Chapter 6: Duel

100 7 0
                                    

Shinsen's POV

Pagpasok namin ay tapos na ang trial sa floor 2. Nagkalat ang mga patay na mobs. "Nyx?" Gulat na tanong ni Trinity. "Kayo pala... Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Nyx. "Nag tetraining kami para sa tournament na gaganapin sa school." Sabi ko. Biglang may tumalon na mob sa may likuran ni Nyx at kakagatin na sana sya pero bigla itong nahati sa dalawa.

"Sasali din kami sa tournament." Sabi ni Nyx. Paglingon ko ay may nakita akong lalake. "Sya si Jhin,nagtransfer na sya sa may school natin at sya ang magiging partner ko sa tournament. "Hello, BloodShadow ang IGN ko." Kinuha ni Nyx ang blade nya sa inventory nya.

"Siguro dapat na nating ituloy ang duel natin. Ang matatalo ay aalis sa tower." Napatingin si Nyx kay Hayley. "Kung 2 v 2 nalang kaya ang laban?"

•Jhin's party is inviting you to a duel•
[√] [×]

"Ano Trinity? Ikaw ang magdesisyon." Sabi ko sa kanya. Inilipat ko ang virtual screen sa kanya para sya ang pumindot. "Uuhhh sige..." Pagpindot nya ay nagkaroon ng barrier sa paligid. Ang tawag dito ay pvp barrier. Mapupunta ang mga duelist sa isang isolated dimension upang di sila maabala ng ibang players.

"Ok simulan na natin!" Sabi ni Nyx. Bigla syang nawala sa paningin ko at pagkita ko at bigla nalang akong nakarinig ng pagtama ng blade. Paglingon ko ay nakita ko si Trinity na sinalag ang blade ni Nyx. "Dapat inilagan mo nalang ang tira ko." Sabi nya sabay ngiti.

-3% HP

"Ack!" Daing ni Trinity. "Pero bakit? Hindi naman ako... Nasalag ko yung tira mo!!" Sabi ni Trinity. Paglingon ko ay may nakita akong mob. Agad kong inilagan ang tira nito. Tumingin ako sa may pwesto kay Jhin. May hawak syang isang libro at patuloy sya sa pagsummon ng mga mobs.

"Hhmm numbers... Tingin mo matatalo mo ako gamit yan?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko nakita ang skill activation nya. Tuwing may mag aactivate ng skill ay nakikita ko. Sinugod ko ang mga halimaw na sinummon nya. Pumunta ako sa likura nito at sinubukang hatiin ang ulo nito.

Tatama na sana ang blade ng scythe ko sa kanya ngunit bigla itong nasalag ng isa pang halimaw na sinummon nya. Mukang marunong din sila mag silent casting. Ang itsura ng mga ito ay hawig sa tao ngunit may buntot ito. Nakamaskara ang mga ito at may ibat't ibang mga armas.

Nang masalag ang atake ko ay agad akong yumuko para iwasan ang palaso ng isa sa kanila. "Hahaha! Hindi mo matatalo ang mga Nether spawns ko!" Sigaw ni Jhin sa di kalayuan. Sigurado akong may mga kahinaan din sila. Pero ano?

•Fissure activated•

Iniwasan ko ang lahat ng atake ng mga nether spawns nya. Napakarami nila at at malayo pa si Jhin sa akin. Agad akong nagdash papunta sa kanya at saka ko sya sinuntok. "Ack!" Daing nya ng matamaan sya ng skill ko. Tinamaan sya may tyan at ngayun ay namimilipit na sya sa sakit.

- 63% HP

Paglingon ko ay may Nether spawn na pala sa likod ko. Mabilis itong umayake at tinamaan ang tagiliran ko.

- 12% HP

Tumalon ako pataas at saka ako nag cast ng skill.

•Limiter distortion activated•

Lumitaw ang mga kadena sa katawan ko at isa isa itong nabasag sinyales na wala na ang seal sa katawan ko. Ramdam ko ang pag daloy ng kapangyarihan sa katawan ko. Malaki ang naidagdag sa bilis ko. Mabilis akong nagpunta sa may harapan ni Jhin at itinutok ang kamay ko sa muka nya.

Project: SpectreWo Geschichten leben. Entdecke jetzt