Chapter 5: Trials

126 8 0
                                    

•Starting Character link•
[Initiating Full dive]

Pagdilat ko na aking mga mata ay nasa isa kaming syudad. Syudad na sira-sira at walang katao tao. Parang ito yung pinangyarihan ng gera namin kanina. Ang kaibahan lang ay nasa desyerto kami.

"Shinsen..." Sabi ni Trinity. Katabi ko sya ngayon. Pagtiningin ko sa di kalayuan ay may nakita akong malaking halimaw. Isang mummy, may hawak ito na mga tao at kinakain nya ito.

•Sand Guardian•
[Guardian]

HP:100%
Level:100

"Mukang yan ang kailangan nating talunin para makasali sa tournament." Agad kong kinuha ang staff ko mula sa holographic inventory. Sumugod ako at sinubukang hatiin ang ulo nito. "Wraaaahhh!!!" Sigaw nito. Nahawakan nya ang staff ko at unti-unti itong lumubog sa may leeg nya.

Sinubukan kong hugutin ang staff ko mula sa pagkakabaon sa may leeg nya ngunit nabigo ako. Tuluyan na itong napunta sa loob ng katawan ng halimaw. Agad akong na back step at dumistansya muna sa guardian.Sumugod din si Hayley at sinubukan nyang hatiin ang likod ng mummy.

•Radiant Arcane Drive activated•

Pagdash ni Trinity ay bigla syang napunta sa likuran ng halimaw. Napaka-bilis nya at may naiwan pa syang after image.

- 0.5% HP
+ 0.5% HP

"Ano?!" Nabigla si Trinity sa nangyari. Ito ang pinakamalakas na skill nya pero ganun lang ang bawas at bukod pa don ay agad na nag regenerate ang buhay ng boss. Umikot ang ulo ng boss at tumingin ito jay Trinity. "Trinity!!!" Agad akong tumakbo papunta sa kanya pero huli na ang lahat.

Hinampas ng guardian si Trinity. Malakas ang pagkakahampas nito na naging dahilan ng pag tilapon ni Trinity sa ere. Agad akong nag dash papunta sa kanya para saluhin sya. Ngunit nang masalo ko sya ay nasama na din ako sa pagtilapon.

Trinity
- 47% HP

Shinsen
- 68% HP

Tumama kami sa isang pader sa di kalayuan. Napakalakas ng pag tama namin. Kung hindi ko sya sinalo, malamang ay naeliminate na sya. "Shi-shin... Hindi ako makagalaw..." Sabi nya. Tinignan ko ang status nya.

Name:Trinity
Level:17
HP:53%
[Paralyzed]

Isinandal ko muna sya sa pader. "Wag kang mag alala... Ako na muna ang bahala." Sabi ko sa kanya. Paglingon ko sa guardian ay nakita kong patuloy lang ito sa pagkain nya ng mga tao.

•Fissure activated•

Tumakbo ako papunta sa likod ng guardian at sinuntok ang leeg nito. Dahil nasa likuran nya ako ay hindi nya agad ito nasalag. Sumabog ang balikat nya at nakita ko na ang weapon ko. Agad ko itong kinuha at nagdash palayo sa guardian.

•Forbidden art: Dreadful Tribulation activated•

Biglang nagkaroon ng mga kulay itim na orbs sa paligid. May lumabas na mga kadena dito at sa halip na ang guardian ang atakihin nito ay sakin ito tumama. Mabilis na umikot sa katawan ko ang mga kadena. Hindi na ako makagalaw at ramdam ko ang napakatinding sakit.

Project: SpectreWhere stories live. Discover now