Kabanata 36

85 11 0
                                    

Kabanata 36

Regalo

Madilim ang paligid. Nasa gilid ko si Marco at nakaalalay sa akin.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Nakangiti kong sabi. Noong nakaraang araw lang... Basta! May paganito pa siya. Ang sweet. Kanina pa talaga ako kinakain ng kilig dito.

"Just wait and see, cheesecake." Sabi niya at naramdaman ko ang isang halik niya sasentido ko. Mukhang mahaba ang nilalakad namin. Wala naman akong marinig na kung anong kasuspe-suspetsa.

"Malayo pa ba?" Suminghot ako.

"No. Just a few more steps." Kalmado niyang sabi. Mga tatlong minuto pa ata kami naglakad bago kami huminto. Medyo mabato sa dinadaanan namin. Tsaka madamo din.

Tumigil kami. Ngayon ay mukhang nasa likod ko siya. Nararamdaman ko na tinatanggal na niya ang piring ko sa mata. Magaan ito kung kumilos.

"HAPPY BIRTHDAY, NATASHA!" Malakas nilang sigaw kaya napaatras pa ako, dahilan para mabunggo ko ang matigas na dibdib ni Marco. Kumpleto silang lahat! Nandito ang iilan sa mga kapatid ni Ally na naka-dress pa. Si baby Angel at si Lola Isay ay nandito din!

"Happy bertdays ate! Mwah!" Humalik sa akin si Angel habang buhat siya ni Ally.

"Happy birthday, Nam!" Bumeso sa akin si Tita Jeane. "Grabe! 18 ka na!"

Bumati pa ang iilan sa mga bisita namin. Dito pala sa may taniman ng mangga sila naghandaan. Malapit ito sa amin at pagmamay-ari ito nina Ally. Sila kasi ang pinakamalapit sa amin kaya halos doon na siya tumira sa bahay.

Mula sa gate ng taniman ay may nakaparadang isang pula na Montero Sport. Ang ganda talaga nito. Pero kanino ba 'to?

"Happy 18th birthday, cheesecake." Hinarap ko si Marco at ngumiti. Isang mabilis na halik sa labi ang ibinigay niya kaya nagulat ako. Nahampas ko pa nga sa braso, pero natawa lang siya.

"Ano ba! Baka makita ni auntie!"

"What? It's okay, love." Ngumiti siya at niyakap ako. "You're eighteen, cheesecake. I can now marry you." Aniya't humalakhak. Hinampas ko nga.

"Bata pa ako! Pati ikaw!"

Isang malakas na tawa ang ginawa niya kaya bumitaw ako. Tinignan ko lang ang gwapo niyang mukha. Bawat paggalaw ng muscles niya sa mukha ay perpekto. Maging ang ngipin niya ay maganda at pantay. Matangos ang ilong. Maganda ang mga mata. Grabe. Ang swerte ko sa kanya.

"You're not a kid anymore, cheesecake. You're a lady. A beautiful lady.....and you are mine."

Sweet din siya at mabait. He's kinda generous. Childish minsan. Pero bagay naman sa kanya. Ewan ko ba. Ni hindi ko nga naiisip na hahantong kami dito. Na magiging kami. Naglakad kami palapit kina auntie at kuya. Nasa isang table sila at kumakain ng handa. Isa lang naman itong simpleng salo-salo. Binigyan lang nila ako kanina ng mga bulaklak. Pero si Marco, isang bouquet ng red roses at malalaking sunflowers ang ibinigay sa akin.

Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni auntie at kuya. Pero ewan ko ba kung bakit binabalaan niya ako noon. E magkaibigan naman pala sila ni Don Mateo. Mukhang napansin ni auntie ang magkasalikop na kamay namin kaya napabitaw ako. Si Kuya Anton ay napatigil din sa pagkain ng Palabok.

"Nami?" Umangat ang tingin ni auntie sa akin mula sa mga kamay namin na ngayon ay magkahiwalay na.

"Auntie..."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Hinalikan pa nga niya ako sa pisngi. Naamoy ko pa nga ang Coke sa kanya.

"Maligayang kaarawan, hija. Masaya ako para sa inyo." Sinulyapan pa niya si Marco at nginitian. Gumanti ako nang yakap.

*

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Kay gandang pagmasdan. Tumulo ang luha ko. Ang ganda talaga dito sa Sunset Hill, tapos kasama ko pa siya.

"I love you, Nam. You know that. Papatunayan ko, araw-araw kung kailangan. Ikaw lang ang babaeng minahal ko. You are everything to me."

Nagulat ako nang lumuhod siya. Binuksan niya ang isang box. May nakasulat pa doon na Swarovski. Mukhang mamahalin ang box kaya napaatras ako.

"Happy birthday, Nam. I know, you're not a materialistic type of person. But you still keep things, so I think that you'll keep this too." Binuksan niya ang box at bumungad sa akin ang isang alahas.

Isa itong gold na necklace na may heart na pendant na may gems na maliliit.

"Marco... Sobra na ata ito." Nangunot noo niya kaya napaiwas tingin ako. "Sobra-sobra na ang ibinibigay mo sa akin. Sa loob nang isang buwan, ang dami mong ibinigay—"

"Ayaw mo ba?" Bakas ang lungkot sa boses niya kaya napatingin ako sa kanya. Ayokong nakikita siyang nasasaktan. Ayoko. Hindi ko kaya.

"Marco... Gusto ko lang kasi na—"

Bagsak ang balikat niya at nakatingin sa damuhan. Tumatama sa kanya ang kahel na ilaw na nagmumula sa papalubog na araw.

"Tell me, Nam. Ayaw mo ba ni—"

Niyakap ko siya at hinalikan banda sa kanyang tainga. "Gusto ko, cheesecake. Gusto." Ginantihan niya ako nang yakap bago tuluyang humarap sa akin. Ngayon, masaya na ulit siya. Nakangiti na siya. Hindi na malungkot ang cheesecake ko.

"Basta, last na 'yan." Tukoy ko sa kwintas. Tumango naman siya at tumayo. Pumunta siya sa likod ko at maingat na isinuot sa akin ang kwintas na regalo niya.

"Thank you." Sabi ko at yumakap sa kanya.

"Thank you too, cheesecake. Do you like it?" Tanong niya kaya tumango ako habang nakayakap parin sa kanya.

Hindi man ako nagkaroon nang debut, at least ay masaya ako sa kaarawan ko. Isang mahalagang alaala ang ibinigay ni Marco sa akin. Kaya naman ay iingatan ko ang nag-iisang kwintas na ito. Puno ito ng pagmamahal niya.

"I love you."

*

Summer's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon