Kabanata 12

137 16 0
                                    

Kabanata 12

Kung Katulad

Banas na banas talaga ako. Mas inuna pa niya ang paglalaro ng basketball imbes na tulungan ako sa paggawa ng tula namin!

"Relax ka lang, Nami." Himas ni Ella sa balikat ko. Nandito kami ngayon sa bleachers at pinapanood ang laro nila ng basketball.

"Grades 'yon, Ella. Tsaka base sa experiences daw namin." Nakasimangot kong sabi sa kanya. Eh kasi naman, baka naman tanungin kami ni ma'am kung bakit gano'n ang output namin at parang wala namang kabuhay-buhay at basta na lang sinulat. Tss. Naiinis talaga ako sa unggoy na epal na 'yon!

"Hay. Subukan mong kausapin nang personal, Nami. Nakakausap naman nang matino ang lalaking 'yon e." Ani Ciela sa gilid ko na nakatingin parin sa court. Rinig na rinig pa nga namin ang matitinis na tunog na nagmumula sa mga sapatos nila.

"Makakausap ko ba 'yon nang maayos? E parang wala naman sa tino 'yon!"

"Wow ha! E papa'no naging model 'yon kung wala sa tino? Imaginin mo pa, sikat ang lolo mo!" React ni Ella. Halatang binubuhat ang epal niyang kapatid. Hays.

"Oo nga naman, Nami. Kausapin mo lang siya, 'yong mahinhin at may tamang pagkakaintindihan lang. Ikaw naman kasi, lagi mong sinusungitan—"

"Epal siya e—" pinutol ako Ciela kaya napairap ako.

"Pwede ba? Try mo na lang kausapin si Marco. 'Yong kalmado ah! Hindi high blood! Jusko!" Napahawak sa sentido si Ciela at naiiling na tumatawa si Ella.

Aba't ang dalawang baliw, napapagitnaan ako!

"Ewan ko sa inyo! Basta, susubukan ko lang siyang kausapin. Kapag umayaw siya, susumbong ko siya kay ma'am. Pero kung wapakels si ma'am, aba'y bahala siya sa buhay niya! Mag-isa akong gagawa. 'Di bale nang meron akong deduction." Masungit kong sabi na nagpatigil sa kanila sa pagtawa.

"Papaano 'yong grades ni Marco?" Malakas na sigaw ni Ciela kaya napapikit ako. Nananadya ba 'to? Ang iilang mga nakarinig sa sigaw niya ay nakatingin na sa amin. At sakto pa talagang break nila sa laro. Jusko. Paano ko ba maging kaibigan ito? Nakakahiya!

"What's with Marco's grades?" Lumapit si Shia Ibañez sa amin. Nasa likod naman nito ang mga alipores niya. As usual, ganito naman ang ilan sa mga campus queen diba? Ganito din ang iilan sa mga queens na nababasa ko sa mga libro.

Nawala ang saya s mukha ni Ella at Ciela.

"What do you care?" Nakataas na kilay na tanong ni Ciela.

"I'm just concerned with Marco." Bakas ang arte sa boses ni Shia. Tinignan niya pa sa gilid niya ang kanyang mga alipores.

"Well, I guess he doesn't need your concern." Ani Ella at tinignan ang mga kuko niya't malamig na tinignan muli si Shia.

"Let's just go, Shia." Sabi ng isang alipores niya sa gilid.

"What—"

"What's with my grades?"

Lumapit sa amin ang unggoy habang nagpupunas siya ng pawis. Napairap na lang ako. Suot niya ang jersey niya na may Ezquierda #15. Matamis naman na ngumiti si Shia nang lumapit sa amin si Marco.

"We're just talking abo—"

"I'm not talking to you." Putol ni Marco kay Shia. OHH! Fire!

"Oh, okay. But can we ta—"

"Shia! Ipinapatawag ka ni ma'am!" May sumigaw na isang lalaki na mukhang athlete din. Naagaw no'n ang buong atensyon ni Shia at nang mga alipores niya. Napailing na lang ako nang makita ang takang mukha ni Shia.

Summer's FateWhere stories live. Discover now