the month of the breakup

249 23 137
                                    

IMPORTANT NOTE:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

IMPORTANT NOTE:

NONLINEAR po ang story so hindi po magaganap ang story ng sunod-sunod. Magsisimula po siya somewhere sa timeline tapos babalik sa past, tapos babalik sa mas recent na past, tapos babalik sa recent, babalik sa future, etc. Take note of the titles to know po kung asaan tayo currently. Iyon lamang, tenchu.

--------------------------

(P.S. Play the music po while reading and if you want to loop, i-right click lang po natin ang video at may loop na pong option, altho baka 'di niyo na po kailanganin at less than 1k naman po siya. Also, English translation of the lyrics is attached on this update for reference since wala po akong mahanap na English version sa YT. OH EM GEE hahahaha xD mali po yung title ng part na ito, updated na po huhu)

--------------------------

I am leaving everything behind

To come a little further

I am leaving everything I have

For a minute of warmth

Kent, Halka

--------------------------  

Valentines ng araw na iyon. Alam ni Alaric dahil tadtad ng puso ang pinuntahan niyang cafe. Puro puso, baby Cupids, pulang mga bulaklak, at syempre mga magkasintahang sa sobrang tamis, nakakasuka.

"Parang wala ka talagang girlfriend, ah," nambubuskang sabi ni Diode nang umupo na siya sa harap nito. "Ako pa talaga ang inimbitahan mo para maka-date. Ew, dude." Pasimple pa itong nagpagpag ng balikat at natatawang sinuntok niya ito sa braso.

"Sira ulo, ikaw kaya ang nagsabing puntahan kita rito," wika niya sabay upo sa upuan. Dahil dakilang babaero ang kanyang kaibigan, sa dinami dami ng babaeng pinagsabay sabay nito ay may isang nakadiskubreng hindi siya nag-iisa. Ang labas tuloy sa halip na sampu sana ang ka-date ng kaibigan ay isa-isa itong pinaulanan ng sampal, mura, at tadyak ng mga girlfriends nito.

Siya tuloy ang napagdiskitahan nitong imbitahan para sa Valentines. Dahil lunch naman niya at kanina pa siya gutom, sumama na siya. Impressions be damned. Kapag pagod siya, wala na siyang pakialam kahit ano pang sabihin ng mga asa paligid niya. Tutal, libre naman at mukhang mamahalin pa ang items sa menu.

Tumawag naman si Diode ng waitress at nagsimulang um-order pero dahil nakabukas pa rin ang pagiging babaero, mag-thi-thirty minutes pa bago natapos ang pag-o-order ng kaibigan. Pati number ng waitress nakuha rin nito. Napapailing na lang siya sa ginawa ni Diode at minsan gusto niyang tanungin kung bakit nga ba niya ito kaibigan. Hamak na mas matino kaysa rito ang kapatid nitong si Ion.

Malawak na nakangiti namang hinarap siya ni Diode. "Paano ba 'yan, pre? Maiwan kita after lunch ah. Mayang 1:30 raw ang out ni Maddie."

"Siraulo ka talaga. Tinawag mo lang ba ako dito para ipamukha sa aking wala akong date ngayon?" Medyo naiinis na sabi niya rito. Alam naman niyang wala siyang date.

Disappointing, yes. Pero sanay na siguro siya.

Dalawang linggo na niyang hindi nakikita si Arika. Hindi niya matawagan. Kahit i-text niya, wala siyang nakukuhang reply. Wala ring use ang Facebook at company policy na ata ng pinapasukang kumpanya ng dalaga na bawal mag-social media. Dalawang linggo ng parang wala siyang girlfriend.

But if he had to be honest, almost a month ng wala si Arika. Kung nasa tabi niya man ay tahimik lang o minsan sa sobrang short ng dates nila, hindi na talaga sila nag-uusap.

"Uy, natahimik ka diyan. Ano? 'Di ba magseselos si Arika ako ang ka-date mo?"

Sinipa niya ito sa baba ng lamesa at napadaing ang kaibigan. "Ano ba 'yan, Ric? Kabayo ka ba talaga?"

"Ang galing kasi, kung ano ano ang lumalabas diyan sa bibig mo."

"Pero, ano nga? Wala ka talagang ka-date ngayon? Ikaw kaya ang may syota sa ating dalawa. Akala ko pa naman kung loyal ka, mas maganda ang relasyon. Pinapanood pa lang kita, gusto ko nang ako mismo ang mag-break sa inyong dalawa."

Sakto namang dumating agad ang order nila kaya nabigyan siya ng ilang minuto para piliin ang sasabihin. Maraming pwedeng sabihin. Pero sa dinami dami noon, excuse lang ang lumabas sa bibig niya.

"Baka busy."

"Susmio. Sa Valentines? Busy talaga? E, halos lahat ata nang nandito nag-leave o tumakas sa trabaho. O baka naman, kupad ka lang. Baka siya pa ang gusto mong mag-prepare para sa date ninyo. Ay, kung ganyan, grabe ka na, pre."

Ang sarap talagang sipain ng kaibigan kong 'to, umiling na lang siya. Syempre, may plano na siya. Siya naman lagi ang nagplaplano ng mga dates nila.

Sabi nga ni Arika, mas perfectionist pa raw siya kaysa rito. Pero, sa tuwing siya ang nagplaplano, conscious na conscious siya kung magugustuhan ba ng dalaga ang mga ginagawa niya. Halos hindi na nga raw siya humihinga minsan at pasmadong pasmado pa ang kamay niya sa kaba.

Nang lumaon, magtatanong na lang muna siya bago siya gumawa ng plano. Sayang sa pera. Naramdaman niya na rin yung plano niya sanang sorpresahin ang dalaga pero ang ending ay umuwi siyang mag-isa. Napauwi lang siya matapos niyang lamigin sa isang romantic candlelit dinner kung saan walang dumating.

Kahapon tumawag siya.

Kinabukasan, may message na: Sorry, babe. Busy ako.

"Tumahimik ka nga. Andami mong sinasabi," sabi niya habang ini-i-slice ang blueberry cheesecake na in-order ni Diode para sa kanya.

Tumalima naman ang kaibigan, "Sabi ko nga, ang sarap talaga ng... ano ulit tawag rito, pre?"

Napahilot siya ng sentido at tinignan ang in-order ng kaibigan: braso de mercedes.

"P*ta."

"Uy, bago 'yan, ah. Kailan ka pa natutong magmura? Pero, totoo, pre? P*ta talaga ang tawag?"

"Sira ulo."

Paborito ni Arika ang braso de mercedes kahit para sa kanya ang ewan ng lasa.

Still, that day, just staring at her favorite cake made him feel that there's no hope for their relationship to continue anymore.

Still, that day, just staring at her favorite cake made him feel that there's no hope for their relationship to continue anymore

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Rooftop Girl ꞁ ✓ [ PUBLISHED AS PART OF THE ILYWAMHAK ANTHOLOGY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon