Chapter 4: Sniper

186 13 3
                                    

Papunta na kami ni Hayley sa mga room namin nang bigla naming makasalubong si sir David, ang Prinicipal. "Goodmorning students." Bati nya. "Goodmorning sir!" Bati din ni Hayley.

"Good morning sir. Sir pwede nyo po bag i-explain yung tungkol sa mangyayaring tournament?"Tanong ko. Principal sya kaya sigurado ako na alam nya ang lahat ng tungkol dito.

"Ay yun ba... Teka saan ko pa sisimulan..." Sandali syang nag-isip. "Augmented tournament, ito ang kauna-unahang tournament na gaganapin sa ating academy. Lahat ng estudyante ay pwedeng sumali. Mayroong apat na parte ang Tournament. Ang survival, elimination, semi-finals, at finals. Tatlong araw nalang at gaganapin na ang tournament kaya magparegister na kayo." Paliwanag ni sir David.

Habang nagsasalita sya ay may napansin akong estudyante. Hindi ko pa sya nakikita dito, mukang bagong transfer. "Oh ikaw pala mr. Archedious. Sakto ang dating mo, sya ang magiging kaklase mo." Bati ni sir David sabay turo kay Hayley. Tama nga ako.

"Hello, ako si Adrian." Bati ko sa kanya. Iniiabot ko ang kamay ko upang makipag kamay ngunit tinitigan nya lang ako. "Hmmm mabuti pa ms. Sanvictores ay ihatid mo na si mr. Archedious sa room nyo." Utos ng principal.

Nang makarating kami sa may corridor ng room namin ay biglang syang huminto sa paglalakad. "Ikaw." Sabi nya sabay turo sa akin. "Hinahamon kita sa isang duel." Sabi nya.

•Battle detected•
•Activating Cross Dive mode•

"Adrian, pwede mo namang i decline yung request nya." Sabi ni Hayley. Umilaw ang HCC ko at may lumabas na holographic screen. "Adrian... Please." Sabi ni Hayley. Ayaw ko sa lalaking ito at gusto kong malaman kung may ipapalag ba sya... Pero hindi muna ngayon. May panahon ang lahat ng bagay.

•Request canceled•

Hindi na ito nagsalita at pumasok na sa room nila nya. "Adrian, nakita mo ba yung Hexacore cube nya?" Tanong ni Hayley. Napansin kong kakaiba nga anh HCC nya. "Mukang nahanap na natin ang isa sa mga Royals." Sabi ko. Sandali akong napaisip.

Kung ganon ay dapat ko pala syang kaibiganin dahil isa rin ako sa mga royals. Pero hindi ko alam kung ano ang posisyon ko. Kung ikukumpara sa baraha ay isa akong joker card at sya ay isa sa mga royals.

"Adrian!!!" Nagulat ako sa sigaw ni Hayley. "Ah ano? Bakit? Saan? Waaahh late na ako?" Nag panic ako dahil sa pagkagulat. "Hindi mo ako pinapansin kanina pa kita tinatawag. Bakit ba parang anlalim ng iniisip mo?" Tanong nya.

"Ah wala, wala yun. Sige pasok na tayo sa mga room natin. Saka magparegister na rin tayo sa mga adviser natin." Bilin ko sa kanya. Nakita ko na ang mga galaw ni Hayley. Magiging isang magaling na player sya. Mataas ang chance na makarating kami sa finals.

"Ah okie, kita nalang ngarod tayo mamayang uwian ah." Nagpaalam na si Hayley at pumasok na kami sa room namin. Pagpasok ng teacher namin ay agad kaming bumati. "Good morning sir." Bati ng buong klase kay sir Vera. "Class lahat ba kayo ay may dalang HCC?" Tanong ni sir. Agad namang sumagot ang buong klase. "Yes sir!!!", "Opo sir.","Sir yes sir."

"Sir ano po gagawin natin? Papasok ba tayo sa game?" Tanong ng kaklase ko. "Sir maglalaro po tayo?" Tanong pa ng isa. "Hmmm oo at hindi. Lahat tayo ay papasok sa isang custom world. Ang subject? HISTORY." Sagot ni si Vera.

Umilaw ang cube namin at may lumabas na natofication.

•Do you want to join the custom room?•

Project: SpectreOù les histoires vivent. Découvrez maintenant