Chapter 4: Thank You

433 12 0
                                    

We're here sa sea side at palakad-lakad lang kami dito, habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

"Gusto mo bang kumain muna?" napatango ako at may tao pala sa unahan ko kaya nagtaka siya kung bakit ako tumango hahaha! Umalis na lang ako at bumili ng isaw.

Tapos umupo kami dun sa walang tao para makapag-usap kaming dalawa. Kasi naman baka sabihan ako ng baliw diba? Hindi lahat ng tao naniniwala sa multo kaya kapag may nakakita sa akin baka isipin nilang kinakausap ko ang sarili ko diba?

"Gusto mo ba?" alok ko sakaniya at natawa na lang siya sa sinabi ko at maging ako ay natawa na lang sa tanong ko. Multo na pala siya, paano pa siya makakain? Hahaha!

"Wow ang ganda pala ng tubig dito!" wala kasing basura sa dagat na ito unlike sa ibang parte ng lugar namin, ang mga dagat ay madudumi na.

"Maganda nga...pero mas maganda ka, Love." muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Ayan na naman siya sa mga banat niya at sa pagtawag sa akin ng Love hays.

Hinampas ko siya dahil sa kalokohan niya.

"Love? Ayan siguro ang tawag mo sa girlfriend mo ano?" pagi-intriga ko sakanya at napatango siya sabay ngiti. Sabi na e!

"Alam mo ba dito niya gustong pumunta palagi. Kaya madalas dito kami nagde-date." well, kahit ako mas gugustuhin ko dito kaysa sa mga mall pumunta kasi atleast dito mare-relax ka.

Ang sarap kayang pakinggan ang alon ng dagat pati na rin yung amoy ng dagat. Nakatanaw kaming dalawa ngayon sa isang isla na maliit dun sa may amin.

"Curious lang ako, ano kaya ang meron doon?" tanong ko sakanya.

"Maganda diyan sobra. Napakaputi ng buhangin! Gusto mo bang pumunta?" pwede? Agad niya hinawakan ang kamay ko at dinala niya ako sa rentahan ng mga bangka.

Wow! Ngayon ko lang nalaman na may paganito pala dito.

"Miss pupunta ka sa Isla Verde?" tanong nito. Tumango ako kaagad.

"Bale po 500 po kasi po isa lang po kayo isa eh." anong isa ka diyan? Dalawa kaya kami, hindi mo nga lang nakikita si Ashton hahaha! Pero buti talaga may naitabi akong pera dito, ewan ko ba pero gustong-gusto kong pumunta talaga dun.

Wala akong pake kung bawasan ko yung allowance ko basta parang may pumipilit saking pumunta dun. Baka siguro umaasa ako na may kinalaman yun sa sarili ko na matagal ko ng hinahanap.

Sumakay na kami ni Ashton sa bangka at hindi naman ganun kalayo yung Isla Verde kaya agad rin naman kaming nakarating.

"Ma'am dito po kayo pumunta kapag uuwi na kayo ah, dito lang po ako." sabi ni Kuya. Sulit naman pala ang bayad ko kasi isipin mo yun, maghihintay siya ng matagal.

Lumayo kami ni Ashton para makapag-usap kami ng malaya.

"Are you happy?" tanong niya habang naglalakad kaming dalawa.

"Super!" sabi ko sakanya. Sobrang saya ko kasi kahit isang araw lang mararanasan ko naman ang maging masaya.

"Halika upo tayo." sabi niya. Para daw makita namin yung paglubog ng araw. Ang romantic masyado naman nung view dito.

"Ang ganda ng view!" sabi ko. Napansin kong nakatitig siya sa akin kaya nilingon ko siya at sobrang lapit pala namin sa isa't isa.

"Knock knock." anong pakana na naman kaya yan Ashton hays.

"Who's there??" tanong ko sabay pigil ng tawa ko.

"Seryoso kasi ako hays." ay oh nagtampo pa ang isang ito.

Ghost Of You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon