Chapter 29: Family

292 7 0
                                    

Pumunta na kami agad sa parking lot after ng graduation, sa bahay na lang kami magce-celebrate. Siguro dadaan muna ako sa grocery para bumili ng mailuluto mamaya.

I wish andito sina Mommy, panigurado may bonggang celebration sana. Pero wala eh, si Ashton lang ang makakasama ko ngayon na mag-celebrate ng another milestone sa buhay ko.

"Uy Keesh! Kanina ka pa namin hinahanap!" gulat ako nung biglang dumating si Ishi at Sage. Andito sila? Aww ang sweet naman talaga ng dalawang ito.

Agad ko sila niyakap. "Thank you for coming!"

Kahit hindi na nila naabutan yung speech ko kung saan binanggit ko ang pangalan nilang dalawa ay ayos lang dahil mukhang madagdagan ang mga tao mamaya sa bahay para sa celebration namin, apat na kami!

"Paano ba yan? Samahan niyo ako mag-grocery, magluluto ako para makapag-celebrate naman ako." tuwang-tuwa ang dalawa. Next week ay graduation na din nila, masaya ako para sakanilang dalawa. Alam kong kayang-kaya nila ito basta magkasama silang dalawa, I can't wait din na makita na ang una kong inaanak.

"May dala pala kaming cake, tamang-tama may celebration pala talaga mamaya." sabi ni Sage.

"Ay naku nag-abala pa kayo!" nahihiya kong sabi.

Natigil ang pag-uusap namin nung may tumawag sa akin.

"Keesh hija?" napalingon ako sa likod at nakita ko si Tita Miranda na kasama si Drea.

Nginitian ko sila at linapitan dahil mukhang may gusto silang sabihin sa akin pero nahihiya sila. Siguro akala nila na galit pa din ako sa kanila, pero hindi na. Past is past, nagkamali sila at nagkamali din ako kaya dapat magpatawadan na.

"Hi po Tita." nagbeso ako sakanya at gulat na gulat siya sa ginawa ko.

"Hindi ka na galit sa amin?" tanong niya. Umiling ako. Niyakap niya ako bigla. Nakita ko din na nginitian ako ni Drea.

"Hija sorry ah, alam ko na minaltrato ka namin sa sarili mong bahay. Hindi ko sinasadya, nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Sa pang-aalila ko sa'yo, sa pagsanla ko ng bahay niyo, sa pagkakait sa'yo sa kumpanya at sa pagtago ng totoo mong pagkakakilanlan. Patawarin mo si Tita." nginitian ko si Tita. Atleast personal pa rin siyang humingi ng tawad sa akin. Sobrang saya ko kasi nagkaayos na din kami.

After all, sila na lang ang maituturing kong pamilya.

"Huwag niyo na pong isipin yun. Okay na po sa akin ang lahat. At saka alam ko pong matutuwa si Daddy na makita niya po kayo na kapatid niya at ako na magkasama at nagkaayos na." alam kong hindi natuwa si Dad nung nag-away kami ni Tita. Simula dati nung nabubuhay pa si Dad palagi niya itong tinutulungan kaya alam kong mahal ni Dad si Tita at mahalaga ito sakanya.

Lumapit sa akin Drea at niyakap ako.

"Sorry na couz sa pagtataray ko sa'yo. Congrats nga pala sa'yo! Promise hindi na ako magtataray at magiging bitchesa sa'yo. Couz ano? Pwede pa ba tayong maging magkaibigan?" tumango ako at ngumiti. Simula nung makilala ko siya hindi lang pinsan ang turing ko sakanya kundi para ng isang kapatid dahil nakatira lang kami sa iisang bahay.

Kaya nasasaktan ako kapag nag-aaway kaming dalawa.

"Omygod nakakaiyak naman ito!" sabi ni Drea at umacting pa na pinupunasan yung luha niya kaya natawa kami sa ginawa niya.

"Oh paano ba yan may plano ba kayo for celebration?" tanong ni Tita Miranda sa akin.

"Uhm balak ko po sanang magluto at ayan po sila po yung mga bisita ko lang." sabay turo kay Ishi at Sage, pati na rin kay Ashton na hindi nila nakikita.

"Ay huwag ka ng magluto. Let's go may pupuntahan tayo. Nakapagluto na ako at sobrang dami nun kaya sama-sama na tayo." sabi ni Tita Miranda. Napangiti ako sa sinabi niya, kanina tatlo lang kasama ko na mag-celebrate ngayon sobrang dami na namin.

Alam ko Mommy and Daddy kayo ang gumagawa nito, na kahit wala kayo dito pinaparamdam niyo pa din at gumagawa kayo ng paraan na maiparamdam sa akin na andyan ang mga taong nagmamahal sa akin na sasamahan ako sa agos ng buhay ko.

Sumabay ako at si Ashton sa kotse ni Tita at si Sage ang nag-drive sa kotse ko na nakabuntot sa likod namin ngayon.

Tumigil si Tita sa kumpanya namin. "Tita anong ginagawa natin dito?" ngumisi si Tita at bumaba na pati rin si Drea ay bumaba na rin. Nagkatinginan kami ni Ashton.

"Keesh halika na, pasok na tayo sa loob." nagtataka pa din ako. Akala ko naman sa town house nila ako dadalhin pero bakit dito sa kumpanya.

Lumingon pa ako sa likod para tingnan si Sage at Ishi kung andyan na at nakasunod naman na sila sa amin.

Pagpasok namin nagulat ako nung may sumabog na confetti. Napatakip ako ng bunganga nung makita ko ang malaking poster na may pangalan naming dalawa ni Drea.

'Congratulations Pres. Keesh Genova (Summa Cum Laude) and Ms. Drea Acuzar (Cum Laude)! From: Genova's Construction and Development Company Staffs'

Naluha ako nung mabasa yun. Andito lahat ng staff at sama-sama nila akong binati.

"Sinabi nila sa akin na gusto ka daw nila i-surprise kaya sabi ko sige sila na bahala sa party at ako na bahala sa foods kaya nagluto ako ng napakarami para sainyo." agad ko niyakap si Tita Miranda. Sabi na eh, may itinatagong kabaitan si Tita. Alam kong nasilaw lang siya sa kayamanan pero kung mabait si Dad alam kong mabait din siya dahil magkapatid sila.

Pumunta ako sa unahan para magpasalamat sa kanila.

"Maraming Salamat sainyong lahat. Sa mga board of directors na andito at sa lahat ng staffs na nag-abala na i-surprise ako. Hindi niyo alam kung gaano niyo ako pinasaya ngayong araw, hindi ko in-expect na may pa-ganito kayo. Pinapangako ko na susubukan kong maging mabuting President sa kumpanya para sainyong lahat. Gusto ko din magpasalamat kay Drea at kay Tita Miranda, maraming salamat po sa lahat ng ginawa niyo para sa akin. Tatanawin ko pong utang na loob ang lahat ng yun. So kainan naaaa!" naghiyawan sila at nagsipalakpakan. Kumain na silang lahat at pumunta ako sa may gilid kung nasaan si Ashton.

Pinagmasdan naming dalawa ang mga taong andito at napangiti na lang ako nung makita silang lahat na nakangiti.

"Hindi ko akalain na ngayong araw ay magkakabati kami ni Tita Miranda at ni Drea. Hindi ko din akalain na ganito ang binibigay sa akin na pagmamahal ng mga staffs dito sa kumpanya." life is full of surprises talaga. Ngayon alam kong hindi ako nag-iisa kasi punong-puno ako ng pagmamahal ngayon.

"Love diba sabi ko naman sa'yo hindi ka mahirap mahalin. Alam kong yun rin ang nakita nila sa'yo kasi napakabuti mong tao." sabi sa akin ni Ashton sabay hawak sa kamay ko.

Dati-rati pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Wala akong kakampi, wala akong nakakausap at wala ng kulay ang buhay ko.

Pero isa-isang dumating ang mga taong nagbigay kulay sa buhay ko. Para silang mga blessings na binigay ni Lord sa akin para ipa-realize sa akin na hindi pa huli ang lahat.

Hangga't nabubuhay ka may pag-asa pa.

Hangga't nabubuhay ka may mga tao kang makakasalamuha na mamahalin at papahalagahan ka.

Kaya kung noon gusto ko na tapusin ang buhay ko pero sa nakikita ko ngayon, ayaw ko pang mawala sa mundong ito na puno ng pagmamahal na pinapaligiran ako.

Kinuha ko sa bulsa ko yung notepad at chineckan ang nagawa na namin ngayong araw.

Top 10 Things WE need to Do:

1. Bisitahin ulit ang Isla Verde.
2. Makapunta si Ashton sa Graduation ko.
3. Pumunta sa amusement park.
4. Sumakay sa ferris wheel!
5. Mag-road trip!
6. Mag-picnic.
7. Mag-camping.
8. Mag-star gazing!
9. Magpakasal kami ni Ashton haha!
10. Kausapin parents ni Ashton.

At bonus pa itong nangyayari ngayon na kasama ko mag-celebrate ang ibang kaibigan ko at ang natitira kong pamilya.

∞∞∞

Ghost Of You (Completed)Where stories live. Discover now