay pinatay ko ang wifi. Nagbilang ako sa aking isipan.....1.....2.....3.....4....5....!!!!!

"What the fuck!! Yung wifi!!! Mavy tignan mo nga yung wifi! Dalian mo" nasisiguro kong si Atlas ang sumigaw dahil ito ang madalas magmura kaysa kay mavy. Kaagad namang humarap saakin si Mavy, kaagad na nanlaki ang kaniyang mata. Tinanong ko siya kung bakit nila ako iniwan ng walang boses, agad niyang tinuro si Atlas na busy parin sa kakalikot ng kanyang cellphone.

"Shit! Mavy yung wifi sabi ayusin mo! Hinde nako makapaglaro ng maayos" sigaw ni Atlas kay mavy at lumingon siya samin upang makita niya ako, nanlaki ang mga mata niya na parang nakakita ng multo. Kingina lagot kayong dalawa sakin mga kupal kayo! iniwanan niyo ako kala Vincent tapos may nakilala pa akong isang anghel na nagngangalang Zac na sobrang gwapo na sa palagay ko ay may 8 pack abs! Holy crap! so yummy! nagulat ako sa mga salitang tumatakbo sa aking isipan pero kaagad na nawala sa aking isipan ang mga kalokohan ko nang biglang tumayo si Atlas sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa aming ref at inilabas roon ang isang slice ng chocolate cake Mah favorite ♡○♡ hinawakan niya ito at lumapit saakin.

"Ate? Pwede ko bang buksan yung wifi?" tanong ni Atlas habang nakanguso habang dahan dahang nagsa-slice ng cake at kunwaring isusubo sakin. Nasisiguro kong ginagamit niya ang cake nayon upang buksan ko ang wifi at para malaya na silang makapaglaro, pero nagkakamali kayo pero mukhang masarap yung chocolate cake sabat ng aking isipan.

"Please, Ate please" sagot ng kupal, tinatawag niya lang akong ate kapag may kailangan yang kupal na yan.

-NICO..NEMESISƸ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

I CAN'T LIVE WITHOUT YOU (on-going)Where stories live. Discover now