three months after the first dialysis session

202 19 108
                                    

IMPORTANT NOTE:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

IMPORTANT NOTE:

NONLINEAR po ang story so hindi po magaganap ang story ng sunod-sunod. Magsisimula po siya somewhere sa timeline tapos babalik sa past, tapos babalik sa mas recent na past, tapos babalik sa recent, babalik sa future, etc. Take note of the titles to know po kung asaan tayo currently. Iyon lamang, tenchu.

--------------------------

(P.S. Play the music po while reading and if you want to loop, i-right click lang po natin ang video at may loop na pong option.)

--------------------------

And without a sound

My heart in your hand

I have lost my language

Kent, Utan dina andetag

--------------------------

Inagaw ni RG kay Alaric ang huling tofu sa kinakain nilang lunch. Eksaheradong sinimangutan niya ang dalaga. Tawang tawa lang naman ito sa naging ekspresyon niya. Paanong hindi siya mag-re-react gayong alam naman nitong mahilig siya sa tofu?

Pasimple pa nitong kinain ang tofu sa harap niya.

"Ang sama talaga neto. Wala kang pake sa kung anong gusto ko," kunwaring pagrereklamo niya.

Ngumisi lang ang dalaga na mukhang in-e-enjoy ang pang-aasar sa kanya. "Madali lang namang agawin sa akin, Doc. Kiss mo lang ako, tapos alam mo na."

"Ew, RG. Ew."

Humagalpak ito sa tawa at napahawak pa ito sa tiyan. Tatlong buwan na at hanggang ngayon hirit pa rin ito ng hirit na i-kiss daw niya ito. Naging common gag na nga sa kanilang dalawa kaya halos hindi na siya naapektuhan ng mga simpleng pahirit nito. He wouldn't deny that he was a little interested to do it though.

Kumuha na lang siya ng eggroll at iyon na lang ang pinagpasyahang kainin.

Simula nang pinagdalhan siya nito ng lunch ay kinareer na ng dalagang sagutin ang pagkain niya sa tatlong beses na pagdaan nito sa ospital para sa haemodialysis nito. Hindi naman siya nagrereklamo at kahit nagiging vegetarian na rin siya dahil sa diet ng dalaga ay ayos lang sa kanya.

Minsan ngang tinawag siya ni Diode na samahan ito sa barbecue party ng pangatlo sa kasalukuyang limang girlfriend nito ay hindi siya nakakain masyado ng barbecue. Parang nakondisyon na ang utak at katawan niyang lumayo sa karne. Na-weird-uhan sa kanya ang kaibigan at hindi na siya nagkomento kahit kung ano-ano na naman ang pinagsasabi nitong rason kaya bigla niyang itinatakwil ang karne.

The Rooftop Girl ꞁ ✓ [ PUBLISHED AS PART OF THE ILYWAMHAK ANTHOLOGY ]Where stories live. Discover now