Chapter 58: Dahil mahal ko siya

210 12 1
                                    

-------------------

halos habulin ko ang hininga ko habang nag lalakad si marki sa harap ko hilahila ang wooden bat na hawak niya.

napabitaw si chane sa pag kakatakip sa bibig ko.

"Get ready to die" nang aasar na bulong sa akin ni ryujin at pag katapos nun lumayo na sila sa akin isa isa.

binigyan naman siya ng upuan ng kasamahan niya at umupo siya sa harap ko.

habang pinapatama niya ang wooden bat sa palad niya.

halos hindi ako makahinga ng mabuti sa ginagawa niya.

papatayin niya na ba ako? hahambalusin niya ba ako ng hawak niyang yan? Taru asan ka na? tulungan mo na naman ako! laine! sean! Ivan! Daiko! kenneth! eleven! miki! asan na kayo! halos matawag ko na lahat ng gangster na kilala ko pero natatakot pa rin ako.

kung pumayag akong maging gangster nun di sana hindi ako mapapahamak ngayun! hindi mali! kung hindi ako pumayag sa alok ni laine sa akin upang mag panggap bilang girlfriend ni taru edi sana wala ako dito! plus hindi ako nasasaktan ngayun dahil sa lintik na pag mamahal ko kay taru!

"Look shawn" bigla akong napatigil sa pag papanik ng itigil niya ang pag hahampas sa palad niya yung bat na yun  at nag salita siya.

halos hindi naman ako mapatingin sa mata ni marki.

ngumiti naman siya sa akin.

"alam mo yung araw na nahampas kita ng malaking kahoy? " pag papaalala sa akin ni marki.

dahan dahan naman  akong tumango sa kaniya. mahirap na pag hindi ako nag behave baka ihampas niya ulit sa akin ang bat na yun.

ngumiti naman ulit siya sa akin

"hindi naman kita sasaktan shawn gusto lang kitang gawing pain. Hindi ako makakapayag na hahadlangan ni taru ang mga plano ko. kaya puputulin ko na ang pangarap niya ngayun pa lang" seryosong sabi sa akin marki.

"Hindi siya pupunta, kung hinostage mo ako dahil gusto mong papuntahin dito si taru para masakatuparan ang plano mo, ngayun pa lang sinasabi ko sayo hindi siya pupunta"seryosong sabi ko kay marki habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata.

tumawa naman siya ng bahagya sa sinabi ko pagkatapos nag lean siya sa sandalan ng upuan na animoy interesado siya sa sinasabi ko.

"Paano ka nakakasigurado shawn? wala kang alam kase hindi mo naman alam kung paano tumatakbo ang pag iisip ni taru diba?" nakangiti niyang paliwanag sa akin

napayuko naman ako sa sinabi niya. tama siya, hindi ko alam kung paano tumakbo ang pag iisip ni taru, ang hirap niya rin kase minsan intindihin eh basta ang alam ko lang mainitin ang ulo niya.

"Alam mo shawn may sikreto akong sasabihin sayo para mas lalo mong kamuhian si taru" bigla akong napatigil sa sinabi ni marki sa akin

bigla niyang binitawan ang hawak niyang bat at tumayo siya at pumunta palapit sa akin.

hinawakan niya ang baba ko at dahan dahan niyang iniangat ito at tinignan ako sa mata sa mata.

"Nung araw na iniligtas mo siya, mas pinili niya si sami na iligtas noon, handa siyang iparaya ang kaligtasan mo para kay sami" binigyan niya ako ng isang napakapait na ngiti pag kasabi at pagkasabi niya nun. kumunot langvang noo ko sa sinabi niyang yun.

hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya. ano ba yun?

nung nahalata naman niya na hindi ko maintindihan ang sinasabi niya sa akin binitawan niya ang baba ko at nag lakad papalayo sa akin

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon