Kabanata 53

86 10 0
                                    

Kabanata 53

Kiss on the Lips

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko. Nakahiga ako ngayon sa kama ko. It's 7:53 in the morning. Paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ni Marco sa akin kagabi. Napapikit ako. After that ride, hindi ko na siya pinansin. Sobrang awkward that time kaya naman hindi ako kumibo. Tapos tinanong pa nila kami kung anong nangyari sa ride dahil magkasama nga kaming dalawa.

Hindi ko sila sinagot. Si Marco naman, umiiwas sa tanong nila. Alam kong sinadya nila na pagsamahin kaming dalawa. Naiinis ako sa sarili ko at sa kanila. Namumugto ang mga mata ko ngayon dahil kagabi pa ako umiiyak pagkauwi ko. Hindi ba nila naisip na baka magsakitan lang kami? Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Naalala kong naka-lock yun kaya naman binuksan ko na.

"Miss Tash, nasa baba po si Sir Dim. Hinahanap po kayo." Bungad ni Niña sa akin.

"Mag-aayos lang kamo ako." Sabi ko kaya umalis na siya at isinara ko na ang pinto. Agad akong pumasok sa banyo para makapaghilamos at sipilyo. Nagsuklay din ako at naglugay na lang. Isinuot ko ang ful vue kong glasses dahil mugto pa nga ang mga mata ko. Bumaba ako habang suot ko parin ang blue satin pajamas ko.

Nakita ko si Niña na nag-aayos ng mga bulaklak sa vases. Nilapitan ko siya.

"Nasaan si kuya?"

Huminto siya at tinignan ako. "Maaga pong umalis e. Si Sir Dim ay nasa garden po." Sabi niya kaya naman sa garden ako pumunta. Nakita ko siyang nakaupo doon at may wine na hawak. Napairap na lang ako at tinabihan siya.

"I brought some sliced fruits for you. Galing kasi kami sa farm ng pinsan ko." Sabi niya at ipinakita ang makapal na paper bag na may malaking tupperware sa loob. Agad ko itong kinuha at binuksan. Sliced fruits nga. May kiwi, dragon fruit, oranges, strawberries, grapes, melon, watermelon at blackberries. Malamig ito kaya naman natakam pa lalo ako. My parents would love this.

Napangiti ako. "Thank you. Grabe, ang sarap nito!" Sabi ko. May naka-ready na palang serving spoon, bowl at fork dito. Agad akong kumuha. I think, chilled mixed fruits are okay for breakfast, right? Besides, it's healthy! Agad akong sumubo at mas napangiti pa. Grabe! Ang sarap!

"Hinay-hinay ka lang. Marami pa 'yan!" Sabi niya at tumawa. Ngumiti na lang ako. Dinagdagan ko pa ang serving at sinabi kay Niña na ilagay sa ref ang mga prutas para makakain sina mom at dad mamaya.

Agad na nagring ang phone ko at nakitang si Lori ang tumatawag. Sinagot ko ito at nginitian sa Dim.

"Tash! Thank goodness you answered!" Puno mg relief niyang sabi. Kumunot ang noo ko.

"Bakit? What happened?" Tinignan ako ni Dim at nagsalubong ang kilay niya.

"One of my models backed out sa photo shoot. At wala na akong ma-contact pang iba. Pwede ka ba ngayon?"

"I'm free today. Bakit?" Mukhang natataranta na siya.

"She's very sick and she can't make it. Can you please come here now, Tash? Baka kasi magkaproblema e—"

"Okay. Just text me the place. Mag-aayos lang ako."

"Okay. Bye!"

"Bye."

Pinutol ko na ang tawag at agad akong tinignan ni Dim na para bang nagtatanong. No one's going to drive for me dahil kasama nina mom at dad sa work. Si Kuya Nico naman ay wala. I have no choice.

Summer's FateWhere stories live. Discover now