Collision 22: (Basketball)

386 11 0
                                    

Baekhyun's POV

"Ayos na ba Anne? Mukha na ba tayong detectives?" Tanong ko kay Anne.

Tumango lang naman siya sakin.

Kasama ko nanaman siya. Alam kong magkakasama lang kami nung isang araw pero wala kasi akong mahingian ng tulong. Iniisnob ako ng EXO sa tuwing nababanggit ko yung favor ko.

At dahil madali ko lang nakapalagayaan ng loob si Anne, Siya nalang ang kinontak ko at pumayag naman agad siya. Ang bait bait niya talaga. Hahaha.

"Sigurado ka ba dito Baek? Panu kung mahuli tayo?" Tanong niya sakin.

Inakbayan ko naman siya at nginitian. Napatingin siya sa kamay kong nakaakbay sa kanya tapos tumingin siya sakin.

"Hindi yan. Basta galingan natin. Oh ayan na siya, Tago tago." Nagtago kami sa likod ng kotse pero nakasilip kami ng konti.

Ano nga bang ginagawa namin ni Anne? Iniistalk namin si Taeyeon. Tsk. Nakakabitter kasi na mas matagal pa yung dating era namin kesa sa relationship namin.

Lumabas sila ng Restaurant kasama niya sina Jessica at Tiffany.

Takot kaya kaming mga EXO-K kay Tiffany.

(P/N: Realtalk yun. Hahaha.)

At kaya ayaw akong pagbigyan ng Exo dahil ayaw nila si Taeyeon para sakin. Mas matanda din kasi si Taeng sakin eh.

"Baek, nakaalis na sila. Susundan pa ba natin?" I was drown by my thoughts kaya di ko napansin na nakalayo na pala yung kotse nila Taeng.

"Tara na Anne." Hinawakan ko si Anne sa kamay at sumakay kami sa kotse ko tsaka sinundan sila Taeng.

Nakarating kami sa SMent. Building.

Lihim parin naming sinusundan sila Taeng.

"Ahh Baek, yung kamay ko."

"Ah sorry Anne." Nagpeace sign ako sa kanya at ngumiti lang siya sakin. Bumitaw na ako sa kamay niya.

"Teka? Nasan na sila Taeyeon?" Tanong ni Anne at napansin kong wala na nga sila Taeyeon sa harap namin.

"Halla Anne. Nawala na sila!" Sabi ko.

"Baekhyun?" I froze upon hearing that familiar voice.

My Taeyeon...

"Baekhyun! Who's with you?" Tinignan ko sila na nasa gilid lang namin ni Anne.

"Annyeong!! Rose Anne here." Kumaway kaway pa si Anne sa TTS. (Taeyeon,Tiffany,Seohyun)

"Hi. Are you Baek's new girlfriend?" Tanong ni Seohyun.

"Ahmm N--" Bago pa magsalita si Anne, inunahan ko na siya.

"Yes." Sagot ko at tinignan ko ang magiging reaction ni Taeng.

Magseselos kaya siya?

"Congratz Baekhyun. I'm so happy for you." Lumapit pa sakin si Taeng at niyakap ako.

Tapos bumulong siya.

"I know you've been following me. Are you still hoping we'll get back? Too bad Baek, But never."

(P/N: Oy Oy Oy! Kung may reader man na EXOSHIDAE jan at idol ang SNSD, Huwag niyo akong pasabugan ah? Kunyari lang mataray si TaeTae. For the sake of the story. Hehehe. Pero love ko NA siya. Fan din ako ng GG eh :)) )

I froze nung sabihin niya yan.

Nakakahiya. Alam niyang sinusundan ko siya.

Tinap niya ako tapos tumingin kay Anne.

"Take care of my Baekhyun, Oh sorry, I mean YOUR Baekhyun. Jal Ga." Paalam niya at umalis na sila.

Mabait naman si Taeng eh. Kasu may pagkamataray talaga.

"Ang taray! Tss. Sigurado ka ba Baek na pinatulan mo yun?" Nginitian ko nalang si Anne at niyayang umalis na.

Wala na talaga kaming pag-asa ni Taeyeon.

Patulan ko nalang kaya si Yeol?

Ay yuck! Tsk. Nakakasuka naman ang biro ko.

(P/N: ChanBaek/BaekYeol Feels! Hahaha)

Anne's POV

"Ang tahimik mo Baek. Ano ba yung binulong sayo ni Taeyeon kanina?" Umiling lang si Baek bilang sagot.

Aish. Ang Baekhyun na bias ko, Maingay. Hindi ganito. Tsk tsk.

"Tara sa Han River." Yaya ko sa kanya.

"Sigurado ka?" Tanong niya tapos tumango ako.

"Anong gagawin natin dun?" Tanong niya.

"Icheecheer up ka! Ayoko na nakasimangot ang bias ko no! Kaya tara na sa Han River!" Napailing iling siya pero nagdrive din naman patungong Han River.

Nang makarating na kami dun. Agad ko siyang hinila palabas ng sasakyan.

"Oh? Ano ng gagawin natin dito?" Tanong niya sakin.

Napangiti ako.

"KUYA! BORROW!!" Sigaw ko sa lalaking may hawak na bola. Pinagulong niya naman sakin yung bola at nung mahawakan ko ito ay ngumiti ako kay Baek.

"Ano? 1 on 1?" Tanong ko sa kanya. Dito kasi sa Han River may BB court. Naglaro pa ang EXO dito noon.

"Marunong ka niyan?" Tanong niya sakin.

"Oo naman." Hyper kong sagot at napangiti naman siya.

"Matalo manlilibre ha?" Sabi ko tapos nagdribble na ng bola. Nagsimula naman siyang magtry na agawin yung bola sakin.

Habang tumatagal na naglalaro kami, Napapansin kong napapangiti siya.

Ayun! Balik na ulit siya sa pagiging Beagle.

At happy ako na nawash out ko yung lungkot niya.

Big accomplishment ko na yun as a Fangirl.

Hindi ko inakalang makakasalamuha ko si Baek, Akala ko hanggang pangarap nalang ako. Buti nalang at napatapon dito sa Korea si Ace at na encounter niya ang Exo. I'm ver thankful. Blessing si Ace samin. Hahaha.

Eh ano ngayon kung si Taeyeon ang gusto ni Baek?

Atleas napapangiti ko siya diba?

Okay na yun ^_________^V

Malay nalang natin magsawa siya kakatingin kay TaeTae at ako naman ang tignan niya, Hindi lang bilang isang fangirl kundi higit pa dun :)

------------------------------------

Author: Hi Byun-Byun (Ate Rose Anne) Hahahaha. *kaway kaway*

@Multimedia- Rose Anne ^^
(And yes, It's Kim Taeyeon :P, That suits her well. I guess? Haha)

~PSH

Love Collision(EXO Fanfic)Where stories live. Discover now