Chapter 20: Affliction

288 9 0
                                    

"Ano ba kasi yun? Kinakabahan naman ako sa'yo." umupo siya ng maayos at huminga ng malalim maging siya ay kinakabahan din.

"It was May 2016 nung umuwi ako dito sa Pilipinas for vacation. Then, I saw my girlfriend with another guy." ikinuwento niya sa akin kung paano niya nakilala ang girlfriend niya at kung paano sila naghiwalay.

"Grace? Anong ibig sabihin nito?"

"Lino let me explain."

"Explain? Ano pang i-explain mo huling-huli na kita? I trusted you! Sobrang excited akong umuwi ulit dito dahil sa'yo tapos ito lang madadatnan ko?"

"Sorry Lino please!"

"Wala na tayo. Hindi ko na din matatanggap yang sorry mo."

"Hindi ko lang matanggap na binigay ko naman ang lahat sakanya tapos gaganunin lang niya ako?" masakit talaga yung ginawa sa kanya nung babae na yun. Hindi ko man lang naisip na gagawin ko yun nung nalaman kong pupunta sa abroad si Ashton para mag-aral.

"Pumunta ako sa bar, nagpakalango ako sa alak hanggang sa malasing na ako. Tanging alak lang ang naging takbuhan ko noon, umaasa ako na sa pamamagitan nun makakalimutan ko yung ginawa sa akin ni Grace pero hindi pa din nawala." para sa akin mahirap talaga makalimutan ang pag-ibig sa isang tao lalo na't masyado ka sakanyang na-attach yun bang binigay mo na lahat ang meron ka, yung oras mo, yung atensyon mo, lahat binigay mo na para mapasaya mo lang yung mahal mo.

"I decided to go to Puerto to have fun. Naisip ko nun napakadaming babae ang makikita at makakasalamuha ko dun baka lang makalimutan ko na si Grace." nagulat ako nung naluha siya. Mukhang antagal na niyang kinimkim ito sa sarili niya at ngayon lang niya nalalabas.

"Okay lang yan, Lino." pagpapagaan ko ng loob niya.

"Hindi ko deserve ang kabaitan mo Keesh." sabi niya.

"Hindi ko akalain na mabilis ang takbo ko nun, wala na akong maalala. Ang alam ko lang broken ako nun, wala na akong pakialam kung mamatay na ako. Hindi ko in-expect na may madadamay akong kotse." nagulat ako sa sinabi niya. May kutob na ako at kinakabahan ako lalo sa susunod niyang sasabihin.

"Tinakasan ko sila yun ang mali ko, sabi ni Mommy siya na daw ang bahala sa lahat at mabuti pa daw na pumunta na ulit ako sa ibang bansa. Pero kinokonsensya ako, naisip ko ilang taon akong malaya dito sa ibang bansa pero may nagdudusa sa Pilipinas dahil sa akin kaya bumalik ako para harapin yung mga kasalanan ko." pulang-pula na ang mga mata niya at nanginginig ang kanyang labi.

"A-Anong ibig mong sabihin? B-Bakit mo s-sinasabi ang lahat ng ito sa akin?" tanong ko. Sa wakas nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob para magtanong sa kanya.

"Keesh sana mapatawad mo ako. Ako yung dahilan kung bakit namatay mga magulang mo pati na rin boyfriend mo. Ako ang dahilan kung bakit nawalan ka ng malay. Ako ang dahilan kung bakit kayo naaksidente sor--"

Ginawaran ko siya ng isang malakas na sampal.

"Sorry Keesh. Sorry..." napailing ako at pinunasan ko ang luha na kanina pa pala umaagos sa pisngi ko. Hindi dapat ako umiyak.

"Sorry? Ng dahil sayo nawalan ako ng mga mahal sa buhay! Alam mo ba na ipinagkait mo lang naman sa akin yung kasiyahan ko! Sobra ka! Kanina naawa ako sa'yo pero ngayon galit na ang nararamdaman ko! Bakit mo kailangang tumakas? Dapat hinarap mo na lang!" hindi ko akalain na magagawa yun ni Lino, sinira niya ang buhay ko!

"Please umalis ka na. Ayaw ko munang makita ka." natigil si Lino at tiningnan ako. Hindi ko magawang tingnan siya lalo na't baka maawa pa ako sakanya. Makalimutan ko pa na siya ang dahilan kung bakit nagkanda-letse ang buhay ko.

"Umalis ka na!" nagulat siya sa pagsigaw ko. Bumuhos na din ang luha ko at humawak ako sa may upuan kasi parang matutumba ako.

"Keesh sorry. Alam kong hindi mo matatanggap ang sorry ko kahit ilang ulit ko pang sabihin yun. Sana balang-araw mapatawad mo din ako." umalis na siya sa harapan ko. Kinuha ko ang telepono at tatawag ko sana si Attorney para sabihin na nahanap na ang kriminal na dahilan kung bakit nawala sa akin sina Mommy, Daddy at Ashton.

Pero naalala ko bigla lahat ng pinagsamahan namin ni Lino.

"Lino, sorry ah pero kakapalan ko na ang mukha ko. Pwede mo ba akong bilihan ng napkin diyan lang sa canteen?" kumunot ang noo niya. Please sana pumayag ka...

"What? Ako bibili ng napkin? No way." umalis na siya at napaluha na lang akong sinara yung pinto. Paano na ito?

Biglang may kumatok sa pinto at nakita ko si Lino.

"Stop crying. Bibilhan na kita, just wait there." sabi niya. Totoo ba yun? Napapayag ko siya? Omo!

Ilang oras lang bumalik na si Lino at iniabot sakin yung binili niyang napkin. Kinuha ko iyon at inilagay na. Lumabas ako at nakita ko siyang nakaabang sa akin.

Tapos bigla niyang iniabot sa akin yung jacket niya. Nagulat ako sa inasta niya. Ang bait niya, alam kong nakakahiya na bumili ang lalaki ng napkin in public pero ginawa pa rin niya tapos ngayon binigay niya sakin yung jacket niya para matakluban yung tagos ko.

"T-Thank you." nahihiya kong sabi. Nginitian niya ako.

"Anong thank you? May kapalit yun?" kapalit? Nakita ko siyang ngumisi. Hala? Anong kapalit? Kinakabahan naman ako.

"A-Anong kapalit?" tanong ko. Bigla niya akong inakbayan at kumabog ng mabilis ang puso ko. Shems. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Be my friend. Wala pa akong kaibigan dito and magaan ang loob ko sa'yo so ikaw ang gusto kong maging kaibigan." medyo nawala na yung kaba ko. Pero tama ba ang narinig ko, gusto akong maging kaibigan ng may-ari ng school?

"Okay? Yun lang pala eh." agad niyang hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko at hinila niya ako papunta sa canteen.

Simula nun naging close na kami. Andyan siya palagi kapag kailangan ko siya. Naging mabuting kaibigan siya sa akin.

Binaba ko ang telepono, bakit hindi ko magawa siyang ipakulong? Ahhh bakit ba kasi siya? Bakit?!  Hindi ko kayang ipakulong siya kasi after all naging mabuti siya sa akin, hindi naman niya sinasadya ang lahat ng yun. Sobrang nasaktan lang siya ng mga araw na yun.

Pero hindi ibig sabihin nun na mapapatawad ko na siya, matagal pa siguro bago ko matanggap ang ginawa niya sa pamilya ko.

Nagulat ako nung biglang lumitaw sa harapan ko si Ashton.

"Oh ano naniniwala ka na sa akin na masama siya? Bakit hindi mo pa ipakulong para mahanap na namin yung hustisya." hindi naman madali yung pinapagawa mo. Kung alam mo lang, ang hirap para sa akin nito.

"Love sana maintindihan mo ako. Hindi ko kaya." napailing-iling lang si Ashton at naglaho na ulit.

Alam kong mali ang desisyon kong ito, dapat talaga pagbayaran ni Lino lahat ng ginawa niyang pinsala sa buhay ko. Tatlong buhay ang kinuha niya sa akin.

Pinuntahan ko ang kwarto ng mga magulang ko at tinitigan ang napakalaking picture nilang dalawa. Umupo ako sa harap nito.

"Mommy, Daddy, sorry po ah. Alam ko pong gusto niyo makamit din ang hustisya sa pagkamatay niyo pero para po kasing hindi ko kayang ipakulong si Lino, andyan siya tuwing kailangan ko siya, nakikinig siya sa lahat ng problema ko at isa pa kaibigan ko po siya." hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila pero bakit hindi ko magawa? Naiinis ako sa sarili ko.

∞∞∞

Ghost Of You (Completed)Where stories live. Discover now