CHAPTER FIVE

551 7 2
                                    

ANGEL ON FIRE

by rj Nuevas

 

CHAPTER FIVE

Bigla siyang tumalikod. Kunwari ay may ginagawa sa counter na nakadikit sa wall. Baka makilala siya ng lalaking iyon.

            Mabuti na lang ang front desk officer na nagtuturo sa kanya ang humarap dito. “Good evening, sir,” masiglang bati nito. Yun ang bilin nito sa kanya, tuwing haharap sa guest, dapat nakangiti, dapat masigla.

Siya, kaya ba niyang batiin nang masaya at masigla ang lalaking ito na nakita siyang naninilip sa kanila ng kasama nitong babae? Hindi! Hindi niya kaya!

“Hello, Rose,” narinig niyang bati naman ng guest sa kasamahan niya. Malalim ang timbre ng boses nito. Kilala rin pala nito ang kasama niya. Madalas ba yon dito?

“Here’s your key, sir Bed,” sagot ni Rose, na kahit hindi niya nakikita ay alam niyang kinikilig. Halata iyon sa boses nito.

At Sir Bed? Bed ang pangalan ng lalaking yon? Bed as in kama?

Alam lang niyang wala na ang guest nang bigla siyang kinalabit ni Rose. “Angel, nakita mo ba si Sir Bed?” Nang tingnan niya ang senior front desk officer ay halatang kinikilig ito. Usually, istrikto ito dahil matandang dalaga. Pero ngayon ay kinikilig ito.

“Sino’ng Sir Bed?” patay malisya niyang tanong.

“Yung anak ng may-ari nitong Imperial Hotel!” nanlalaki ang mga matang sagot ni Rose.

Anak ng may-ari ng hotel -- kung saan siya nago-OJT – ang lalaking iyon? Oh no! Lalong dapat ay hindi siya makita no’n! Baka OJT pa lang ay bagsak na siya!

“Ang guwapu-guwapo talaga niya. Oozing with sex appeal! Sayang talaga! Hindi mo nakita si Sir Bed!”

Kung alam lang ni Rose na nakita na niya ito. At nakita rin siya nito.

Pero ang lumabas sa bibig niya ay: “Bed? Bakit Bed ang pangalan niya?”

“Because he’s good in bed!” natatawang sabi ni Rose na parang kinikiliti.

“Paano mo naman nalaman?”

“Dahil every weekend, narito yan. May sariling suite. At every time, iba-ibang girls ang kasama. At nagkukulong sila roon. At sabi ng mga waiters na nagdadala ng food, ngiting-ngiti raw ang mga girls na kasama. Parang pusa na nakahiga lang, nag-iinat, nakangiti. Contented as a cat talaga.”

At pumasok sa isip niya ang expression ng babae na kasama ng Bed na yon sa cubicle ng C.R. Nakapikit, kagat-labi. Parang inaakyat sa langit.

“Seriously, Benedict ang pangalan niya. Kaya lang hindi ma-pronounce ng younger sister niya ang name niya, Bed lang ang kayang sabihin. Kaya ayun, Bed ang palayaw niya hanggang pagtanda. At sumakto na lang siguro,” pagtatapos ni Rose na hinarap na ulit ang bagong dating na guest.

Marami silang ginawa that day pero ang nasa isip niya ay si Bed. Panay ang dasal niya na sana ay hindi magkrus ang landas nila.

            Pero iba magbiro ang tadhana.

Part ng trabaho nila bilang OJT sa hotel ay ang ilibot siya sa iba’t-ibang position para alam nila ang lahat ng aspeto ng pagpapatakbo ng isang hotel. Mula sa front desk, ang sumunod niyang assignment ay sa housekeeping. Kung saan nakasama naman niya si Erich.

ANGEL ON FIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon