CHAPTER 4

28 1 0
                                    

Narutards
Atlas POV

Shit! shit! sana gumana tong chocolate cake para mabuksan kona yung wifi baka sabihin ng mga kakampi ko sa ML pabuhat ako sabi ko sa isip sana lang talaga gumana sana gutom si Ate. Napapansin kong parang nag-aalinlangan pa si ate kung kukuhanin ba yung cake or hinde kasi sa chocolate cake lang siya nakatingin alam kong paborito niya ang chocolate cake hintay lang ako mga 20 seconds...

*1

*2

*3

*4

*5

*6

At sa wakas kinuha rin oh diba wala pang twenty seconds, pagkakuha pa lang niya ng cake ay tinakbo ko ang lugar kung nasaan ang wifi at agad agad na binuksan ito.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa dati kong pwesto at kinuha ang cellphone at agad na naglaro.

"Pasalamat ka at gutom ako kung hinde baka sulohin ko nalang yung wifi nayon! Bahala kayo sa buhay niyo!" sigaw ni Ate sakin at pumunta sa ref at kumuha ng isang can beer at umupo sa isa sa upuan sa dining table at binuksan ang can beer lasingera talaga to kahit kailan tsk! napailing nalang ako sa sinabi ng isip at muling pinagpatuloy ang paglalaro.

Pagkatapos ng limang sunod sunod na panalo at Mvp sa ML tumingin ako sa relos ko shit alas diyes na, tumayo na ako anong oras narin matutulog nako baka masayang lang kagwapuhan ko pinaghirapan to ng magulang ko tapos masasayang lang sa isang gabing pagpupuyat tsk.

Paglingon ko wala na pala si Mavy sa tabi ko hinde ko manlang namalayan paglingon ko naman sa pwesto ni Ate nandun parin siya sa dining table at naka anim na siyang can beer at kinakalikot ang cellphone, napailing ako kasi ba naman napakalakas uminom tapos hinde manlang nalalasing ewan ko ba kung bakit ganyan kalakas si Ate uminom tapos hinde madaling malasing.

Lumingon siya sakin at seryoso ang tingin niyang yon, saglit lang yon at pinagpatuloy niya ang pagkakalikot sa cellphone niya.

"Atlas pakikuha nga yung isang kaha ng sigarilyo dun sa night stand sa kwarto ko pati pala yung lighter" sabi niya habang hinihilot ang sintido, sigurado akong may problema ang isang to mukhang stress. Sinunod ko naman siya baka kasi sigawan na naman rako bad mood pa naman.

Pagkatapos kong ibigay ang kaha ng sigarilyo at lighter ay naglakad na aki papuntang sa hagdan para matulog na pero hinde pa ako nakakahakbang sa hagdan ay muling nagsalita si Ate.

"Matulog kana may gig pa tayo bukas, oonga pala darating sila mommy at daddy next week sunduin naten kaya umayos kayo ako ang malalagot dun" sabi niya saakin pagkatapos nun ay dirediretso nako sa kwarto ko at padapa na natulog sa kama.

Air's POV

"Fuck!" mura ko sa sarili, napasabunot na lang ako sa sariling buhok pagkatapos akong tawagan ni Kalila upang ipabalita na babalik nang bansa si Colin yung putangina kong ex boyfriend hays.

Naka move on nako ang kaso galit parin ako sakanya dahil sa panglolokong ginawa niya saakin nung kami pa college pa lang kami nung naging kami maganda naman ang naging relasyon namin nang isang iglap pinagpalit niya ako sa ibang babae.

Anniversary namin nung pumunta ako sa condo niya para surpresahin sana siya kaso mukhang ako ang nasorpresa nakita ko nalang na nakahubad siya sa kama niya at may kasamang ibang babae they're both naked for fucksake di naako nagsalita nun umalis nalang ako bigla sa condo niya kasi hinde na kaya ng mga puso ko ang nakikita ko.

Nabalitaan ko nalang na umalis siya ng bansa para pumunta sa Italy at dun ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral, hayaan na natin siya tangina niya.

Tumingin ako sa relos ko puta 1:40 na ilang oras na pala akong nag-iinum dito.Tinignan ko yung mga ininom ko naka 11 nakong can beer hinde paren ako tinatamaan. Dinampot ko ang mga can beer at tinapon sa basurahan, pinatay ko muna yung mga ilaw pagkatapos umakyat na sa taas at pumasok sa sariling kwarto. Binuksan ko yung Computer ko at nanood ng Naruto Shippuden.

Mavy's POV

Hello i'm Adam Maverick Evans and i don't care what do you want to call me.

Alas sais na nang umaga kaya ginawa ko na ang routine ko. Pagkatapos nun ay kaagad akong bumaba para mag breakfast, pagbaba ko wala akong naabutan na umagahan sa lamesa tulog pa siguro sila ate at kuya kahit naman gising yung mga yun ako parin ang nagluluto. Totoo yun ako ang tagaluto saaming magkakapatid kahit pa ako ang bunso, actually magaling naman magluto sila Ate kaso raw mas gusto ra nila ang luto ko.

Habang nagsasangag nag-isip isip ako, next week first day of school na pala. Fourth Year College na ako at ang kinuha kong kurso ay Cookery obvious naman diba so hinde ko na ipapaliwanag nakakatamad. May gamit na ako para sa school kaya wala na akong poproblemahin.Nakarinig ako ng mga yabag sigurado akong sila Ate na yun, sakto namang tapos na ako sa niluluto ko.

"Pancakes? seriously? ano kami bata?haha"biro niya sakin nagtataka naman ako kasi wala si ate madalas kasi nauuna magising yun saamin.

"Si ate?" tanong ko sakaniya habang nakatayo parin at nakatingin sakaniya, tumingin naman siya sakin.

"In her room, akyatin mo may gagawin pa yata yon ngayon" sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain ng pancakes. Kaagad ko namang siyang sinunod, pagka-akyat kumatok kaagad ako sa pinto ng kwarto ni Ate.

"Te?! Wake up! May gagawin kapa ngayon diba?! Wake up!" sigaw ko, hinintay kong makarinig ng yabag pero wala. Muli akong kumatok at sumigaw na gumising na siya pero wala parin akong naririnig na kahit ano. Kinabahan ako baka kung ano na ang nangyari sakaniya hinde na ako mapakali kaya binuksan ko na ang pinto pero nagulat na lang ako sa nakita ko.

-NICO..NEMESISƸ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

I CAN'T LIVE WITHOUT YOU (on-going)Where stories live. Discover now