Chapter 47: Unang Hakbang

203 13 1
                                    

Shawn Pov

Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayun..

kami ni dok teru mag de-date?

totoo ba to?

umo-o ba talaga ako sa date na iyon?

talagang bang balak kong makipagdate kay dok teru?!

umoo ka na nga diba shawn? paulit ulit ka? kung iuntog kaya kita sa pader? nang matauhan ka na, na umoo ka talaga kay dok teru!

habang nag lalakad ako sa corridor pinag pupokpok ko ang noo ko.

kase hindi ko alam kung ano yung iniisip ko nung araw na iyon at umoo ako kay dok teru.

hayst bigla na lang may pumasok sa isip ko...

Flashback

"kyaaaaah!! umoo ka na shawn!" tili ni laine habang niyuyogyog ako

hindi ko alam kung bakit andito si laine ni ilang beses nga lang siyang dumadalaw sa mama ko sa  yuwing kalahating taon. tapos ngayon nakatatlong beses ata siya ng balik sa iang lingho dito sa hospital. Ganiyan ba ang nagagawa ng walang love life namamakialam ng may lovelife ng iba?

kung tuhurin ko kaya tong babaeng ito?

"Ano ba laine naaalog utak ko!" reklamo ko kay laine.

napatingin naman ako kay dok teru na halatang nag aalala saakin balak niya sanang pigilan si laine kaso napapakamot na lang siya ng ulo at natatawa ng bahagya.

sa inis ko bigla ko namang dinanggil yung kamay ni laine.

kaso nawala sa isip ko na hindi pangkaraniwang babae si laine kaya ayun hindi ko nagawang ialis ang kaniyang kamay sa balikat ko.

nahalata siguro ni dok teru na naiinis na ako kaya hinawakan niya sa wrist si laine

"Laine pwede mo bang bitawan si shawn? ayoko kase siyang nakikitang nasasaktan" nakangiting sabi niya kay laine.

nag iba naman ang tingin ni laine sa akin at binigyan ako ng ngiti na pang asar.

ano ba problema ng laine na ito?  talagang balak niya akong ipagtulakan kay dok teru no?

gusto niya talagang makalimutan ko si taru no?

dahan dahan naman ni laine binitawan ang balikat ko na may kakaibang ngiti.

tinitignan ko lang siya ng may kunot sa aking noo

" So ano Shawn lie? payag ka ba?" nakangiting tanung sa akin ni dok teru.

halos hindi naman ako mapakali sa kinatatayuan ko kung saan saan nga napupunta ang eyeball ko eh, sa taas, sa gilid, sa baba.

halatang napepressure ako sa kaniyang tanung..

bigla namang kumapit sa braso ko si laine habang dinadanggil danggil ako ng kaniyang balikat habang kinikindatan kindatan niya ako...

binigyan ko lang siya ng
ayokong-pumayag-look

bigla namang sumama ang tingin niya sa akin at tinapakan niya ang paa ko. kaya napadaing ako, pero hindi ko iyon pinakita kay dok teru

sinagot niya lang ang sinabi ko ng
wag-kang-pakipot-pumayag-ka-na-look

naparoll na lang ako ng mata

nakakainis naman eh..

"mukang ayaw mo ata shawn sige sa susunod na lang sayang naman yung ticket na binili ko" malungkot na sabi ni dok teru habang nakatingin sa dalawang ticket na hawak niya

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon