Chapter 11: Error

79 4 0
                                    

Nagulat ako sa aking nakita. "Mas makabubuti kung ibibigay mo nalang sakin ang blacksmith na yan." Sabi nya. Hindi muna ako gumalaw at inipon ang mana ko sa aking paa. Nang mapansin nya yon ay tumalon sya palayo sa akin. "Kung iyan ang nais mo..." Bigla akong nakaramdam ng napakaraming mana sa itaas ko. Pagtingin ko ay marami ng mga tao sa itaas.

"Bibigyan ulit kita ng pagkakataon... Ano ang desisyon mo?" Tanong nya. "Sa totoo lang ay nais ko nang patayin ka ngayon... Ngunit kailangan ko pang makuha ang kapangyarihan na nararapat sa akin." Nang sabihin nya iyon ay nagkaroon ako ng kaunting pag asa. "Bata... Ano ang desisyon mo?" Tanong nya sakin. Pinagmasdan ko silang lahat. Nakasuot sila ng mga maskara. Wala itong muka at purong itim lang.

•Overturn barrier activated•

Pinasok ko sa loob ng barrier ang blacksmith para protektahan ito. "Sana hindi mo pagsisihan ang desisyon mo." Sabi ng lalaki. Agad syang nagdash papunta sa akin at sinuntok ako. Hindi ako agad nakapag react sa ginawa nya kaya tumama sa muka ko ang suntok nya. Pababa ang pag suntok nya kaya ginawa ko itong oportunidad para masipa ko sya. Habang patumba na ako ay agad ko syang sinipa.

- 6% HP

Dahil sa pagsipa ko ay nabawasan ang pwersa ng pagsuntok nya. Sandali akong nakampante ngunit nakaramdam ako ng pagdaloy ng mana sa kamay niya. "Aaaaaarrrc smite!!!" Sigaw nya. Tuluyan na ako bumagsak sa lupa kasama ng kamao nya.  Naibaon ako sa lupa at bigla akong nakaramdan ng matinding hilo.

-63% HP

"Tuwing gagalaw ka ay mababawasan ka ng buhay. Kaya kung ako sayo ay dyan ka nalang." Sabi nya. Bakit ba ako nagkakaganito. Bakit ko sya tinutulungan. Dahil ba muka silang masama? Parang may iba pang dahilan... Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Nang subukan kong gumalaw ay nakaramdam ako ng napakatinding sakit.

-4% Hp

Sandali akong hini nakagalaw at tila ba huminto ag mundo ko sa sobrang sakit. "Kun- aya-- mo--g m-mat-y ay wa- ka nal-ng gum-la-." Halos hindi ko na maintindihan ang simasabi nya.

Mabilis kong pinadaloy ang mana sa buong katawan ko at binawasan nito ang sakit. Nang maramdaman ko na kaya ko nang gumalaw ay agad kong inilabas ang scythe ko at saka ko iwinasiwas sa kanya. Tatama na sana ang patalim nito sa kanyang leeg nang mabilis nya itong naiwasan.

Agad akong tumalon palayo gamit ang natitira kong lakas. Sa di kalayuan ay may napansin akong gumagalaw sa di kalayuan. Malabo na ang paningin ko kaya di ko na malaman kung isa ba iyong halimaw o player. "Adrian!!!" Biglang akong kinabahan nang marinig ko ang isang pamilayar na boses. Hindi... Bakit nag online ka pa!

"Hmmm... Sino naman ang isang ito?" Sabi ng lalaki. Agad akong sumigaw. "Hayley!!! Umalis ka na!!! Mag log out ka na!!!" Ginamit ko na ang halos lahat ng lakas ko sa mga salitang iyon. Sa isang iglap ay nawala ang lalaki sa tabi ko. "Hhh-hindi..."

Sa panghihina ko ay bumagsak ako. Ang kaninang tumatakbo papalapit ay bigla nalang bumagsak. Sa likuran nya ay may isa pang anino. Kahit malabo ang mata ko. Kahit hindi na ako masyadong nakakarinig. Malinaw  na si Hayley ang bumagsak na anino. "I-ikaaawww!!!" Pilit kong sigaw.

"Wag kang mag alala batang Stillwater. Pinatulog ko lang siya saglit upang hindi na makagulo sa misyon ko." Lumakad sya palapit sa barrier at nagsalitang muli. "Oras na para itigil ang paglalaro." Nakaramdam ako ng napaka dilim na mana. Naipon ito hanggang sa bigla nalang...

•Silver Night Blow activated•

Sinuntok nya ang barrier na ginawa ko. Sa isang iglap ay nawasak ito. Hindi ko na nasuportahan ang barrier dahil sa panghihina ko. "Dito na nagtatapos ang munti nating kasiyahan." Yung ang mga huling katagang kanyang sinambit bago sya tuluyang maglaho.

Project: SpectreWhere stories live. Discover now