Chapter 1: Ashton Gonzales

616 16 0
                                    

Bumalik na ako sa klase at may ipapakilala daw na bago naming magiging kaklase. Sabi daw galing daw itong abroad at anak ng may-ari ng school na ito.

Syempre yung iba kong mga kaklase excited lalo na yung mga babae hays. Kinuha ko na lang ang notebook ko, kung saan sinagutan ko na yung assignment namin. Hindi naman ako masipag mag-aral pero talagang wala lang ako magawa ngayon.

Nagulat na lang ako nung biglang nagtilian yung mga kaklase kong babae at tiningnan ko kung sino yung dahilan ng pagtili nila at nakita ko ang isang lalaki na parang prinsipe. Hindi ko maitatanggi na gwapo nga siya, siguro siya yung sinasabi na may ari nitong OrMin High Academy.

"Hi classmates my name is Lino Aceveda. So I hope makasundo ko kayong lahat." tapos bigla siyang ngumiti, may pagka-chinito siya plus may dimples pa siya.

Keesh kalma lang. Pero shems ang gwapo talaga niya!

"May I seat here miss?" natulala ako nung makita siya na nasa unahan ko at bigla akong tinanong. Wala akong katabi kaya malamang talaga ito lang ang mauupuan niya.

Napatango ako. Napatingin ako sa mga kaklase kong babae na masama na ang tingin sa akin. Aba! Kasalanan ko bang dito umupo yung crush nila?? Hays.

Dumating na ang next prof namin. Sa kalagitnaan ng pagle-lesson ay bigla akong kinausap ni Lino.

"Miss ano palang pangalan mo?" tanong niya. Tiningnan ko siya at nakakailang lang kasi nakikipag-eye to eye siya. Kaya iniiwas ko ang tingin ko sakaniya. Ang ganda kasi ng mga mata niya baka ako ma-fall.

"Bakit mo kailangang malaman?" humalakhak siya ng mahina.

"Mali bang alamin ko ang pangalan ng seatmate ko?" tanong niya. Medyo kinilig ako sa parte na yun. Teka nga lang, wag tayong marupok. Wag ganun, Keesh.

"Hahaha! I'm Keesh...Keesh Genova." sabi ko sakaniya. Nakipagkamay pa siya sa akin. Hindi ako masyadong komportable kasi nga syempre anak siya ng may-ari ng school na pinapasukan ko.

Pagkatapos nun naging tahimik na ang atmosphere.

Napansin kong parang may nangangamoy. Shems! Meron pala ako ngayon! Paniguradong may tagos na ako.

"Prof! I just need to go to the CR." sabi ko. Ayaw ko namang maamoy ng lahat ano, lalong-lalo na itong si Lino.

Sa paglabas ko narinig ko silang nagtawanan, siguro nakita nila yung tagos ko. Arghhhh!

Tumakbo na ako sa pinakamalapit na CR.

"Kapag minamalas ka nga naman." naiiyak na ako. Bakit walang laman yung napkin dispenser dito?! Bakit ngayon pa naubusan?

Sumilip ako sa pinto at nakita ko si Lino na dumaan. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin niya pero gusto kong makalabas dito sa CR. Agad ko siya tinawag at lumapit siya sa akin.

"Lino, sorry ah pero kakapalan ko na ang mukha ko. Pwede mo ba akong bilihan ng napkin diyan lang sa canteen?" kumunot ang noo niya. Please sana pumayag ka...

"What? Ako bibili ng napkin? No way." umalis na siya at napaluha na lang akong sinara yung pinto. Paano na ito?

Biglang may kumatok sa pinto at nakita ko si Lino.

"Stop crying. Bibilhan na kita, just wait there." sabi niya. Totoo ba yun? Napapayag ko siya? Omo!

Ilang oras lang bumalik na si Lino at iniabot sakin yung binili niyang napkin. Kinuha ko iyon at inilagay na. Lumabas ako at nakita ko siyang nakaabang sa akin.

Tapos bigla niyang iniabot sa akin yung jacket niya. Nagulat ako sa inasta niya. Ang bait niya, alam kong nakakahiya na bumili ang lalaki ng napkin in public pero ginawa pa rin niya tapos ngayon binigay niya sakin yung jacket niya para matakluban yung tagos ko.

Ghost Of You (Completed)Where stories live. Discover now