Tell me if its love

346 15 0
                                    

Shawn Pov
napamulat ako ng mata sa kadahilanang may naaninag na akong maliwanag at yun yung araw tuwing tatama sa mga mata ko yun ibig sabihin alas sais na kailangan ko ng bumangon....pero dahil wala akong trabaho ngayun dahil linggo hindi muna ako babangon...

*boogsh*

bigla bigla na lang ako napatayo sa bumato sa akin ng unan....

nang nalaman ko kung sino nag bato si mama lang pala...agad agad akong lumapit sa kaniya...

"ma gutom na po ba kayo? paghain ko na kayo??"tanung ko agad agad kay mama...

sinamaan niya lang ako ng tingin...

"kanina pa ako kumain"galit na sabi ni mama sa akin habang nilalakihan niya ako ng mata...

"ah ganun po ba? pasensiya na ma kung tinangghali ako ng gising dami lang po kaseng ginawa kagab---- hindi pa ako tapos sa pagpapaliwanag sumabat na agad si mama...

"anong pakialam ko kung bakit ka napuyat? pinipilit ba kita na gawin mo yun? huh? bakit kase hindi mo na lang ako iwan dito hindi naman kita kailangan eh!! "pag tatabuyan sa akin ni mama....

"ayoko po kayong iwan"mahinahon kong sabi na teary eyed na...

sinamaan niya lang ako ng tingin tapos inirapan niya ako pag katapos nun humiga na ulit siya...

"Wala akong pakialam sayo...dapat ikaw na lang ang nandito sa kalagayan ko tutal wala ka namang kwenta...pwede ba lumayas ka na!"galit na sabi ni mama habang nakahiga na nakatalikod sa akin..

"babalik po ako mamayang tanghali"paalam ko kay mama...pero ganun pa rin siya  nakatalikod pa rin siya sa akin na parang wala talagang pakialam sa akin...hinihintay ko siyang mag response pero ni isang word wala akong narinig sa kaniya kaya ngumiti na lang ako ng tipid...

"sige ma"paalam ko kay mama...

tapos bago ako tumalikod sa kaniya...

"i love you po ma"bulong ko na salita...tapos tumalikod na ako at lumabas dahan dahan ko pang sinara ang pinto para hindi siya magalit pag kasara ko ng pinto may narinig akong kalabog siguro may binato na naman siya sa pinto...

napasandal na lang ako sa pinto tapos napabuntong hininga....

"lalim iniisip natin ah..."napatingin ako sa nagsalita...at ang bumungad sa akin ay isang babaeng napakasexy tangkad at napakaganda...

winave naman niya yung kaway niya sa akin...

medyo hindi lang maipaliwanag yung pag kakita ko sa kaniya...bihira lang to sa akin mag pakita eh...busy sa buhay niya...busy sa pagiging prat...

"oh buhay ka pa pala?"sarcastic kong bati sa kaniya habang inayos ko ang tayo ko...nakakaliit kase sa harap niya tangkad niya kase...

iba naman yung tingin niya sa akin kaya tinaasan ako ng balahibo alam na this alam ko na pakay neto...oo madalang lang kami mag kita pero kapag nag kita kami tapos ganiyan yung ngiti niya...yung ngiting sagad? mga matang pilit pinapupungay? yung dalawa niyang hintuturo pinaiikot ikot niya...naku kabahan na kayo may kailangan yan sa inyo...may hihingin niyan na pabor sigurado ako....kaya binigyan ko naman siya ng nakangiwing look o di maipintang itsura...maya maya nag puppy eyes na siya...hindi na ako nakapagpigil kaya nagsalita na ako....

"ano na naman yun lalaine...?"tanung ko kay lalaine nung tinanung ko siya bigla naman siyang umayos...

"gusto mo sumali sa gang?"bigla niyang tanung sa akin...

kinunutan ko lang siya ng noo tapos ngumuso lang ako...

"gang ba parang prat din yun?"tanung ko sa kaniya...

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Where stories live. Discover now