Collision 30: (Fell<|3)

336 11 0
                                    

Kai's POV

"Sige na kasi Janene!"

"Magtigil ka!" Sigaw niya naman sakin.

Minsan hindi ko maitindihan si Janene. One moment mabait na siya sakin. Tapos bigla bigla ulit magiging masungit.

Hindi ko talaga mabasa ang mga babae.

"Hoy Janene. Manliligaw ako ah?" Bigla naman niyang naibuga yung iniinom niyang bubbletea. Buti nalang di niya ako nabugahan.

"Pinaglololoko mo ba ako Kai? Anong ligaw ligaw?" Tanong niya. Napakamot ako ng ulo. Sa dinami dami ng babaeng nakilala ko si Janene lang ang kaisa isang babaeng halos isuka na ako.

"Seryoso kasi ako. Basta liligawan kita!" Sabi ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita. Uminom nalang siya ng bubbletea niya. Nandito kami ngayon sa bubbletea house dahil kaming dalawa ang inutusan ni Suho hyung. Dapat kasi si Sehun kasu ayaw lumabas ng kwarto. Malamang nahihiya kay Noona.

"Dalian mo na jan. Balik na tayo sa dorm." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at tumayo na. Lumabas na kami ng bubbletea house. Hindi ko alam kung kelan kami naging close ni Janene. Basta close na kami. Hahaha.

Nung una karaniwang babae lang ang tingin ko kay Janene. Kasu sa araw araw na pagsusungit niya sakin, Doon ko narealize na hindi siya basta basta. Nathrill ako sa kanya. Nung una gusto ko lang siyang isali sa mga babae ko pero sa araw araw na pagsusungit niya. Nagustuhan ko siya. For the first time, nagseryoso ako sa isang babae. For the first time in my life, I learn to treasure a girl.

"Janene." Tawag ko ulit kay Janene.

"Tantanan mo ako." Ayan nanaman siya sa pagsusungit niya sakin.

"Liligawan talaga kita."

"Kai naman. Okay na tayo. Huwag mong hayaang mainis ulit ako sayo. Wala akong balak maging isa sa mga babae mo okay? Kaya huwag ako. Hindi tayo talo Kai." She said then started walking. Hinabol ko naman siya tapos hinigit ko siya paharap sakin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita balak gawing babae ko?" Napakunot siya ng noo.

"Eh bakit mo ako liligawan? Duh Kai! Ano to? Tanga tangahan?" Tanong niya ng nakakunot ang noo. Napakamot ako sa batok ko.

"Janene. Yung babae ko, nilalandi ko lang. Ikaw, liligawan kita. Alam mo ba ang pagkakaiba nun?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit ano pa yan, Hindi mo ako magiging babae. Kaya gumising ka na Kai." Sabi niya bago ako batukan. Aish naman tong si Janene. Naglakad ulit siya palayo pero hinigit ko lang ulit siya.

"Janene naman!" I said.

"Liligawan mo ako? Pero malandi ka sa iba. Kaya tantanan mo nalang ako pag ganun!" Taena naman. Ang hirap naman mag explain kay Janene. Bakit ko ba to nagustuhan?

"Janene. Simula nung pumasok ka sa buhay ko, Ikaw nalang ang babaeng nilandi ko. Janene naman! Seryoso ako sayo!" Sabi ko. Napatitig siya sakin.

"Hoy Janene! Wala kang reaction?" Tanong ko.

"Bwisit ka. Bakit ako kinilig sayo? Letse! Babaero ka talaga!" Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Tong si Babe ko talaga. Wahahahaha.

"Tsk. Liligawan kita ha?" Pag-uulit ko. Kasu tinalikuran niya lang ako at naglakad palayo. Hinabol ko siya.

"Janene liligawan kita." Sabi ko ulit hanggang sa makasakay na kami ng kotse.

"Liligawan kita. Gusto talaga kita Janene." Dedma ako. Nakatingin lang siya sa bintana.

"Hoy Janene! Tignan mo ako! Mas gwapo ako sa bintana no! Janene naman!" Pero still hindi parin siya tumitingin.

Love Collision(EXO Fanfic)Where stories live. Discover now