Collision 64: (Maeve's secret)

214 12 0
                                    

Ace's POV

Agad akong kumatok sa pintuan ng unit ni Maeve. I need to know the truth.

"Ace?" Agad na bungad niya matapos niya akong pagbuksan ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya.

"Gusto lang kitang makausap." Sabi ko.

"Tuloy ka." Sabi niya at pinapasok ako. Umupo ako sa sofa niya. Tumabi naman siya sakin.

"So anong gusto mong pag-usapan?"

"Yung picture na pinadala kay Sehun, ikaw ba may gawa?" Diretso kong sabi. Nagtaka naman siya.

"What picture?" She asked.

"Yung picture na magkasama kami ni Kier sa Japan. May nagpadala daw kay Sese kaya iniisip niya na niloko ko daw siya." Maeve stiffened. Anong ibig sabibin ng gesture niya? Posible kayang siya?

"I... I don't know about it." Nauutal niyang sabi. I smirked.

"Bakit ka natetense, Vii? May kinalaman ka nga ba talaga? Ginagawa mo ba to para sirain kami lalo ni Sehun?"

Hindi siya umimik. Tumungo lang siya.

"Ano Vii?"

"Wala."

"Wala? Eh sinong nagpadala nun? Maliban sakin, kay Tao at kay Kier wala ng nakakaalam na magkasama kami ni Kier bukod sayo. Syempre except yung mga friends ko kasi kelan lang nila nalaman. Sino naman kayang magpapadala ng picture?" Gusto ko ng sumabog sa sobrang inis pero pinigilan ko.

"Ace, h-hindi ako. Maniwala ka."

"Then sino Maeve? Sino?" I asked furiously.

Tinignan niya ako. Parang may gusto siyang sabibin pero di niya masabi sabi. Nangingilid ang mga luha niya.

"Ace believe me. Wala talaga." She begged.

"Eh sino Maeve? Ano bang kailangan niya? Natapos na ang lahat samin ni Sehun pero bakit kailangan pa niyang manira?" Pati luha ko nangingilid na.

"Ace, Hindi ako ang nagpadala nung pictures. Ace I won't do that. Anong mapapala ko kung sisiraan kita kay Sehun? I don't have grudge in you."

"Wala nga ba Maeve?"

"Ace *sigh* I treat you as a friend. I won't do something against you." Hinawakan niya kamay ko. "I love Sehun, hindi ako gagawa ng ikasasakit ng loob niya. Hindi ako yun Ace. Maniwala ka." Mukha naman siyang sincere. Napabuntong hininga din ako.

"Fine. Salamat at sorry napagbintangan kita." Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya.

Pero bakit ganun? Bakit parang ayaw ko siyang pagkatiwalaan?

Napaparanoid na ata ako.

Sehun's POV

Para akong Zombie na namamasyal mag-isa dito sa Namsan. Bakit ko nga ba naisipang lumabas ngayon?

Ahh. Naiinis kasi ako sa tingin nila hyung sakin. Mga awang awa. Nakakainis kasi totoong kaawa awa akong tao.

Dinala ako ng paa ko sa part kung saan nilagay namin ni Ace yung padlocks namin.

I read it. Naiyak ako bigla.

Wala talang forever. Iniwan niya ako eh.

"Tangna. Di ka ba nauubusan ng supply?" Sabi ko habang pinupunasan yung mga luha ko. Halos araw araw na nga akong umiiyak. Akala ko ubos na luha ko. Pero meron pa pala.

"Psh. Forget her Sehun." I said to my self at naglakad nalang paalis kasu nagulat ako nung makita ko si Ace na naglalakad papunta sa direksyon ko. Anong ginagawa niya dito sa Namsan?

Magkakasalubong na kami. Konti nalang.

Pinigilan ko ang sarili ko na yakapin siya. If she can play with my feelings. Then I can play too.

Hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya tinignan. Nilampasan ko lang siya as if di ko siya kilala.

Ganun rin naman siya. Ni hindi niya ako sinulyapan.

Kunyari wala rin siyang nakita.

Gusto kong lumingon pero nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Ayoko na siyang lingunin. Ayoko na siyang tignan.

Ayoko na siyang mahalin.

Ace's POV

Galing kila Vii, naisipan kong mamasyal sa Namsan. Namiss ko kasi doon.

Nung nasa may tower na ako, naisipan kong puntahan yung padlocks namin ni Sehun. Habang papunta ako doon ay natanaw ko ang isang lalaking nakatalikod.

Alam na alam ko kung sino siya. Likod palang niya bumibilis na ang tibok ng puso ko.

Gusto kong umatras. Pero bigla siyang humarap sakin. Kung aatras ako iisipin niyang apektado niya ako. Kaya minabuti ko nalang na maglakad.

Konti nalang magkakasalubong na kami.

Nung magkatapat na kami ay hindi ko siya sinulyapan. Hindi rin naman siya sumulyap sakin.

Nilagpasan lang namin ang isa't isa. Walang tinginan. Walang pansinan.

Nung makalagpas na ako ay lumingon ako sa kanya. Inaasahan kong lilingon din siya pero hindi.

Hindi siya lumingon. Siguro desidido na siyang kalimutan nalang ako.

Biglang kumirot ang dibdib ko nung maisip ko yun.

It's really over huh?

Maeve's POV

Nakatingin lang ako sa kawalan. Iniisip ko yung mga napag-usapan namin ni Ace kanina. Bigla akong nakaramdam ng guilt.

*ring*

Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tumatawag.

"Oh?" Bungan ko.

(Kumusta? Nafafall na ba ulit sayo si Sehun?)

"Hindi."

(Ano ba yan! Pagkakataon mo na nga oh! Do your best para mabawi si Sehun!)

Napahinga ako ng malalim.

"Hindi ko na kaya. Ayoko ng ituloy to. I'm fooling Sehun, I'm hurting Ace."

(Ngayon ka pa susuko? Tignan mo oh! Gumagana ang plano. Hiwalay na ang dalawa. Diba ito naman ang gusto mo? Diba bumalik ka dito para kay Sehun? Bakit ka sumusuko na?)

"Kasi naguiguilty na ako! Niloloko natin silang lahat! Di ko na kaya! I'm done with this, Rence! Ayoko na!"

(Damn it Vii! Masyado kang nagpapadala sa awa! Kung ayaw mo na, bahala ka! Basta ako itutuloy ko to!) I tightened my grip on my phone.

"I'm telling this to Ace!" Sigaw ko.

(Subukan mo lang Vii. Subukan mo lang. Hindi mo alam ang kaya kong gawin. Don't try me.) Napa clench fist ako. He's insane.

"Rence! Tama na to! Maawa ka kila Ace!"

(Mahal mo si Sehun diba? Bakit di mo nalang itake advantage to?)

"Mahal ko si Sehun. Pero hindi ibig sabihin nun na gagawa ako ng mga kabaliwan for the name of Love!" I hissed.

(Kabaliwan? Hindi kabaliwan to!)

"Sa ngayon siguro di pa kita kaya. Pero I promise you, Pag di ka pa tumigil. Hell is coming under the name of Maeve Crafson." I said before I ended the call.

Gagawin ko lahat para matulungan sila Ace. Babawi ako kasi isa ako sa nagplano ng paghihiwalay nila.

I'm sorry Sehunnie and Ace.

Sana mapatawad niyo ako pag nalaman niyong may kinalaman ako.

--------------------------------

Love Collision(EXO Fanfic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora